Pusong tapat at dalisay, bilanggo ng mga rehas Totoo mang nagmamahal, sa mundo ay walang takas Hindi man 'to kasalanan, kailangan pa rin maghugas 'Pagkat pag nalaman nila, wala ka sa bawat bukas Pagmamahalan nating wagas, di nila maiintindihan Ipagmalaki man sa lahat, puso'y kanilang huhusgahan Ngunit nararapat nga ba? puna ay atin bang kailangan? Kung puso nama'y nagmamahalan, wala kang dapat katakutan Lihim na pag-ibig, may halong tubig Kasing init ng apoy, sa Diyos nananalig Yakap mo ang hahanapin, sa gabing malamig Dahil ikaw lang sa puso, magunaw man ang daigdig
10 parts