14 | Pal They Found

0 1 0
                                    

Zach’s Outlook

Grabe ‘tong nangyayari sa’kin. Tuluyan na talagang napa-lambot ni Dani ‘yung puso ko. Kung dati ay nagagawa kong iwasan at balewalain ang presensya niya, hindi ko na ‘to magawa ngayon. Tinanggap na ng sistema kong parte na siya ng araw-araw ko.

Halos matanggal ang kaluluwa ko sa lakas ng pumasok sa’king tenga. Umuusok ang mata at tenga kong humarap kay Axel na hawak ang dalawang cymbals at hindi maipinta ang ngiti.

“Grabe kasi ‘yang itsura mo. Mahipan ka ng hangin, kanina ka pa nalulunod sa iniisip mo. Kailangan mo ba ng salbabida?” wika niya at napakamot ako sa’king batok, “Mama mo salbabida!” gitil kong wika at inayos ang pagkakahiga ng gitara sa hita ko.

“Ang sakit sa tenga noong ginawa mo! Tanggal lahat ng tutuli ko eh,” salita ko habang iginagalaw ang hintuturo sa loob ng kanan kong tenga.

Habang inaayos ni Bread ang mga cymbals pabalik, “Kanina ka pa kasi namin tinatawag, hindi mo kami naririnig. I-kwento mo na, ano’ng meron?” diretso niyang sabi.

“Ililibre ko kayo mamaya kapag hindi tungkol kay Dani ‘yan!” sumabat si Steve at napatingin kami sa kanya. Lumunok ako, “Pasensya na kayo, wala kayong miryenda!” sabay-sabay na bumagsak ang mga balikat nila.

Napailing na lang si Steve at umupo sa tabi ko si Axel, “Hindi tayo makakapag-umpisa kung lutang ‘yung bokalista namin. Kaya ilabas mo na sa’min ‘yan,” salita nito pagka-akbay niya.

Napatingin naman ako sa gitna ng aking hita. May kalakasang pagtama ng palad sa batok ko ang aking naramdaman. “Siraulo, hindi ‘yan! Seryosohin mo na kasi kami ‘tol,” ngayon lang ako muling natawa sa sarili kong kalokohan habang busangot na si chismosong Axel.

Hindi pa tuluyang nadadampian ng araw ang buong paligid. Kapayapaan ang yumayakap sa kalsada kung saan umiikot ang gulong ng aking bike. Nang makita ko na ang numero na nasa pader malapit sa gate ay pinakagat ko na sa preno ang gulong. Sana tama ang inilagay niya sa kaniyang resumé.

Isang lalaki ang nahagip ng mata ko na naglilinis ng kotse. Ilang segundo lang ay naramdaman na niya ang presensya ko at kinilatis ako ng mga mata niya.

“Magandang umaga po, Sir!” bati ko sa kaniya at nasuklian ako ng ngiti. “You’re Zach, right?” wika niya at tumaas-baba ang ulo ko.

“Susunduin ko po sana si Dani... kung nand’yan pa po s’ya?” napanatag ako ng tumingin siya sa pintuan, “Naliligo pa lang ‘yun. Gusto mo ba munang pumasok at mag-almusal?” umiling ang aking ulo.

“Huwag na po. ‘Wag n’yo na rin pong sabihing nandito ako, baka po kasi maabala pa siya sa pag-aayos,” tumango naman siya at humakbang papunta sa gate.

Itinulak niya ito palabas at humakbang siya papunta sa harapan ko. Ramdam ko ang nakakailang na paligid ngunit pinilit ko lamang maging normal.

“K-Kamusta naman si Dani sa Puting Tasa, hindi naman ba sakit ng ulo?” tanong nito at natawa ako ng mahina, “Napakadali pong matuto ni Dani. Ilang linggo na po s’ya doon at mukhang seryoso po talaga s’ya sa ginagawa n’ya!” pagmamalaki ko.

Saglit na kumalma ang paligid. “Eh kayo ni Dani, kamusta?” isang tanong na nagpahinto sa akin.

Nagtama ang mata namin, para bang nasa tingin niya ang sagot pero wala. Umangat ang labi niya bago i-klaro ang lalamunan.

“Kung iba ang nasa sitwasyon mo hijo, malamang ay hindi nila matatanggap ang anak ko ng katulad ng kung paano mo siya hinayaang bumalik ulit sa buhay mo,” wika nito, “Matapos iwan ng walang paalam, bumalik at pag-lihiman, mahirap para sa iba na tanggapin ang taong gunun!” dagdag niya pa.

Flavors of Your Love 02: Specially Brewed OneWhere stories live. Discover now