22 | Ghost of the Past

1 0 0
                                    

Zach’s Outlook

Isang malaking araw ang naghihintay sa amin ngayon. Patilaok pa lamang ang mga manok ay gising na gising na kaming lahat sa café.

Sa loob ng halos dalawang linggong pag-sasaayos, pagpapaganda at pagbibigay ng bagong bihis sa kapehang ito, sa wakas... ngayong araw na ang aming grand re-opening!

Bawat isa ay hindi maaaring walang ginagawa. Kami ni Conan ay tumutulong sa pag-se-set-up sa kapehan. Si Chelsea naman ang taga-mando sa catering service na inihanda ni Sir Lance para sa mga inimbita niyang kakilala at bisita. Samantalang sila Hannah at Dani ang naging utak ng program.

Kaliwa’t kanan ang mga pumapasok at lumalabas ngayon sa Puting Tasa. Ang lahat ng utak ng bawat isa ay nakatuon sa kanilang ginagawa. Kada segundo ay may nagbabatuhan ng salita at nagpapalitan ng suhestiyon. Walang malugaran ang katahimik sa loob ng café.

“Sige Kuya! Ayan, ayan... oops!” nakasara ang aking kanang mata habang ang kaliwa ang aking ginagamit upang tansiyahin ang ikinakabit na tarpulin sa taas ng Puting Tasa.

Bumaba na ang mga staff sa kanilang tinutungtungan ng masigurong pantay na ang pagkakabit. “Sige boss, ayusin na namin ‘yung mga lobo sa loob!” wika ng isang lalaki sa akin at tumango ako.

Ilang oras na lamang ay ngingiti na nang tuluyan si Haring Araw. Napunta naman ang aking mata sa kanan at natagpuang lumilipad na naman sa kawalan ang atensyon ni Conan.

“Hoy Banga! Tulala ka, gutom ka na naman ba?” tanong ko rito matapos tapikin ang kaniyang batok.

Napalingon siya sa akin habang kinakamot ang likod ng leeg, “Sira. Tingnan mo doon sa Tea-tas of Calamba, nag-de-design din sila at nagkakagulo sa loob. Ano naman kayang pasabog nila ngayon? Talagang tinaon pa sa re-opening natin eh!” puna niya kaya binigyan ko rin nang atensyon ang itinuro n’ya.

Umiling ako, “’Wag mo na silang pakialaman. Kung may big event din sila ngayon, hayaan mo. Mag-focus ka sa atin, malaking araw ito para kay Sir Lance,” puno ng pag-asa kong sabi at tiningnan ang café, “Dahil ngayong araw, makikilala na ng lahat ang pinakabagong... Puting Tasa!” may ningning sa’king pananalita at buong lakas na itinuro ang café.

“Kakapanood mo ‘yan ng teleserye! Pumasok na nga tayo roon, mukhang marami pang aaysuin!” pambabasag niya sa aking mala-theatre na eksena at pinalo ng mahina ang likod ko bago humakbang papasok.

Pagpatak ng alas-otso ay tinipon kami ng Sir Lance. Kasama kaming limang tauhan niya, mga staff na tumulong sa pag-didisenyo ng café at catering ay magkakatabing nakatayo sa kaniyang harapan.

Ramdam ang kahalagahan ng araw na ito para kay Sir Lance. Isang malupitang postura ang mayroon siya ngayon. Itim na coat at kulay asul na polo sa loob. Naka-baston ang slacks na bumagay sa bagong linis na sapatos. Nakataas din ang kaniyang buhok na bihira ko lamang makita. Isang presentable at kagalang-galang na boss ang nakatinding sa’ming harapan.

Klinaro niya ang kaniyang lalamunan, “First of all even the event isn’t yet starting, I want to thank you all for giving your best and full-cooperation in this event that we planned for almost a week!” magiliw niya pananalita na nagbigay ng ngiti sa aming labi.

“Mula sa catering, designs and organizing, event planner at syempre sa mga tauhan kong para ko na ring anak na sinamahan ako rito, maraming salamat!” nagtama ang aming mga tingin at ligaya ang mababasa sa bawat mata.

“This day is the opening of new hope and journey for this café!” huminga ito ng malalim, “So we should do nothing but enjoy. Beginning at this point, we will start the celebration for the new milestone of Puting Tasa!” naging mataas ang tono niya sa mga huling salita at sabay-sabay na nagpalakpakan ang lahat.

Flavors of Your Love 02: Specially Brewed OneWhere stories live. Discover now