26 | Torn Completely

2 0 0
                                    

Zach’s Outlook

Mr. Desepeda, what have you done?” kumulog ang boses ni President Valencia sa loob ng kaniyang office.

Hindi ko magawang salubungin ang nag-aapoy niyang titig. Nasa sahig lamang ang tingin ko habang nakaupo sa harapan ng table niya. Tila hindi nangangalay ang paa niya dahil kanina pa ito pabalik-balik sa iisang direksyon habang si Gen Z ang nakupo sa kaniyang swivel chair.

“Mr. Despeda, look at me!” tinawag niya ako at ilang segundo bago ako nakakuha nang lakas ng loob para sundin ang inuutos niya.

Nagsasalubong ang aming mga tingin. “Can you please tell us, why did you steal the answer key and spread it through your department?” tinanong niya ako na parang siguardo siya.

Inalog ko ang aking ulo, “President, maniwala po kayo sa akin, hindi talaga ako ‘yung nagkalat ng sagot!” pagsasabi ko ng totoo ngunit nakusot ang mukha niya.

“That’s impossible! Ikaw ‘yung nakita sa CCTV na sumunod na pumasok sa faculty room pagkalabas ng mga professors!” kinakalma ko ang aking sarili. Nakakasindak ang nag-aapoy niyang boses.

“Maniwala po kayo sa akin,” nananatiling mahina ang aking boses at humarap ako kay Dean na nakababa ang mga labi, “Gen Z maniwala po kayo! Hindi ko po magagawa ‘yun, pumasok nga po ako noong araw na ‘yun pero kinuha ko lang ‘yung mga pinag-uutos sa akin noong mga professors!” paliwanag ko pero mukhang naglabas-pasok lang iyon sa tenga ni President Valencia.

“You’re a dean and president’s lister Mr. Desepeda! Why did you need to do this dirty trick?” inilagay niya ang kanang kamay sa bewang habang inihihimas sa batok ang kaliwang palad.

Magsasalita pa sana ito ng biglang nawala sa pagkakalapat ang pinto sa pintuan. Kasunod nito, limang mga lalaki ang humahangos papasok.

“Pasensya na hindi na ako kumatok. Alam kong urgent ‘to!” paliwanag ni Tatay Carlo at nasa likuran niya ang mga ka-banda ko.

Humakbang papalapit sa akin sila Axel. Umupo ito sa katapat kong upuan habang ‘yung tatlo ay nanatiling nakatayo harapan namin.

“Zach, ano bang nangyari?” tanong ni Axel. Bubuka na sana ang bibig ko ng biglang umubo si President Valencia.

Napunta ang atensyon namin kay President Valencia na papalapit kay Tatay Carlo na nakatayo malapit sa pintuan. “Earlier, I received another complain again regarding on mid-term exam!” pag-uumpisa nito.

“There was an exam answers leakage through business administration department. And our main suspect for this unrighteous doing is no other than your vocalist!” matapos nito ay sa akin napunta ang mata nila.

Nagsalubong ang kilay ni Tatay Carlo, “Bakit ‘yung anak ko ‘yung pagbibintangan n’yo? Ano’ng ebidensya n’yo President para ituro lang siya ng basta-basta?” nagpipigil sa galit na wika ni niya.

Pinagpagan ni President Valencia ang kaniyang suot na coat at muling nakipagsaksakan ng tingin kay Tatay Carlo, “We review the CCTV and Mr. Desepeda was caught, leaving the faculty room where his professors aren’t inside that time. And guess what? When the lecturer came back, they notice that the answer key was missing!” tila sigurado na roon si President Valencia base sa kaniyang pagsasalita.

“’Yun ba ‘yung araw na nakasalubong kita sa hallway? ‘Yung marami kang dalang papel tapos papunta ako ng library?” nagtanong si Bread at sinagot ko naman pagtaas-baba ng ulo dahil hindi na ako makapag-salita sa sobrang pintig ng aking dibdib at gulo ng isip ko.

“Can we please relax for some time,” tumayo na si Gen Z at naglakad papalapit sa dalawa, “Nagkakagulo na ang business department, ‘wag naman na sana nating dagdagan!” pagpapahinahon niya ngunit tila walang tenga ang dalawa.

Flavors of Your Love 02: Specially Brewed OneWhere stories live. Discover now