15 | Alright, Not Right

0 1 0
                                    

Dani’s Outlook

Nakababa ang mga balikat ko ng pumasok kami sa maingay at mataong lugar na ito. Bawat mesa ay may pagkain, nalalanghap at naghahalo ang iba’t ibang amoy ng putahe sa buong paligid. May mahabang pila na mabilis naman ang pag-usad.

Kaagad na pumunta si Fatima sa paborito naming spot, malapit sa aircon. “Minsan talaga, mapapatanong ka na lang kung bakit itong course na ‘to ang kinuha mo eh!” natawa si Fatima sa sinabi ko nang makaupo na kami.

“Sinabi mo pa! Eh kahit saan ka naman pumunta, walang madaling course. Isipin mo na lang na isang taon na lang at finally, matatapos na natin ‘tong kalbaryong ‘to!” Fatima cheer my sleeping spirit up.

Tumayo siya, “Ano’ng gusto mo? Ako na ang pipila para sa’tin!” tanong niya at umiling ako, “No need. Nand’yan na ‘yung pagkain natin o!” sabay turo sa babaeng may dalang tray at papalapit sa amin.

Tumingin siya sa akin ng nakakunot ang noo, “Tama ba ‘tong nakikita ko?” natawa ako sa tanong niya.

Nang makalapit na sa amin siya ay pinaupo ko siya sa tabi ko. Katapat namin ngayon si Fatima na hindi pa rin maipinta ang mukha, “Girl, it’s not delusion. I and Tasha are now okay!” marahang tumaas-baba ng ulo n’ya.

Napatungo naman ng kaunti si Tasha, “Wow! Good to hear. So you’re now friends?” may excitement sa boses niya. Nagtinginan kami ni Tasha bago ako muling tumingin kay Fatima, “We’re now friends! Ayaw mo bang isali ‘yang sarili mo?” pagbibiro ko at natawa kaming tatlo.

“Here. Hindi ko alam ‘yung gusto n’yo kaya ito na lang ‘yung kinuha ko!” matapos naming tumawa ay isa-isa nang inilagay ni Tasha ang pagkain sa tapat namin.

Soda and apple pie is much better for this break. I’m not in the mood to take heavy foods. After she distributed our foods, no dare to talk and start to fill our tummies.

“Nasaan nga pala sila Klein? I thought, siya ‘yung lagi mong kasama t’wing break time?” nagsalita si Tasha. “Lately, him and Macc are both busy. Papalapit na kasi ‘yung NUPA. Journalist things,” sagot ko at napatango siya.

“Eh ikaw Fatima. Nasaan si Wilson, hindi ba’t mas naging close kayo ng lokong ‘yun?” kay Fatima ko ipinasa ang usapan at natawa naman ito.

Iniligay niya ang nakalaylay na buhok sa likod ng kanang tenga, “Nakausap ko siya kanina sa library. Mukhang busy talaga s’ya ngayon sa studies n’ya eh, hindi kasi ako mabiro ng malala!” napailing ako dahil ugali talaga ‘yun ni Wilson.

“Oh, I thought it’s the name of your main character on Cloudburst Within Summer! Katunog lang pala,” sumingit si Tasha at dumapo ang mata namin ni Fatima sa kanya. “Main character?” hindi ko makapaniwalang sagot.

“You didn’t know that Fatima is writing a novel?” tumingin ako kay Fatima na nanlalaki ang mata. “Uy! Bakit ‘di mo sa’kin sinasabi na nagsusulat ka pala ng kwento?” may pang-iintriga sa boses ko at kaagad niyang ikinawag ang mga palad.

“Sasabihin ko naman talaga eh. Nawala lang sa isip ko, tsaka last week ko lang siya nai-post sa Wattpad!” I slowly nod my head and my eyes goes to Tasha.

“Oh my, I’m sorry Fatima. Ang daldal ko, hindi mo pala gustong ipaalam sa iba!” nahihiyang wika nito at ngumiti si Fatima. “Ano ka ba, wala ‘yun. Ayaw ko lang ipaalam sa iba kasi ayokong i-brag ‘yung sarili ko,” sagot nito.

“Ayaw i-brag o hindi ka pa tiwala sa gawa mo? Kung may maniniwala man sa sarili mo, dapat ikaw muna ‘yun!” nahuli ko ang tamang dahilan dahil napa-tungo siya, “Kahit hindi ako mahilig d’yan sa Wattpad, mag-i-install ako at susuportahan kita!” nagkaroon ng liwanag sa mata niya at tumango.

Flavors of Your Love 02: Specially Brewed OneWhere stories live. Discover now