CHAPTER SEVENTEEN

387 36 11
                                    

IF Zenaia was having a hard time trying to sleep, it's the same with Billius.

He normally didn't have to sleep much, but what Zenaia had told him is somehow making him restless. He watched as the woman kept on turning on the bed. Halatang hindi rin ito makatulog.

ZENAIA pretended to be asleep as she held on the thick blanket covering her body.

Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Billius ay hindi na sila ulit nagkibuan. At pinakakinaiinis niya ay hindi man nga lang ito sumagot o nagpaliwanag. It's clear that what she had told him is true. Hindi ito nag-deny o ano pa man. But she couldn't understand why it's hurting her. Nawalan na rin siya ng ganang kumain at dumiretso na lang sa higaan.

Hindi naman nila kailangang mag-share dahil dalawa ang higaan na naroroon. Pero kahit ganoon, hindi pa rin siya mapakali. Hindi siya mapatahimik ng isip niya.

Inis siyang bumangon, dahilan upang mapalingon sa kaniya si Billius na siyang nakaupo sa gitna ng higaan nito. Hindi niya ito pinansin at bumangon mula sa kinahihigaan.

"Where are you going?" tanong nito nang magtungo siya siya sa nakasaradong pinto.

"Magpapahangin lang ako sa labas," malamig niyang tugon.

"We're in an unfamiliar territory, Zenaia. It's not wise to go out there alone."

Nakaramdam siya ng inis. "Alam ko. Pero hindi naman ako lalayo."

Hindi na niya ito inantay na sumagot ulit at nagtuloy-tuloy na sa pinto. He didn't stop her. Ni hindi ito sumunod, which is unusual for her. She shrugged. Mukha rin naman kasing hindi ganoon kadelikado sa labas. Sadyang ayaw lang talaga siya nitong palabasin.

The cold night air immediately caressed her face. Agad na na-relax niyon ang pakiramdam niya. She gaze up into the clear night sky. Namangha siya nang makita ang libo-libong nakakalat na kumikinang na mga bituin.

"Wow... I've never seen so many stars before."

"That's because your in the Kingdom of Elves."

Gulat na nilingon niya ang nagsalita. Nakita niyang nakaupo si Elkail sa sanga ng isang puno na malapit sa tinutuluyan nila. kinakalikot nito ang isa sa mga palaso nito. She watched as he jumped smoothly and landed quietly on the ground without a sound.

"Whoa. How did you do that? Parang ang gaan mo sobra."

"It's in the nature of Elves."

Tsk. Yabang.

Binawi na niya ang tingin dito.

"Bakit ka nandito? Binabantayan mo ba kami?" prangka niyang tanong.

"I need to keep my eyes on the werewolf," simple nitong sagot habang ininspeksyon ang tulis ng palaso na hawak nito.

"He's not gonna do anything. He's just here to watch over me," depensa niya.

"I'm just being sure."

Inirapan niya ito bago nagsimulang maglakad palayo roon.

"Saan ka pupunta?"

"I'm just going for a walk."

Sumunod ito sa kaniya.

"Bakit ka ba sumusunod? Don't tell me na iniisip mo rin na baka may gawin akong masama rito."

Umiling ito at ibinalik ang palaso sa lalagyan na nakasabit sa likuran nito.

"I'm just keeping you company."

Nilingon niya ito. She's feeling curious about him. Pero sobrang ilag din kasi nito kaya hindi siya makapagtanong masyado. She's also amazed and fascinated at the same time that creatures like him really does exist.

Taming the Darkness (Series 3)Where stories live. Discover now