03 | Starting Over Again

1 1 0
                                    

Dani’s Outlook

“Are you sure you want to do this?” mga pang-apat na beses nang tanong ni Klein, pumunta ang ulo ko sa kanan, “Klein, if I’ll not do it now, when do you think should I do this?” sinagot ko rin siya ng tanong.

Natahimik ang loob ng sasakyan n’ya. Nanlalamig ang sistema ko at kanina pa namamawis ang aking palad. Malamig naman sa loob pero may namumuong butil ng pawis sa’king noo.

Muling kong tinapunan ng tingin si Klein, “Sa tingin mo, katulad din kaya ng reaksyon ng mga relatives ni Mom at Dad ‘yung magiging reaction nila?” malumanay kong tanong, “Hindi ko rin masasagot ‘yan. Pero kung ano mang maging respond nila, tanggapin mo!” sabi nito habang ang mata ay nasa kalsada pa rin.

Naging maiksi lang ang biyahe. Narito na kami sa tapat ng riles. Naunang bumaba si Klein, umikot para pagbuksan ako ng pinto. Nang makababa na ako, hindi ko maramdaman na nakasayad ang paa ko sa lupa at mas lalong nanginginig ang aking tuhod.

“Just be real. Nagawa mo na ‘to no’ng summer vacation sa mga kamag-anak mo! You invested your time in your vacation to explain your side on each of your relatives,” wika ni Klein habang nasa harapan ko at tinitingnan ako sa mata, “Dito na lang ako. Basta tawagan mo na lang ako kung gusto mong sunduin kita ro’n o kaya bumalik ka na lang pagkatapos. I’ll wait,” dagdag niya at tumango ako.

Kahit mabigat, binuhat ko ang mga paa ko at nag-umpisa nang humakbang. Hindi mapakali ang sistema ko at napupuno ang aking isip ng mga kung ano-anong posibilidad.

Malapit na ako sa pintuan ng bahay nila nang marinig ko ang mahihinang hagikhikan. “Ikaw, dapat no’ng summer ka nagpatuli! Bagong school year na ngayon, supot ka pa rin!” kilala ko kung kaninong palabirong boses iyon, mas lalo tuloy akong nagkaroon ng second thought kung tutuloy ba ako.

Huminga ako ng malalim. Tumalikod na ako at naglakad na ang aking paa ng biglang, “Dani, hija?” napapikit ako ng may magsalita sa’king likuran.

Wala akong nagawa kung ‘di ang dahan-dahan na humarap. Tama nga ako, “Nanay Ynna, magandang umaga po!” hindi ko magawang masalubong ang mata niya dahil sa hiya, “P-Papunta ka ba rito? Pasok ka muna!” sabi niya na mas lalong bumagabag sa konsiyensa ko. Pa’no ko nagawang paglihiman ang mga taong nagpakita sa’kin ng mabuti?

Dangkal lang ang naging hakbang ko. Pagtapat ko sa pintuan ay kaagad na nagtama ang mata namin ni Zach. Wala akong mabasang emosyon do’n habang ang mga kapatid niya ay nakaupo sa papag.

“Bakit ka nandito? ‘Di ba, sinabi ko nang aya—” nagsalita si Nanay Ynna, “Anak! Tao s’yang pumunta rito kaya tao natin s’yang tatanggapin,” napatungo si Zach at ilang segundo lang ay muling tumunghay.

“Tawagin n’yo na lang ako kapag pwede nang huminga rito sa loob ng bahay!” pagsasalita ni Zach habang lumalakad ang paa papunta rito sa pintuan. Lumabas siya at nilagpasan ako na parang hangin lang. Sa pag-iwas n’ya, mas ramdam ko ‘yung kirot.

“H-Hija, pasok ka! Paupuin n’yo si Ate Dani n’yo d’yan,” sabi ni Nanay Ynna, tumingin ako sa mga kapatid ni Zach at nginitian ko sila. Si Ingrid at David lang ang nagbalik sa’kin no’n habang si Louise ay seryoso lang ang mukha.

Lumapit ako sa papag, pati pag-upo ay kinahihiyaan ko na ngayon. Umaapaw ang mga salita sa utak ko at hindi ko alam kung ano’ng unang dapat sabihin.

“Bakit ‘di mo sinabi sa’min, Ate Melody?” napatingin ako kay Louise na seryoso ang mata. “Anak, ‘wag kang ganya—” itinapat ko ang kanan kong palad sa direksyon ni Nanay Ynna at tsaka tumango.

Napapikit ako habang kumukuha ng hangin. Napakagat ako sa’king labi at ‘di ko na napigilang bumagsak ang mga luha sa mata ko. Hindi ko akalaing magiging ganito ang epekto nang ginawa ko sa mga taong tinuring ko ng pamilya. Hindi ko alam na nasaktan ko sila ng sobra.

Flavors of Your Love 02: Specially Brewed OneWhere stories live. Discover now