Chapter 51: Doubting Him

1.2K 38 0
                                    

MAE's POV

Its like this moment is a fairytale. Parang hindi totoong nangyayari.

"Bumabawi ka sakin no?" nagngingiti ako at sinisiko siko ko siya.

Napanguso siyang napatango.

Sinabi niya sakin kung bakit siya hindi nakapunta sa birthday ko. Well, ayun nga pumunta siya sa birthday ni Joyce.
At sinabi niya sakin na pinapanood niya raw akp sa party ko. Nagtaka naman ako dahil kakasabi niya lang na pumunta siya sa birthday ng ex niya, pero ang sabi niya sakin gumawa daw ng paraan ang kuya niyang genius at tada! Napapanood niya na raw ako. Hahaha! Parang may tablet chuchu daw siya na connected dun sa suot na salamin ng kuya niya.

Kaya pala ang wirdo ng salamin na yun may camera pala!

"Hindi talaga ako makapaniwala sa kuya mo. Bakit di ka nabigyan ng konting katalinuhan?" pangaasar ko.

"Kanina lang ang sweet sweet mo sakin. Ngayon nambubully ka naman. Hindi naman ako ganun ka bobo ano!"

"Haha! Sorry na, alam ko namang matalino ka." pambawing sabi ko.

"Oo matalino ako. Matalino ako sa mga diskarte at effort." malaki nanaman ang ngiti niya.

"Tara uwe." tumayo na ako at dahan dahan lumakad palayo sa kanya.
Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil baka mamaya hindi ko na mapigilan ang ngumiti ng ngumiti. Ano ba itoo. Feeling ko sasabog na ang dibdib ko sa sobrang kilig.

"Ano?! Ganun lang yun? Pagkatapos ko mageffort magisip ng sasabihin, ibabanat mo lang sakin 'Tara uwe'? Medyo bad girl si Mae ko." sabi niya. Rinig ko ang paglapit niya sakin.

Halos hindi na ako huminga dahil sa ginagawa niya. Ngumuso naman ako, nagbabakasakaling mapigilan ang ngiti ko. Baka kasi isipin niya ang saya saya ko at bawing bawi na siya. Ayoko nga. Baka pagnalaman niyang gustong gusto ko ang ginagawa baka kasi itigil niya.
Napahinto ako sa naisip kong posibleng mangyari. Mahal niya pa kaya ang ex niya? Matagal na rin kaming hindi nakakabalik dun sa mansyon at matagal ko na rin hindi nakikita ang mga taong kilala ko dun. Si Angel, Demone, Kyle, Aqua. At matagal ko na ring hindi nakikita ang ex niya. Ang pagtatanggol niya rito, ang paguusap namin, ang paghahabol niya rito.

Heto nanaman ako natatakot sa posibleng mangyari dahil nagawa na niya akong saktan ng isang beses, posibleng saktan niya ulit ako para sa ex niya sa taong mahal niya.

Kung kanina ay napapakagat labi ako dahil sa pagpipigil ng ngiti, ngayon dahil naman ayokong may lumabas na hikbi mula sa akin.

"Mae? Anong iniisip mo?" halata sa tono niya ang pagaalala.

Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala siya. "Wala to. May iniisip lang."

"Kaya nga tinatanong ko kung anong iniisip mo eh." natatawa pa siya na parang nagjoke ako. Nakisabay na lang ako sa tawa niya.

"Joke lang. Inaalala ko lang ang mga magagandang sandali sa buhay ko." ngumiti ako sinubukan kong maging masaya ang ngiting iyon.

"Eh bakit parang napakatamlay mo. Sige na gusto kong malaman Mae. Nagaalala ako baka kung ano na pala yang iniisip mo." umupo kami sa isang bench ng isang park. Wala na pala kami dun...

Wala akong masabi. Ayoko naman sabihin sa kanya na nagdadalawang isip ako kung totoo ba itong ginagawa at pinagsasabi niya sa akin.

May inilabas siyang isang bilog na bagay na mula yata sa kuya niya ipinasok niya yun sa bracelet niyang suot at agad iyon kumalas sa kamay niya. Ganun din ang nangyari sa kwintas kong suot.

"See? Kapag kumalas ang isang bagay na konektado sa isa't isa kakalas din ang isa at," huminto siya at nagulat ako ng gumalaw ang bracelet ang kwintas. Naging hugis puso ito ng magsama sila. May nakalagay rin doon. Pangalan ko at pangalan ni Daylan.
"Magsasama. Magiging isa. At magiging konektado ulit. Mae. I know i've hurt you alot. I'm doing this because I have this feelings for you. Mae. Hindi ako paasang tao, kung wala naman akong nararamdaman sayo edi sana madali na lang kitang nalayuan. Before we date for the first time, my mom did not decided for it because I can decide on my own. Mae, I know you're doubting me. Siguro iniisip mo na napipilitan lang ako dahil sa Mama ko pero hindi e. Kaya kong lumayo sa taong hindi ko gusto pero hindi sa taong tinitibok nito," tinuro niya ang dibdib niya. "Mae mapagbibigyan mo ba ako ng isa pang chance? Trust me. I've been a jerk I know. But since I realize my feelings for you. Mae naguluhan talaga ako, naguluhan ako dahil sa utak ko si joyce pa rin daw pero iba ang sinisigaw ng puso ko. Ikaw Mae ikaw ang nandito. Korny man pero mahal kita."

My POSSESIVE BROTHERS..Onde as histórias ganham vida. Descobre agora