Chapter 21

92 6 0
                                    

Nasa mga mata ni Freya ang pagtataka.

Bakit nagbalik si Natashia?

Kailan pa sila nagkabalikan ni Darius?

Paano napatawad ni Darius ang isang babaing tumalikod sa kanilang kasal at naging dahilan para sumunod nq babae sa buhay ni Darius ay maging impiyerno ang kalagayan?

Alam ba ng Natashia na ito na dahil sa kaniya ay puro luha ang dinanas niya sa piling ni Darius?

Kung alam lang niya na ganito ang malalaman at makikita niya, sa anumang dahilan ay hindi na sana siya nagbalik pa dito.

Nagpalipat-lipat ang mga mata ni Freya kay Darius at kay Natashia.

At kahit pinipigil niya ay talagang sumungaw pa rin ang mga butil ng luha sa kanyang mga mata.

"She is crying! Darius, ano ba ang drama nito?" Nakatunog si Natashia.

Si Darius naman ay helpless na nakatitig na lamang as nasasaktang magandang mukha ni Freya.

"Halika na sa bahay, Natashia." Gulo ang isip na nagyaya si Darius.

"No Darius! Something is going on! Ayokong magmukhang tanga dito! Hindi is titinginan nang ganyan ng babaing iyan kung ngayon lang kayo nagkita!" Ang katarayan ni Natashia at umiiral na naman.

Hindi kumibo si Darius.

Si Freya ay kanina pa gustong umalis pero walang lakas ang kanyang mga paa pati na rin ang katawan niya.

Nabigla kasi talaga siya.

Hindi niya inaasahan na magkikita niya si Natashia.

Hindi niya alam na nagkabalikan ang dalawa!

Mas kawawa ang kanyang kalagayan niya ngayon.

Para bang dawalang beses na siyang inapi ni Darius.

Kung may konting pagmamalasakit pa ito sa kanya, he could have insisted  na huwag na lang silang kunin para mag-perform sa birthday ng pamangkin ni Darius.

Para naman hindi na niya makikita ang masakit na katotohanan.

Iyon lang naman ang inaasahan niya kaya Darius, e. Konting concern lang.

Konting pagpapahalaga lang.

Here she is, kitang-kita ngayon ni Darius na nahulog ang katawan, tuliro, malungkot, maputla..... kailangan pa bang dagdagan ni Darius ang dugok sa buhay niya?

Kinumpronta na talaga siya ni Natashia. "Hoy, Babae...nagkarelasyon ba kayo ni Darius habang wala ako noon, ha?"

Walang nakuhang sagot sa kanya si Natashia kundi ang tuluyang pagtulo ng kanyang mga luha.

"So that confirms it! Siguro, noong malungkot itong groom ko, nag-flirt-flirt ka sa kanya at pinatulan ka niya kasi nga wala siyang ibang magawa! Naghanap lang siya ng entertainment! Right! Ano pa nga ba, bagay na bagay naman pala sa trabaho mo ang role mo sa buhay ng groom ko, e! Just a piece of entertainment, that's all!" Nanggalaiting hinamak siya ni Natashia

"Natashia, stop it! You don't have to do that!" Madiin na pagkakasabi ni Darius.

"Darling naman, Hindi ako galit sa iyo. Natural. Magrerebelde ka noon. Maliit lang na bagay ang pagtataksil mong iyon sa akin. Anyway, alam ko naman, Hindi nga ganitong klaseng babae ang ipapalit mo sa akin. In fact, you can never find a woman na ipapalit mo sa akin." Mataginting na tumawa si Natashia.

"Tayo na sa bahay, Natashia." Nakikiusap ang tono ni Darius.

"Okay.  Let's go. She's no big deal, anyway."

Umalis na nga ang dalawa.

Ni hindi lumingon sa kanya si Darius.

Kapit na kapit si Natashia sa braso ng lalaking kung bakit patuloy pa ring nagpapahirap sa kanyang puso.

Siguro dahil nga sa mahina ang kanyang katawan, ang ganoon katinding emosyon ay hindi makayanan ni Freya.

Nagdidilim ang kanyang paningin.

Basta ang huli niyang namalayan ay para bang lumulubog siya sa lupa.

Mabuti na lang at naghanap sa kanya ang mga kaibigan at kasosyo.

Natagpuan siya nina Odette, Kiscial at Layla na walang malay sa ilalim ng apple tree. Nag panic ang kanyang mga kasama.

__________

Its_AudreyBelle11 | AG💋

Moxford Series 2: The Famous Temper (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon