#1 Ang Unang Pagkikita

399 3 0
                                    

Memories' Blossoms

Kapag nakalimot ba ang isip, ibig sabihin ba ay tuluyan na ba nitong nakalimutan ang lahat pati ang mahahalagang bagay na mahirap kalimutan? Apektado din ba ang puso? O isip lamang ang nakakalimot? Pero kahit papaano siguro ay mag-iiwan din ito ng bakas sa puso ng isang taong nagmamahal......

_____

CHAPTER 1

HANNAH:

Gabi. Hindi ako makatulog. Nakatanaw lang ako sa labas. Ang lakas ng ulan... Parang gusto rin akong damayan ng panahon ngayon sa aking nararamdaman. Nalulungkot ako, sobra... Bukas na kami aalis para lumipat ng tirahan.

Nakakalungkot lang talaga. May maiiwan akong tao na sobrang importante para sa akin. Hindi lang mahalaga kundi mahal ko na rin siya. Siya si Shitsui Tatsumo, bestfriend ko. Huwag na kayong magtaka sa pangalan niya, may lahi silang hapon kaya ganon. Alam nyo kung ano ang nagustuhan ko sa kanya? Napakabait niya. Nagmula siya sa mayamang pamilya pero hindi siya mayabang. Medyo suplado nga lang. Matalino at tahimik lang sya. Ewan kung paano kami naging close friends eh ang daming bagay ang magka-opposite kami. At ang kakatwa, ako lang ang kinakaibigan nyang babae. Magaganda pa naman yung ibang nagpapapansin pero parang wala syang nakikita.

Sa ilang buwang pagkakilala naming, madali kaming nagkapalagayang loob. Hindi ko rin namamalayang nahuhulog na pala ang loob ko sa kanya. Pero wala akong balak na sabihi ang tungkol sa nararamdaman ko. Ayokong masira ang aming pagkakaibigan. Kuntento na akong lagi syang kasama. Pero ngayon? Iisipin ko pa lang na aalis kami, gusto ko nang maiyak L Eh ang layo ng probinsyang paglilipatan namin. As in malayo talaga. Doon kasi nadestinong magtrabaho si Papa.

Hindi ko maiwasang balikan ang mga araw ng aming pagtatagpo...

**********

Unang araw ng pasok ko sa Hino High School, sabi nila ay school daw ito ng mga maykaya. Excited na ako sa first day ko sa school^___^ Nandito ako ngayon at naghihintay ng aming school bus.

Pagkamaya-maya ay natatanaw ko na ang bus at pagkatapat nito sa akin ay agad naman akong sumakay. Humanap ako ng bakanteng mauupuan. May nakita naman ako. Tumabi ako sa isang lalaking sa tingin ko ay kasing edad ko rin.

"Tabi tayo ha?" paalam ko dito

Tumago lang sya. Hmm.. mukhang silent type ito

"Hello! Ako nga pala si Hannah Kitari, ikaw?" kakausapin ko na lang sya

"Shitsui Tatsumo" tipid nyang sagot

"First Year ka rin ba?"

"Oo" tipid pa rin nyang sagot

"Pareho pala tayo, baguhan din ako! Nice to meet you Shitsui!" ngumiti ako sa kanya sabay lahad ng aking palad para makipagkamay pero gosh! Tinignan nya lang ito. Napahiya tuloy ako kaya nagkamot na lang ako ng ulo. Hmp! Ang suplado naman pero sumasagot din pag tinatanong ko sya.

Ilang minuto na ang lumipas, naiinip na rin ako. Nilingon ko yung katabi ko, nakatingin lang sa labas. Problemado siguro ito kaya ayaw ngumiti? Makausap nga

"Ang tagal noh? Anong section mo Shitsui? Malay mo magkaklase pala tayo"

"A" isang tanong isang sagot pa rin sya

"A?!" matalino pala ito eh! Magkaklase pala huh >.< Ang lakas naman ng loob kong sabihin yon eh ang layo ng agwat ng section namin haha kahiya naman. Di bale na nga lang

"Gusto mo sabay na lang tayong pumasok? Alam mo, pangit din kasi sa pakiramdam kung maglalakad ka ng mag-isa sa campus diba? Syempre pagtitinginan ka ng ibang mga estudyante" wala lang, gusto ko lang may masabi. Madaldal konti eh haha

Pero nagtaka lang ako ha, hindi na yata sumasagot itong katbi ko kaya napilitan na akong lumingon dito

(_ _) zzzzz...... <--(<<. )?

Woah! Para pala akong baliw dito na nagsasalita mag-isa! Tinulugan ba naman ako =.=

*to0ot to0ot to0ot*

ITUTULOY.....

Hahaha try ko lang po i-post ang story na 'to.. Sana magustuhan po ninyo madlang pipz hehe. Pwede po kau mag comment kahit ndi na magvote hahaha joke .. Salamat in advance sa matyagang magbabasa sa parang ewan na estoryang ito (:

PSSSST..... Kung mabasa mo 'to, quiet lang hahaha XDD Alam mo na kung sino ka

Memories BlossomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon