05 | Lose or Loss

5 1 0
                                    

Dani's Outlook

I don't know where should I start. My mind is occupied of things that until now, I can't find the solutions.

"Oh, I thought for good na 'yang kagagahan mo? Eh bakit mo naisipang aminin na sa lahat na ikaw si Melody?" wika ng nanay ko habang hinihiwa ang steak, "Claire, sa harapan pa ba talaga ng almusal natin 'to pag-aawayan?" sumabat si Nicholas sa baritonong boses.

I can't understand her. Foremost, she dosen't want me to change my face nor my name. She's always saying that I'm going to deceive everyone and that's the most biggest mistake for me. But now that I'm making my mistake right, she still contradicting me.

"Hey! Ano 'yan ulo-ulo lang 'di kasama katawan?" nagitla ako ng may magsalita sa harapan ko at nakatingin siya sa ginu-guhit ko, "K-Kanina ka pa nand'yan?" tanong ko at tumaas-baba ang ulo niya.

Tumapon ang mata niya sa screen ng Wacom tablet ko, "Wow! Grabe, ang galing mo talagang gumuhit," papuri niya at tipid akong ngumiti, "Hindi ko rin alam kung bakit. Basta na lang gumagalaw ang kamay ko at nakakagawa ng ganyan!" sagot ko at nagtaas lang siya ng balikat.

"Pero bakit ka nakatulala," akala ko ay tuluyan n'ya nang inilihis ang usapan, tumunghay ako at sinalubong lang ang tingin n'ya, "I can feel that your thoughts is drowning you! Is that about, Zach?" halos pabulong niyang wika.

Naging tahimik ang paligid kahit pa tahimik na ito. Maraming estudyanteng nagbabasa at may nagpapalamig lang. Iniwas ko ang aking tingin, kahit saan ko naman ibaling ang mata ko ay puro libro lang ang aking makikita.

"Nope, it's about Claire!" nang makakuha na ako ng hangin ay bumaling muli ako sa kanya, "Tita Clarie? Bakit, nag-away na naman ba kayo?" iyun agad ang pumasok sa isip n'ya.

"What are you expected from that girl. Simula naman ng maka-recover ako eh bumaliktad na ang mundo, siya na ang galit sa'kin," wika ko at ibinaba ang hawak kong pang-guhit para sa tablet, "Galit, you mean dini-disiplina ka n'ya! Even she done wrong, she's still your mom Dani," sagot ni Klein at may laman ang tingin niya.

"Opo, St. Klein! I know she's my mom but she have no rights to be called like that," pagmamatigas ko at napailing na lang siya.

Bubuka pa lang sana ulit ang bibig n'ya pero biglang may tumayo sa gilid niya, "K-Klein? 'Di ba ikaw 'yung vlogger na ang mga content eh about sa mga academics?" napatingin kaming pareho do'n sa babae at may kasama pa siyang tatlo sa likod.

"S'ya nga 'yun! Lagi rin naming pinapanood 'yung lifestyle 101 mo pati 'yung mga tutorial about sa good photography!" bakas sa mukha ni Klein na na-pa-flatter siya sa mga sinabi ng nasa tabi niya.

"M-Maraming salamat sa panonood, I really appreciate it so much!" wika niya at pumayag nang magpa-picture sa tatlong babae. Umalis ang mga supporters niya ng may ngiti sa labi.

"Wow! Ibang klase ka na, imagine may mga fans ka na?" wika ko at hindi niya alam kung paano ngingiti ng ayos, "Ayaw ko namang magpaka-big star agad! Viewers muna itawag mo sa kanila," sagot nito at nagkibit-balikat na lang ako.

Inayos ko na ang aking gamit tsaka inaya siyang lumabas na sa library. "Hindi nga pala kita nasundo kahapon 'no? Wala ka na raw sa bahay n'yo eh," tila may bumara sa lalamunan ko at hindi ko nakuhang sumagot, "Maaga ka atang umalis, saan ka nagpunta?" bawat hakbang namin ay mas lalo akong naguguluhan.

Dapat ko bang sabihin sa kanya kung ano'ng ginawa ko o 'wag na lang? Pero hindi, kaibigan ko s'ya kaya dapat malaman n'ya!

"K-Kasi 'di ba? Ano... tsk, ganito!" napahinto siya sa paghakbang at humarap sa'kin, "Kilala kita Dani, alam kong may hindi ka sinasabi. What it is, just go directly!" sabi niya sa baritonong boses.

Flavors of Your Love 02: Specially Brewed OneWhere stories live. Discover now