Si Jonathan Darius Moxford ay takda nang ikasal kay Natashia Nathalia Reyes. Lahat ng preparasyon ay ayos na, mula sa pinakamaliit na souvenir para sa mga dadalo hanggang sa bansang pagdarausan ng kanilang honeymoon. Pero nang tatlong araw na lang at haharap na sila sa altar, si Natashia ay biglang nag-back out, isang napakaikiling sulat na lang ang iniwan niya kay Darius. Nagtungo si Natashia sa Italya para hindi na magbalik. Devastated, wasak ang puso at kaluluwa ni Darius at isinumpa sa lahat ng mga diyos na hindi na iibig nang totohanan. Ang pag-ibig ay paglalaruan na lamang niya. Kawawa naman ang babaing matitipuhan niya pero hindi ihaharap sa altar. At lahat ng ipinadama ng luho kay Natashia, kasama na ang mga sikat at class na lugar sa Pilipinas at sa ibang panig ng mundo, ay ipagkakait niya sa babaing paglalaruan niya. _____ Date: June 05, 2020 Date Finished: May 01, 2021