1-3

6 1 0
                                    

(bell rings)

Ako ay nagising sa lakas ng tunog ng school bell. Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko at napansin kong marami nang mga estudyante sa classroom.

May mga magkakaibigan na nag-iingay sa isang sulok; mayroong mga babae na makakapal ang make-up na nag ce-cellphone; at may mga tumpukan ng mga babae sa gitna ng classroom.

Ahh... common sights na lagi kong nakikita last year. Not that I care, kaya hinayaan ko nalang ang kaguluhan sa paligid ko.

Dahil wala akong magawa ay binuksan ko ang bag ko at kinuha ko ang cellphone at earphones ko. Pagkatapos ay binuksan ko ang cellphone ko at sinuot ko ang earphones ko para makinig ng mga anime musics.

Habang nakikinig ako ng tahimik ay may lumapit na tao sa akin. Tinignan ko siya at nagulat ako kung bakit siya lumalapit sa akin.

"Yo!"

"........."

"Oi! Pansinin mo naman ako! Parang hindi tayo magkakilala since elementary ahh..."

"...Anong kailangan mo?"

Yes... Ang tao na iyon ay si Mike Lopez, President ng Student Council. Since 1st Grade, magkaklase na kami. Hindi naman sa close kami pero, siya ay acquaintance ko lamang.

"Wala lang. Masaya lang ako na mag-kaklase tayo this school year... again. So please take care of me this school year."

Hmm... Greetings lang naman pala.

"...Me too"

Ngumiti lang siya sa akin at bumalik sa kanyang upuan. Well, every year nangyayari ito so sanay narin ako sa routine namin every pasukan.

Mga ilang minuto ang lumipas at biglang bumukas ang pintuan.

Pumasok ang isang magandang babae na mga nasa mid-20's. Siya ay nakasalamin, long hair at matangkad. Of course, big chested siya. Pero cold expression at walang buhay na mukha ang makikita mo sa kanya.

Ang mga maiingay kong kaklase ay nagmistulang mga estatwa nang makita nila ang taong pumasok sa room. Kilala ang babaeng ito bilang pinakamasungit na teacher sa buong school na ito.

"Okay. Good morning everyone. I'm Alice Mendiola. I am your Science and homeroom teacher for this school year."

Yes, siya si Alice Mendiola-sensei, ang "Ice Queen" ng Venti National High School.

Pagkatapos niyang magpakilala ay nag-discuss siya ng mga rules niya kapag oras niya at nagbigay siya ng mga ilang assignments.

Wow... Pasukan palang may assignment na...

Siyempre maraming naiinis at gustong magreklamo pero takot sila dahil alam nila kung paano magalit si Mendiola-sensei... at isa na ako roon.

"Okay, this is for today, see you tommorow. Don't forget your assignments. Wait for your next teacher.", sabi ni Mendiola-sensei at siya ay lumabas ng classroom.

Nang isarado ang pintuan ay biglang lumuwag ang aming paghinga.

"Ahh... Alice-sensei... Kahit nakakatakot siya, ang ganda parin niya..."

"Hindi ko alam kung masaya ba o malas ako nang si Mendiola-sensei ang adviser natin."

"Grabe nakakapressure pero... okay lang dahil ang 'Ice Queen' ang adviser natin!"

"Weekdays mong makikita ang mga malalaking pakwan! This is not a curse, it is blessing!!!"

Yeah, yeah, yeah... Of course...

Siyempre masaya sila dahil isang magandang babae ang homeroom teacher namin. Kung ako tatanungin, wala akong pake kung sino, kahit maganda pa iyan o hindi. Ang mahalaga ay may maituturo sa akin na magagamit ko sa pagtanda.

Habang nagmumuni-muni ako ay pumasok na ang sumunod naming teacher. Ako ay nakinig hanggang sa dumating na ang oras para sa lunch break.

AsphyxiaWhere stories live. Discover now