Chapter 10

98 8 0
                                    


Enjoy Reading Babies ko

_______

Masarap naman ang pagkain sa Lutong-Bahay Ni Aling Kusing, pero ang lihim na pagkaawa sa sarili at hindi maiwaksi ni Freya.

Second Class citizen ba ang tingin sa kanya ng binatang ito?

"Okay ang food dito, Right?" Tanong niya sa binata.

"Oo masarap." Hindi niya pamukhaan si Darius, ito ang problema ni Freya.

Hindi pa naman sila magnobyo, diba?

Ano naman ang karapatan niyang mag-demand sa binatang Moxford?

Saka kundi naman pagkataong mayaman si Darius ay hindi naman siya magrereklamo.

Basta love mo or like mo ang isang tao, anuman ang makayanang i-offer nito sa iyo ay pasasalamatan mo na.

And you won't question it.

Siya nga dati ay may boyfriend sa college. Poor, walang sasakyan, umaasa sa magulang sa allowance.

Kaya tuloy kapag nagdi-date sila ay sa mag park lang na walang bayad. Ang sasakyan nila ay tricycle o kaya at passenger jeep.

At kumakain lang sila sa mag food cart sa kanto. Banana cue, Fishball st kwek-kwek.

Nagagalit nga or rather naaawa noon sa kanya ang magulang niya.

Kasi naman kahit paano ay makaluluwag sila sa buhay, may second hand car sa garahe, Hindi siya mukhang kawawa.

Kaso ay mahal niya noon ang college  boyfriend niya kaya tiis lang siya sa poor lifestyle nito.

Pero ngayon, hanggang dito ba kay Jonathan Darius Moxford ay kailangan niyang magtiis?

Bakit hindi maibigay nito sa kanya ang high lifestyle na ini-expect niya kapag sila ay nagdi-date?

Mula sa Lutong-Bahay Ni Aling Kusing ay dinala siya ni Darius sa Lumang Parke Ng Bayan nila.

"Malalim ang iniisip mo, Freya?" Tanong ng binata sa kaniya.

"Darius, ganito ka rin ba sa mga dati mong idini-date?" Siguro naman ay pwede siyang magtanong.

"Bakit ganyan ang tanong mo, Freya? Hindi mo ba nagugustuhan ang Park na ito?"

"Hindi naman sa ganon, Nagtatanong lang ako, Darius."

Ugh! Gigil na gigil si Freya pero lihim lamang.

"Okey, Fine. Salamat sa pasyal at sa pagkain. Gusto ko nang umuwi!"

"Ganyan ka naman, e. Parang laging inis. What's  wrong, ha?" Inis na tanong ng binata sa kanya.

Ikaw! Ikaw ang problema ko Darius!! Nakaka gigil ka na!!!  Sigaw ng utak niya.

Masasabi ba naman niyang galit na galit siya dahil tinitipid siya ng napakayamang binatang ito?

"Ano.... I will also invoke na lang ang right to privacy ko. I don't want to answer your question, your honor."

Natawa si Darius.

Napa kunot-noong at sabay taas ng kilay niya. "Aba! May nakakatawa ba sa sinasabi ko, ha. Ginoong Jonathan Darius Moxford?"

"In five days ay mawawala ka na sa lugar namin, diba dapat na we make the most of it, Freya?"

"Hoy! Hoy! Hoy! Ginoong Jonathan Darius Moxford, Hindi tayo magnobyo, 'no?"

"But we like each other, diba sapat na iyon?" Tanong ng binata.

Napalunok bigla si Freya sa tanong ng binata.

Pero tama ang sinabi ng binata.

Na talaga namang may gusto siya ito sa binata.

"May bagong open na movie house sa
City Complex, maganda, may aircon, doon tayo."

"Are you sure? Hindi ka nabibigla?"
Tanong niya.

"Bakit naman ako mabibigla? Doon talaga tayo papasok." Totoo naman ito sa loob ng binata.

Hindi pa nila napuntahan ng Ex-Fiancee ang sinehang ito, kaya walang problema.

"Pero... Baka sabihin mong cheap ako, e. Dahil sumama na ako sa iyo sa sine kahit Hindi pa kita sinasagot?"

"Wala akong iniisip na ganyan, Freya. Ang dami mong hang-ups."

"Nagsalita ang walang maraming hang-ups, masaya ka!"

Napabuntong-hininga lang si Darius, na hit siya ni Freya, wasak na wasak. Ang dami pala niyang hang-ups.

Pero never malalaman ni Freya na si Natashia ang dahilan ng lahat niyang kakulangan ngayon.

Masasaktan naman ito, alam niya.

And he doesn't want to hurt her. Why should he? E nais nga niyang i-date ang babaing ito.

Kung maari pa nga ay sa susunod na limang araw bago ito bumalik sa America.

At kung maari pa rin nga ay sa motel ang kanilang finale.

Habang patungo sila sa City Complex sakay ng lumang kotse, si Freya ay nag-a-anticipate na ang magagandang kaganapan.

Holy cow! Hanggang saan lang ba ang dapat kong ibigay kay Darius, kapag nasa sinehan na kami?

Half-body lang? Alin kayang half-body   upper or lower?

Nagpapasalamat siya na puro brand-new ang suot niyang undies, Hindi mapipintasan ni Darius.

The Hell! Ang pilya-pilya ko talaga! Patay ako kay Mommy kapag nalaman itong gagawin ko!

"Darius, i-stop mo sandali ang kotse."

"Bakit?" Ihininto naman ng binata ang lumang kotse.

"Ano kaya para naman medyo hindi nakaka-guilty, ligawan mo muna ako kahit kapiraso?"

"Ha? What are talking about?"

"Oo, para sasagutin kita. Para bago tayo mag-date sa sine ay mag-syota na tayo."

Napalunok si Darius. Sigurado pa naman sa kanya ang panliligaw.  At Hindi niya balak ligawan pa si Freya.

Pwede namang walang ligawan, e.

"Di kaya kumplikado, Freya? Kuwan, kumportable naman tayo bilang friends, diba?"

"Oo nga naman, sabagay."

"We like each other, remember?"

"O-oo nga... tama ka diyan, Darius."

"Kung gayo'y we are friends who like each other, Freya."

"Kissing friends? Friends with Benefits ang peg natin ngayon." Sukol na si Freya, natalo ng rupokan niya

"Yes... something like that, Freya."

____

            Its_AudreyBelle11 |AG💋

Moxford Series 2: The Famous Temper (COMPLETED)Where stories live. Discover now