1-1

14 1 0
                                    

Venti National High School.

Isang pampublikong paaralan na matatagpuan sa lungsod ng Crea. Isa ito sa mga advanced na paaralan sa bansang ito.

Mayroon itong 3 building, at sa bawat building ay ang mga classroom ng 1st year to 3rd year highschool students.

Bawat building ay may 4 na palapag.
Ibig sabihin ay maraming estudyante ang nag-aaral dito.

Mayroon din itong covered court para sa basketball at volleyball club; open field para sa track and field, soccer at baseball club; at swimming pool para sa swimming club. Mayroon ding iba't ibang club sa school maliban sa sports club. Halimbawa na dito ang Science club at Shogi club¹.

Lahat ng club dito ay ina-approve muna ng Student Council para malaman kung may kabuluhan nga ang club na ginawa.

Ang Student Council ang pinakamakapangyarihan na club sa school na ito. Sila ang nag-e-enforce ng rules and regulations ng school na ito. Sila ang nagbibigay ng budget sa mga clubs.

Kakaiba ang Student Council dito sa paaralan na ito kaysa sa iba dahil ang binoboto lamang ng mga estudyante ay ang magiging Student Council President.

4 ang vice-president ng Student Council. Mayroong 4 na grupo na magde-decide ng vice-president. Ang 4 na ito ay ang mga teachers, parents, principal, at ang President ng Student Council.

Sa mga natitirang miyembro ng Student Council ay pinipili lang ito ng Student Council President.

Ang mga nagiging President ng Student Council ay mga charismatic na tao. Ngayon, ang President ng Student Council ay si Mike Lopez.

Siya ang ace player ng basketball team. Siya ay popular sa mga babae dahil siya ay guwapo, matalino, at mayaman. 3rd siya sa Mathematics, 1st sa History class at 2nd siya sa ibang subject. Ang kanyang mga magulang ay ang may-ari ng kompanya ng sapatos. Ang sapatos na ito ang isa sa mga pinakasikat na brand sa bansang ito. Siya ang nagdala ng kampyonato sa paaralang ito noong nakaraang taon. Siya ay 2nd year student at kaklase ko.

Unanimous ang kaniyang pagkapanalo sa botohan dahil... siya lang ang tumakbo sa eleksyon.

Sino ba ang lalaban sa perpektong tao na ito, hindi ba?

Kaya alam kong nasa mabuting kamay ang future ng paaralan na ito.

Madami ring mga magagandang babae sa paaralan na ito. Isa na dito ang tatlong babae na nakikita ko lang sa TV. Sila ay mga prodigy; mga tao na hindi mo kayang abutin; mga talentado at sikat sa paaralan.

Pero wala akong pake sa kanila.

Ako si Noel Abarilla, isang 2nd-year highschool student ng paaralang ito.

Ako ay isa lamang "average" na tao na makikita mo lang diyan sa tabi-tabi.
Normal na mukha, normal na grades, at normal na katayuan sa lipunan.

Kumbaga kung ilalagay mo ang posisyon ko sa hierarchy, ako ay nasa kalagitnaan lamang.

Wala akong problema sa buhay ko.

Walang kaibigan, walang kasintahan, walang kaaway o anumang relasyon sa mga taong nakapaligid sa akin.

Siyempre maliban sa pamilya ko, wala akong pake sa mga tao.

Ako ay nabibilang sa Section B at nakaupo sa pinahuling row ng classroom. Walang pumapansin sa akin at hindi ko rin sila pinapansin.

Unless kung kakausapin nila ako, kakausapin ko rin sila.

Dapa sila ang unang mag-e-execute dahil sila ang may business sa akin.

Kaya ngayon sasabihin ko na proud "loner" ako.

Masaya na ako sa estado ng buhay ko dahil kahit walang kulay ang mundo mo, tahimik at payapa parin ang buhay mo.


Author's Note:

¹ Shogi is a Japanese-chess. It was played on a 9x9 board with 20 pieces each side.


AsphyxiaWhere stories live. Discover now