Hindi lahat ng buhay ay makulay. May mga buhay na makulay at masaya. May mga buhay na tama lang at panatag sa kalooban. Pero may mga buhay na madilim at malungkot. Si Noel Abarilla ay isang 2nd-year highschool sa Venti National High School. Isa siyang cynic at pessimistic na tao na naniniwala na ang mundo ay isa lamang ilusyon na pinapatakbo ng mga makasariling tao. Pero magbabago ang buhay niya nang siya ay na-nominate bilang vice-president ng Student Council... na iba sa lahat ng paaralan. Magbabago ba ang pananaw niya sa mundong kanyang kinagagalawan?