01 | Melody's Out of Tune

7 3 0
                                    

Malamang sa malamang ay 'di mo binasa 'yung unang chapter. Kung oo, maraming salamat at sana ay naintindihan mo ang nakasulat. Opo! Book Two ang nobelang balak mong basahin ngayon. So, kung hindi mo pa nababasa 'yung Suddenly Brewed One na siyang first book, wala ka talagang maiintindihan dito. Pero kung nabasa mo na, go! Sana mag-enjoy ka at patuloy mo itong subaybayan, see you sa dulo!

---

This is unedited version that contains loopholes, cringe, and insensitive parts, but I don't want to delete because it serves as my proof that shows my improvement in writing. I want to look back at this as the year passes by. Bare with this one, please.

---

Dani's Outlook

"Two grande mocha for Melody!" women's voice called my name and afterwards, two rings of bell came.

Ako na ang tumayo at humakbang papalapit sa counter. Kinuha ko na 'yung cup ng kape at nagpasalamat sa barista na malaki ang ngiti sa'kin. Pagtalikod ko ay nagtama ang mata namin ng boyfriend ko, ramdam ko ang pagod sa bagsak n'yang balikat at malamlam na mata.

"Pinirmahan na ni Pangulong Benigno Aquino III noong Martes ang Republic Act 10669 na ngayon ay isa nang ganap na batas. Itinatalaga ng batas na ito ang ika-labing-walo ng Agosto bilang Jesse Robredo Day, araw kung kailan namatay ang dating DILG Secretary bilang pagkilala sa kaniyang huwarang pamumuno at panunungkulan," wika ng reporter, "Sa ikatalong anibersaryo ng pagpanaw ni Robredo, itinalaga ni Pang. Aquino na isang special working holiday ang araw na ito at kailangang ipagdiwang ng bawat elementarya at sekondarya taon-taon!"

Paglapit ko sa'ming lamesa ay inilapag ko sa harapan niya ang kape at saka umupo. Isang flash report ang nasa telebisyon na tanaw sa buong café. "Sabi ko sa'yo, ako na magbabayad eh!" may lungkot sa boses ni Zach nawala ang mata ko sa'king pinapanood at kinuha ko ang kanan niyang kamay tsaka pinisil ng marahan, "I said, my treat! Tsaka nag-iipon ka 'di ba at ikaw rin ang bumubuhay sa pamilya mo!" sabi ko at kinuha na ang kape.

Umiling ang ulo n'ya, "Pero nakakahiya na kasi sa'yo! Nitong mga nakaraang araw, ikaw ang nagbabayad t'wing lalabas tayo," sabi nito, kinurba ko pataas ang aking labi upang mabawasan ang lungkot n'ya, "I understand you, Kape ko! Hindi naman kita ginawang boyfriend para maging bangko ko. 'Wag ka nang mag-isip ng kung ano-ano, okay?" sabi ko at itinaas-baba na lamang niya ang kaniyang ulo.

"Malapit ng mag-six, diretso uwi ka na ah?" sabi ko kay Zach at nginitian niya ako. Matapos ang isang oras na kwentuhan sa café ay ihinatid n'ya na ako rito sa'ming bahay, "Opo, Kape ko! Tatawag ako sa'yo kapag nakauwi na ako!" malambing niyang sagot at humakbang ng dalawang beses palapit sa'kin.

Diretso ang tingin niya sa mata ko, habang nagtatama ang aming tingin ay bigla akong nakaramdam ng kung ano. Madalas, kapag ganito ang nararamdaman ko ay alam kong may kung ano'ng paparating.

Inilapat niya ang kaniyang parehong palad sa'king pisngi. Ikinulong niya ang mukha ko sa kaniyang mga kamay, segundo lang ang ibinilang at lumapat na ang malambot niyang labi sa'king noo. Ramdam ko ang kaniyang halik hanggang sa pag-alis nito mula sa'king noo.

"Biyernes bukas, Señor tayo pagkatapos ng klase ah?" tumango lang ako sa tanong n'ya.

Tumalikod na siya at gumalaw na ang mga paa niya paabante. Ilang dipa pa lang ang layo n'ya ay bumibigat na ang aking dibdib, ganito talaga ang pakiramdam t'wing matatapos ang isang masayang araw. "Kape ko!" isang tawag lamang sa kaniya ay kaagad na inikot n'ya ang kaniyang katawan.

"I love you!" wika ko na parang isang pipe. Nagawa nitong mapataas ang parehong gilid ng kaniyang labi, "I love you too, Kape ko!" pagbuka ng labi niya na walang lumabas na ingay.

Flavors of Your Love 02: Specially Brewed OneWhere stories live. Discover now