2-1

1 0 0
                                    

...Eh?

"Pwede po bang paki-ulit?"

"Ang sabi ko ay ino-nominate kita bilang vice-president ng Student Council."

"..."

Hindi ako maka-imik nang sinabi niya ang salitang 'vice-president' dahil imposibleng mangyari na ako ay maging vice-president ng Student Council.

Teka...

"Bakit po ako ang napili niyo na inominate?", tanong ko.

"Hmmm... Dahil alam kong kaya mo. Ikaw lang ang pinaka-unique sa buong paaralan."

...Unique?

"Alam kong napapaisip ka, 'Ano kayang meron sa akin na wala sa iba?'. Pero sasabihin ko sa iyo kung ano. Iba ang tingin mo sa mundong ito."

...Iba?

"Alam mo ang iniisip ng iba. Alam mo ang intensyon ng iba. Alam mo ang ugali ng iba. Ino-obserbahan mo ang paligid mo. Inaalam mo kung ano ang mangyayari sa bawat desisyon ng iba. Alam mo ang tama at mali. Sa buong paaralan na ito, ikaw lang ang nag-iisip ng ganyan. Kung sasali ka sa Student Council, mababago mo ang future ng paaralan. Ikaw ang magiging 'The Greatest Vice-President Ever', tulad ng iyong ate na naging pinaka-"

Tama na, please.

Pumikit at yumuko ako at sumabat.

"Mawalang-galang po Mr. Principal, pero huwag niyo pong pakialaman ang buhay ko. Huwag niyo po ako itulad sa ate ko."

Tumigil sa pagsasalita si Escoda-sensei nang sumabat ako.

Wala siyang alam sa buhay ko para sabihin lahat ng iyon.

Ako? May pake sa iba?

Kailanma'y hindi ko ginawa iyon. Alam ko ang intensyon niya pero hindi ako ang nararapat sa trabaho na iyon. Bilang vice-president ng school na ito, malaking responsibilidad ang hawak mo. Kung gusto mong sumali sa Student Council, kailangang may pake ka sa iba. Ikaw, bilang miyembro ng Student Council, ang magli-lead sa mga estudyante ng paaralang ito. Ikaw ang representative ng bawat mag-aaral dito. Hindi ganyan ang ugali ko.

"Opo, tama kayo. Ino-obserbahan ko ang paligid ko. Inaalam ko ang intensyon ng iba. Pero hindi para sa kanila, kundi sa sarili ko. Wala akong pake kung magkagulo, magkamali, o kung anuman. Ang mahalaga, ligtas ang sarili ko. Hindi ako katulad ng ate ko na ginagalang ng lahat, na mahal ng lahat, at pinupuri ng lahat. Kailanman ay hindi ako magiging katulad ng perpekto kong ate."

Nang tumigil ako sa pagsasalita ay biglang tumahimik ang paligid. Alam kong kami lang dalawa ang nasa loob ng office. Alam ko iyon, pero nakakabingi ang katahimikang ito.

Unti-unti kong inangat ang ulo at nakita ko ang isang nakakatakot at seryosong mukha ni Escoda-sensei. Kita mo sa mga mata niya ang dilim at coldness ng kanyang titig.

Ito ang unang beses na natakot ako sa isang tao.

Pero kahit nakakatakot, tumitig parin ako sa kanyang asul na mga mata.

"Kung ikaw ang magiging vice-president ng school na ito, you can protect your only freedom."

"...Ha?"

"May kapangyarihan ka na ayusin ang nasa paligid mo. May kapangyarihan ka na baguhin ang sistema ng paaralang ito na naaayon sa gusto mo. Magkakaroon ka ng kapangyarihan kung magiging vice-president ka."

Oi, oi, oi. Anong sinasabi ng matandang ito?

"Hindi ko po kailangan ng kapangyarihan. Hindi ko na kailangan ayusin o baguhin ang paligid ko. Sinabi ko na po kanina, wala akong pake sa paligid ko. Ang mahalaga, ligta-"

"Heh... Paano kung may sisira sa katahimikan mo?"

Napatigil ako sa aking pagsasalita nang sinabi niya ang mga salitang iyon?

"Sisira? Sinong gagawa ng kalokohang iyon?"

Tinitigan ko ang nakakatakot na mukha ni Escoda-sensei at napansin ko na ngumisi siya. Biglang nagtaasan ang aking mga balahibo at nanghina. Sa oras na iyon nalaman ko ang kaniyang intensyon.

Pumikit nalang ako at nakinig sa kaniyang mga binitawan na salita.

"Ako, Noel. Alam mo naman ang kakahayahan ko bilang principal ng paaralang ito."

AsphyxiaWhere stories live. Discover now