28 | Chillin' and a Villian

3 1 0
                                    

Zach’s Outlook

Hindi tilaok ng manok ang gumising sa’kin ngayong araw, kahit pa ang alarm ko. Sa ilalim ng aking unan ay tumutunog ang cellphone na ibig sabihin ay may tumatawag.

Napapikit ako ng mariin. Kaliwang mata ko pa lamang ang kaya kong imulat. Napabangon ako sa kama at napakamot sa’king batok. Sa inis ay kinuha ko na sa ilalim ng unan ang cellphone at parang kape ang pangalan niya na nagpagising sa akin bigla.

Pinindot ko na ang buton at inilagay sa tapat ng tenga, “Nobya ko, ang aga mo naman yatang napatawag?” tanong ko habang kinukusot ang aking mata.

Dinig ang paghinga niya nang malalim, “Nobyo ko, nandito ako sa presinto! Puntahan mo ako,” nawala sa akin ang sapi ng antok at napatayo ako sa gulat.

“P-Paano ka napunta d’yan? Sige, papunta na ako!” kaagad kong binaba ang cellphone at dali-daling kumuha ng maayos na damit.

Nang makapag-bihis na ako ay mas mabilis pa sa kidlat akong umalis ng bahay. Nakatira kami sa riles, katabi namin ang The Plaza at katapat lang namin ang munisipyo ng Calamba. Sa loob noon ay may istasyon ng pulis, ang eksaktong lugar kung saan dinala si Dani.

Kung maaari ko lang liparin ay ginawa ko na. Halos mapudpod na ang suot kong sapatos para makarating doon. Nasa malayo pa lamang ako ay tanaw ko na ang kulay asul at puting mga pader sa may dulo ng munisipyo.

Nang malapit na ako ay tinakbo ko na lamang ito. Pagpasok ko sa loob ay para ba akong artista na lahat sila ay napatingin sa akin. Ngunit ang atensyon ko ay napunta sa babaeng nakatungo habang nakaupo sa mahabang monoblock na upuan na kulay puti.

“D-Dani, ano’ng nangyari sa’yo?” pagtawag ko sa kaniya at tinakbo ko ang pagitan namin. Kita sa mukha nito ang takot nang makaupo na ako sa tabi niya.

Sasagot sana siya ngunit nakita kong naglalakad na papalapit sa amin ang binatang nasa bulsa pa ng pantalon ang mga kamay. Tumingin ito sa akin at ngumising parang nakikipag-biruan ako sa kanya.

Napatayo ako para harapin siya, “Mikki, ano na naman ba ‘to?” matapang kong tanong. Napaalis sa pagkakaupo si Dani at hinawakan ako sa braso upang kalmahin.

Napatawa siya ng hindi kalakasan, “Ha, bakit mo sa’kin ‘yan itatanong? Bakit hindi d’yan sa kasama mo ibigay ang tanong!” mayabang niyang wika at napalingon ako kay Dani.

Mabigat ang naging pagkuha niya ng hangin, napatungo na lamang ito, “I followed him until on their house and confront him,” naghiwalay ang aking mga labi, “But my intentions was only to asked him about the plagiarism issue! Then he called a police and send me here!” pagpapatuloy nito at napakamot na lang ako sa’king batok.

“Pati ba naman ‘yung pangagaya ni Galvez, sa’kin n’yo pa rin ibibintang?” sumabat siya, “Ikaw ba nagturo sa girlfriend mo na pagbintangan din ako dah—”

“Mama mo nagturo!” walang halong biro kong wika na nagpatigil sa kaniya, “Hindi kita kinakausap kaya ‘wag kang sumabat!” tinitigan ko siya na parang tinutupi gamit ang aking mga titig.

“Teka, bakit parang galit ka pa sa akin? Eh dapat nga magpasalamat pa kayo kasi hindi ako nagsampa ng kahit na ano’ng kaso!” kumalma ang dibdib ko nang marinig iyon.

Binasa niya ang kaniyang mga labi, “Dinala ko lang siya rito para malaman niyang mali ‘yung palihim na pagsunod sa akin. Tinakot ko na rin siya!” wika ni Mikki.

“Sa tingin mo ba, matatakot ako?” umimik pa si Dani at pinandilatan ko siya para manahimik.

“Dapat. Kasi sa susunod na gawin mo ‘yun, hindi na ako mag-iisip na kasuhan at ipakulong ka!” naging seryoso na ang kaniyang boses at tumingin sa akin, “Kahit ikaw pa ang girlfriend... ni Tropa!” nangunot ang noo ko sa pangalang itinawag niya sa akin.

Flavors of Your Love 02: Specially Brewed OneWhere stories live. Discover now