11 | Match Made In Coffee

1 0 0
                                    

Dani’s Outlook

“I hope, one week is enough for everyone to accomplish the task. Are we clear?” tanong ng professor namin, “Yes Prof!” sabay-sabay bumuka ang bibig namin at naglakad na palabas si Prof.

Mala-kidlat namang nagsi-sunuran ang mga aligaga nang makauwi. Dahil tanging Wacom tablet lang naman ang dala ko, wala na akong kailangang ayusing gamit at lumabas na rin ako.

Nasa malayo pa lang ako ay tanaw ko na ang lalaking naka-gray na polo shirt. Ngunit ang iba ngayon, may mga kababaihan na nakapalibot sa kanya. Mga tatlong freshmen at mukhang nagpapa-picture. Umiling na lang ang ulo ko at humakbang papalapit sa kanya.

Sakto lang din ang alis ng mga babae, “Hanep! Baka sa susunod, kailangan ko pang makipag-siksikan sa mga fans mo para malapitan ka lang?” may biro sa tono ko at napatawa siya, “Hindi mangyayari ‘yun. Ikaw ang gagawin kong tagahawi at taga-ayos ng pila!” napangiti ako at mukhang natututo nang magbiro ang Manong na si Klein.

Bumaba ang balikat ko nang maisip ang iniwang activity sa’min, “Oh, what’s with that face? Is there something bothering you?” tanong nito at gumalaw ang ulo ko pataas-baba, “’Yung iniwang kasi sa’ming gagawin eh. Kailangan naming mag-capture ng isang lugar dito sa Calamba tapos gagawin namin ng kakaibang flavor through painting,” paliwanag ko at napaisip siya saglit.

“So you mean, gagawin n’yong reference ‘yung captured picture and convert it into something new and contemporary?” namilog ang aking mata at umangat ang aking labi, “Grabe, ang bilis talaga ng utak mo!” bati ko rito na ikinakamot niya ng batok.

“Sa digital photography class n’yo ‘yan ‘no?” tanong niya ulit at tumaas ng dalawang beses ang kilay ko, “Ah! May naisip na ako, tara na. Free ka ba ngayon?” dagdag niya.

“Yup! Mamaya pa naman shift ko sa Puting Tasa eh. Ano ba ‘yang naiisip mo muna?” paniniguro ko, “Basta! Wala ka bang tiwala sa’kin?! Tara na, saktong mukhang bukas pa ‘yun,” sabi nito at sumang-ayon na lang ako.

Nakakailang hakbang pa lang kami ay may bumulaga na kaagad sa hallway, “Oh, Mom! What brings you here?” sabi ni Klein at kaagad na nag-beso sa nanay n’ya, “Ikaw! What brings you here in Institute of Arts building?” nakangiting tanong nito ng mapadako ang mata sa’kin.

“Ah, alam ko na kung ano’ng ginagawa ng isang marketing major dito sa building ng mga arts student!” maaliwalas ang mukha niya at siya ang lumapit sa’kin upang makipag-beso.

“Good afternoon po, Mrs. Galvez!” mahinahon kong wika at kumunot ang noo niya, “Stop it, hija! I told you ‘di ba, you should call me Tita Sharmaine!” wika niya at hindi ko alam kung paano ngingiti ng maayos.

It’s intimidating to see a woman whose in late forties, wearing above-the-knees dress partnered with black stilettos and glamoured with minimal jewelries. “Oh, yah! I should try it po, Tita Sharmaine!” she smile and caress my left arm.

“So Mom, bakit ka po nandito?” Klein asked again, “I just to check some papers. Alam n’yo na, it’s my duty as trustees!” and she smiled through ears.

“Okay Mom! So, you may excuse us? May pupuntahan pa po kami!” paliwanag ni Klein at nag-iba na ang ngiti ng nanay n’ya, “Oh, is that a date?” tila nasamid ako sa aking narinig.

“N-No Mom! May gagawin lang kami tungkol sa output ni Dani, it’s not what you think,” depensa ni Klein at tumango-tango lang ang ulo ni Tita Sharmaine, “Okay! Friends nga pala kayo ni Danica!” ramdam sa boses ni Tita na parang nag-aalinlangan pa siya.

“Sige anak. Enjoy kayo ng friend mo sa gagawin n’yong project!” napailing na lang si Klein dahil sa pagiging iba ng tono ng nanay n’ya. Nag-paalam na kami ng maayos at sa wakas ay nakaalis na kami.

Flavors of Your Love 02: Specially Brewed OneWhere stories live. Discover now