Chapter 2

180 12 0
                                    


Enjoy Reading Babies Ko :)

_______

Sa isang kiddie birthday party unang nakita ni Darius ang babaing bumuhay muli sa pagkaakit niya sa opposite sex.

Sa unang pagkakataon after more than 1 year and 5 months ay nais na naman niyang makipaglapit sa isang maganda at makinis na babae.

Maganda, Sexy, Maputi, kalog at magaslaw habang nagpe-perform bilang bulag na tindera sa sidewalk.

Iniaarte nito ang pagbebenta ng mga laruan sa lima na kaeksenang female members din ng party entertainers.

Yup, ang babaing natitipunan ni Darius ay kabilang sa party comedians na siyang nauusong sideline ngayon sa probinsiya nila na hindi kuntento sa kinikita sa regular na trabaho.

Dahil nagpakilala sa audience after the show, natatandaan na ni Daruis ang pangalan ng babaing nais hangaan.

Lyztte Freya Angela Salonga.

Malayo sa pangalang Nathalia, ikinatuwa ito ni Darius.

Pero natapos ang gabi na hindi nakipagkilala kag Freya si Darius.

Sapat nang nagngitian sila bago ito tuluyang umalis sa party.

Pero pasimpleng tiniyak ni Darius na ang mga sumunod na birthday party ng mga pamangkin (mga anak ng kapatid niya) ay ang mga grupo nina Freya ang performers.

Sagot nila ang bayad kaya payag na payag naman ang mga kapatid ni Darius.

Sabihin pa ay sa malaking bahay nila ginaganap ang lahat ng kiddie party na ito.

Sa mga sumunod na performers nina Freya ay iba't iba ang papel ng dalaga.

Mayroon ito ay gumaganap na fairy
Gumaganap na bilang superwoman
Naging mermaid at catwoman din.

Pero ang paborito ni Darius ay nang gumanap bilang swimming champion si Freya.

Naka-swimsuit kasi ang dalaga, kaya nabistahan nang husto ni Darius ang napakaganda at napaka kinis nitong katawan.

Hindi na niya natiis na basta pagmasdan lamang si Freya.

Nakipagkilala na siya nito.

"Hi, I'm Jonathan Darius Moxford. Darius for short. Nais kitang makilala" pakilala niya

"Flatterd naman ako, Mr. Moxford! Yes, ako naman si Lyztte Freya Angela Salonga. Freya for short"

_______


Its_AudreyBelle11 |AG💋

Moxford Series 2: The Famous Temper (COMPLETED)Where stories live. Discover now