04 | Switching Positions

1 1 0
                                    

Zach’s Outlook

“Yes, I made it!” isang malakas na boses ang kumalat sa buong café. Kahit pati mga costumers ay napatingin sa bar at naroon ang taong sumigaw.

Kaagad akong lumapit sa kanya, “Hoy Chester! Ba’t ka ba sumigaw?” halos pabulong kong wika habang nginingitian ang mga costumer para pahupain ang gulat nila.

“S-Sorry na! Nabigla lang naman kasi ako,” sagot niya at lumapit na rin ang mga ka-trabaho namin, “Bakit ang ingay rito sa back-office, aber? Nasa trabaho po tayo!” pagsusungut ni Hannah at kaagad na pumunta sa kaliwa ni Chester.

“Kasi nga ito na... nakasama ako sa student exchange program at pwede na akong mag-aral sa London!” nanlaki pare-pareho ang mata namin at nagharapan kami sa bawat isa.

“WOW!” sabay-sabay kaming napasigaw kaya mas naging malakas ang ingay. Kaagad naming niyakap si Chester at para na kaming nag-group hug.

Ilang segundo pa bago namin namalayan na nakatapon na sa’min ang pailalim na mata ng mga nabulabog na costumer, kaagad naman kaming nag-sorry at hininaan na ang boses.

“Pero teka, kailan pa ‘yan?” tanong ni Conan, “Oo nga! Tsaka hindi mo man lang sinabi sa’min na nakakuha ka ng ganyan, parang ‘di mo kami kaibigan ah!” sabat ni Chelsea at umiling si Chester.

“Kaya ko ‘di sinabi sa inyo kasi gusto ko, surprise! O effective naman, ‘di ba?” napatango naman kami at ngumiti, “Last last week pa ‘to, na-shortlisted ako mula sa mga kasama sa dean’s list!” paliwanag niya at nasa kanya lang ang aming tenga.

“Ayun, kapag na-approve raw ‘yung application eh mismong CNU na ang mag-i-sponsor sa’kin papuntang London... eh na-approved!” muli na naman sana kaming sisigaw dahil sa tuwa pero pinigilan n’ya kami.

“Oo! Kaya aayusin ko na ‘yung mga kakailanganin, ilang days na lang,” napatigil siya pati na rin kami ng alam na namin ang susunod niyang sasabihin, “Aalis ka na?” may piyok sa boses ni Conan kaya ang saya ay agad na napalitan ng lungkot.

Tiningnan niya kami isa-isa at kaagad na lumamlam ang mga mata namin. Para kaming pinagsakluban ng inidoro at lababo dahil sa mga naging itsura namin ngayon, “Ano ba kayo! Lalo n’yo lang akong pinapahirapang umalis, hindi ba kayo masaya na may kaibigan na kayong magiging imported?” natawa naman kami ng mahina dahil sa sinalita ni Chester.

Umiling si Hannah, “Masaya, syempre! Pero iba pa rin ang Puting Tasa ‘pag nandito ka ‘no!” kahit ang matapang naming secretary, mukhang tinamaan na ng lungkot, “Kaya nga, pa’no na ang café kung wala na si lattè art master!” sagot ko at napatungo siya.

“Tsaka hindi buo ang 3C kung wala si Chester,” namumula na ang mukha ni Chelsea at napakagat siya sa kaniyang labi, “Teka, alam na ba ‘to ni Sir. Lance?” tanong ni Conan at kumaliwa’t kanan ang ulo ni Chester.

“Mamaya ko na sasabihin, nasa supplier pa s’ya ‘di ba?” sabi niya at sinalubong ang mga mata namin. “Hindi naman sa langit ang punta ko, London guys!” pinilit na lang naming tumawa.

“3C pa rin naman tayo kahit nasa London na ako ‘no!” sabi niya no’ng humarap kay Conan, “Habang wala pa ako, C2 muna kayo ritong dalawa!” sabi naman n’ya pagkaharap kay Chelsea. “Teka, mukhang nakaka-uhaw naman ‘yun,” sabat ko habang hinahaplos ang leeg.

“Ikaw naman Zach, magaling ka ng barista tsaka ‘yung lattè art, naituro ko na sa’yo ‘yun ah!” ngayon naman ay napakamot ako sa’king batok, bubuka na sana ang bibig ko pero nanlaki ang mata n’ya, “O! ‘Wag mong pagdudahan ang sarili mo, na-pratice na natin ‘yun no’ng bakasyon,” sabi n’ya at tumango na lang ako kahit ‘di ako sigurado.

Flavors of Your Love 02: Specially Brewed OneWhere stories live. Discover now