Prologue

14 1 0
                                    

"Illusion isn't real, but reality is illusion."

Ito ang katotohanan sa mundong ito.

Lahat ng uri ng relasyon: kaibigan, kasintahan, kaaway, o kung ano pa. Sa paningin ng karamihan, ang mga relasyon na ito ay totoo.

Pero lingid sa kaalaman ng lahat, ito ay isa lamang ilusyon, peke, at kasinungalingang inimbento ng mga may kapangyarihan.

Guwapo, maganda, matalino, at mayaman.

Sila ang may kapangyarihan sa mundong ito. Sila ang gumawa ng ilusyong ito upang sila ay lumigaya at maka-survive sa mundong ito.

Question: Kapag may napadaan na guwapo o maganda sa lansangan, ano ang reaksiyon ng mga tao na naroon?

Answer: Tititigan nila ito na para bang isang kayamanan na nasa gitna ng kawalan.

Pero kung ikaw na, alam mo na, na napadaan sa lansangan, ano ang reaksiyon ng mga nakapaligid sayo?

Answer: Wala. Bakit?

Dahil sino kaba para ibigay nila ang kanilang atensyon sayo?

Nakakalungkot, hindi ba?

Iyang mga guwapo at magaganda ang mukha ang nagiging sentro ng atensyon sa lipunan. Kaya nilang pumili ng kanilang magiging kasintahan, kaibigan, o kung ano pa. Bakit?

Dahil guwapo at maganda sila. May kapangyarihan sila.

Pareho lang din iyan sa mga matatalino at mayayaman.

Question: Kapag matalino ka sa klase, ano ang tingin sayo ng mga kapuwa kaklase mo?

Answer: Hahangaan ka nila.

Kahit hindi ka matalino, basta may talent ka o isa kang prodigy, hahangaan ka parin nila.

Pero ito ang problema, paano kung wala kang talento ni talino sa iyong sarili?

Answer: Wala silang pake sayo.

Hindi ka nila papansinin dahil ano ba ang hahangaan nila sayo?

Wala, hindi ba?

Kaya kung matalino ka, may kapangyarihan ka.

Question: Kapag mayaman ka, ano ang tingin sayo ng mga tao?

Answer: Makapangyarihan.

Tandaan: Pera ang nagpapatakbo sa mundo.

Kapag wala kang pera, wala kang kapangyarihan.

Kapag gusto mong kumain, kailangan mo ng pera.

Kapag gusto mong gumaling sa sakit, kailangan mo ng pera.

Kapag gusto mong mamuhay ng payapa at matiwasay, kailangan mo ng pera.

Isa ang pera sa mga requiremets sa mundong ito para mabuhay. Kung gusto mong mamuno, kailangan mo ng pera. Lahat ng mga politiko ay mayayaman.

Question: May mga politiko ba na hindi mayaman?

Answer: Wala.

Halos lahat ng mga politiko ay mala-mansion ang bahay at may ilang mamahaling sasakyan. Kung gusto mong makamit ang lahat ng iyon, kailangan mo ng pera. At kung may pera kana, kailangan mo maging mayaman.

Guwapo, maganda, matalino, at mayaman.

Sila ang nagpapatakbo ng ating mundo. Ginawa nila ang ilusyon na "relasyon" dahil kung wala nito, hindi nila mapaghaharian ang mundo.

Kailangan nila ng kaibigan, kasintahan, kaaway at kung ano pa upang mamuhay sa mundo. At dahil sa selfish action nila, nagkakaroon ng hierarchy o caste system sa lipunan.

Dahil sa ilusyong ito, ang mga makapangyarihan ang nasa tuktok at ang mga maliliit at walang kaya ang nasa ibaba.

Dahil sa ilusyong ito, nagkakaroon ng mga outcasts sa lipunan dahil wala silang maibigay sa lipunan.

Dahil sa ilusyong ito, maraming buhay ang nasira at nawasak.

Sa katotohanan, walang realidad sa mundong ito. Dahil ang realidad na akala mo ay totoo ay isa lamang ilusyon na ginawa ng mga makakapangyarihan.

Ngayon, bakit sila makapangyarihan?

Dahil sila ang tunay na diyos sa mundong ito.

AsphyxiaWhere stories live. Discover now