CHAPTER EIGHTEEN

381 34 11
                                    

ZENAIA couldn't understand why she felt so upset. Tinalikuran na niya ang mga ito at nagsimulang maglakad pabalik sa Tree house na tinutuluyan nila ni Billius.

Pero... Napahinto siya.

Veseva said that she is not the next Keeper of the Keys. Kung ganoon ay ano ang presensyang naramdaman nina Elkail? Hindi ba't iyon ang dahilan kung bakit nila siya dinala rito?

Naguguluhan na siya.

She even had a dream about the prophecy being fulfilled and even saw the former Keeper of the Keys.

Saka kung hindi nga siya ang itinakdang bagong Tagapagbantay, paano niya nagagawang makita ang marka ng mga seven deadly sins?

May kinalaman ba ito sa pagiging reinkarnasiyon niya ni Feruseah. At ang lalaking iyon na nakasuot ng pulang pananamit? Sino iyon?

Sino siya?

Nagpatuloy na siya sa paglalakad. Nagsisimula na namang sumakit ang ulo niya.

Who is she really?

**

BILLIUS followed after her. He had seen her eyes turning red once again. It's now happening frequently whenever she's upset.

"Zenaia," tawag niya sa pansin ng papalayong dalaga.

Hindi ito pinansin ni Zenaia at nagpatuloy lamang hanggang sa makapasok sa loob ng tree house. She went straight to her bed and pulled the blanket over her head. She doesn't want to talk to anyone.

"Tell me what's going on in your mind. You've been acting like this since this morning."

Hindi pa rin siya kumibo.

"Zenaia. Please talk to me."

Inis na tinanggal niya ang pagkakatilakbong ng kumot at nilingon ang lalaki na siyang nakatayo sa gilid ng higaan niya.

"Ano bang gusto mong sabihin ko?" inis na sabi niya rito.

"Something is bothering you."

"Wala."

"But you're expression says otherwise," he said and pulled down his mask to look at her properly and studied her face.

Ano nga ba ang problema niya at nagmamataktol siya nang sobra?

She rolled on her side and put her back on him.

"Gusto ko nang matulog. Masakit ang ulo ko."

"Masakit na naman ba?"

She refused to answer.

"What happened? Did you remember something again? Did Veseva and Elkail do something to you?

Muli siyang pabiglang bumangon at tiningnan ito habang nakabusangot ang mukha.

"If I will ask you a question right now, will you answer?" tanong din niya. Her expression is cold as she gaze at him.

Umusog siya sa gitna ng higaan nang maupo ito sa gilid. He looked down at the grassy floor for a moment and fell silent.

Akala tuloy niya ay wala na itong balak na sumagot. Mahihiga ba sana siyang muli nang magsalita ito.

"I can't promise if I will be able to tell you everything," pagkuwa'y sabi nito.

Tumango siya bago sumulyap sa nakabukas na bintana kung saan nakikita niya ang madilim na kalangitan na punong-puno ng mga bituin. If she were in the mortal world, she wouldn't be able to see that much stars because of the pollution.

"Hindi mo kailangang sabihin sa akin ang lahat," sabi niya. "You already told me at first that I was someone special, as if I will be able to save the world or something, that's why you were trying your best to protect me wherever we go."

Taming the Darkness (Series 3)Where stories live. Discover now