18 | Tease of Taste

1 1 0
                                    

Dani’s Outlook

Ang dating halos mala-fiest sa ingay na café ay para na ngayong may pinag-lalamayan. Kung dati ay halos magkaubusan ng upuan, ngayon ay maaari ng mag-tig-isa ng upuan ang lagpas sa fifteeng costumer at ang mga kaluluwa nila.

“Nai-draft ko na lahat ng suggestions n’yo! May plano na pero mukhang malulugi tayo bago natin magawa ang mga ‘yun,” wika ni Sir Lance, “Isang linggo ng parang patay ang coffee shop natin. Habang sa kabila, parang araw-araw may birthday-an!” dagdag pa nito na mas lalong nagpabagsak sa aming balikat.

Nasasagap ng tenga namin mula rito ang jingle ng Tea-tas of Calamba. Para siyang kaluluwang ayaw magpatahimik.

Magkakatabi kaming lahat at nasa harapan ng counter. Mula sa dulo ay si Conan, katabi si Chelsea at kasunod si Hannah. Nasa kaliwa nito si Sir Lance kasunod ako na katabi si Zach. Hindi ko maintindihan ang mararamdaman habang tinititigan ang kakaunting costumer.

“Ang mahalaga, may costumer tayo! Kaya nga dapat maisagawa na kaagad natin ‘yung mga plano natin kaysa tumunganga tayo rito,” Zach tried to.elevate our mood but no one respond.

Chester itch his nape, “Hindi ko akalain na magiging ganito ‘yung café natin! Bakit naman kasi baliw na baliw sila sa milktea na ‘yan?” he told.

While I am gazing at the costumer, words of Chester absorbed by my mind, “Wait! I think I have an idea,” I said with confidence and got their attention. They looked at me waiting to put my thoughts into words.

Pinasadahan ko sila ng tingin, “How can we win this game if we didn’t know how our opponent works?” binigyan ko muna sila ng isang bugtong kaya naman lumangoy sila sa pag-iisip.

“So ano’ng ibig mong sabihin? Kailangan nating malaman ang kilos ng kalaban?” nanlaki ang mata ko ng marinig ang sinabi ni Hannah.

“Exactly! Katulad sa paglalaro ng chess, kailangan mo munang malaman ang kilos ng kalaban bago ka makabuo ng plano at matalo siya!” paliwanag ko.

“Ito ha, isipin n’yo. Kung ‘yang milktea shop na ‘yan ay nagtayo sa katabi ng isa pang milktea shop, sa tingin n’yo ba magiging mabenta sila?” tanong ko at nagsabay sila sa pagsagot ng “Hindi!”

“See? Kaya inalam nila ang business natin. Sigurado ako roon. Dahil alam nilang matagal na ‘tong café ay rito rin sila nagtayo,” I added. “Inalam nila kung paano kumilos at gumalaw both internal and external, kaya lahat ng wala tayo ay ginawa nilang available sa kanila!” then nodded their heads.

“Bukod doon, nakikita kong meron silang best-seller eh. ‘Yun ang madalas na ino-order ng marami, kung hindi ako nagkakamali... Perfecto, Pasado ‘yung pangalan ng milktea,” Hannah said.

“What so special about that milktea?” wika ko at napailing, “Kapangit pa ng pangalan. Si FPJ pa ata nag-suggest noon eh,” sabat ni Conan at tila mas lalo kaming nanghina sa banat n’ya.

“You’re right Dani. Malamang ay matagal na nilang pinag-aaralan ‘tong café, even on how we create a name for our products, mukhang pinipilit nilang gayahin!” tumango naman ako sa sinabi ni Sir Lance.

“Nakita n’yo na ba kung sino ang owner ng Tea-tas of Calamba?” tanong ni Chelsea at walang nakasagot sa amin.

Saglit kaming natahimik bago ako muling nagsalita, “Hindi pwedeng nakatunganga lang tayo rito. Mukhang hindi natin alam noon na isa na pala sa naging costumer natin ay mula sa Tea-tas of Calamba at napag-aralan ang café natin,” tumalon ako sa konklusyon.

“Kaya dapat, malaman din natin kung ano’ng meron sa loob ng Tea-tas of Calamba,” napatingin kaming lahat kay Zach nang sabihin niya iyon.

“Ha, paano? Eh mukhang kilala na tayong lahat na empleyado ng Puting Tasa. Malamang hindi tayo papapasukin doon,” sumabat si Chelsea.

Flavors of Your Love 02: Specially Brewed OneWhere stories live. Discover now