10 : Jhunell's Revenge

125 5 1
                                    

JHUNELL POV

Hanggang sumikat ang araw ay nagte-taping pa din kami. Antok na antok ako pero, pilit kong nilalabanan. Daig ko pa ang nakipaglamay sa burol ng patay.

Ayaw ko namang magreklamo dahil choice ko naman ang tumulong.

Binigyan kami kagabi ni Direk Michael ng 4hrs para makapagpahinga pero, hindi naman ako dalawin ng antok. Panay lang ang kanta ko kagabi sa may ilalim ng puno ng mangga. Wala naman kasing tao doon kaya okay lang.

Tinawagan ko si Manong Jun, at ayon sakanya ay di pa din daw gawa ang kotse ko. Hindi lang daw kasi gulomg ang naging problema. Mayroon din daw nabutas sa ilalim ng kotse ko kaya naubos ang gasolina.

Kaya heto ko now. Paranoid kung paano ako makakauwi mamaya. Wala akong sasakyan.

Ngayon, alam ko na ang pakiramdam ng trabaho ng mga taong pinahirapan ko kakahintay ng script ko. Mahirap pala talaga. Kaya naiintindihan ko na ngayon kung bakit galit na galit sakin 'tong bwiset na Tikbalang na 'to.

Buti nalang talaga at hindi ako ang nakainom ng suka kahapon. Buti nalang din talaga at di siya nagtagumpay sa mga plano niya sakin kahapon.

Haha!
Kung akala niyang hindi ako gaganti. Gaganti ako sakanya. Isang pagkakamaling kinalaban niya ko. Tahimik lang ako pero, nasa loob ang kulo ko. Haha! Ako pa naman ang taong hindi basta basta nagpapatalo---lagi nga lang talo pagdating sa pag-ibig. Haha.

Funny.

Katawagan ko kanina si Papa. Tinatanong niya ko kung uuwi daw ba ko, gusto ko sanang umuwi kaso, di ko naman sure pa if mapapauwi nga kami tonight. Depende kasi kung matatapos ang scene agad. Nakakahiya naman kung magpaalam akong uuwi, ayaw ko naman maramdaman nilang may special treatment sakin ang production. Gusto ko pantay pantay lang kami. Hindi ako writer---production staff ako dito.

" Jhunell! " tawag ng isang boses sa likod kaya napalingon ako.
Si Ate Eliza pala.

" Bakit, Ate Eliza?" bati ko pa sakanya tapos ay nginitian niya lang ako.

" Nakita mo ba si Dylan?" tanong niya sakin habang may binubusisi sa hawak niyang mga papel. Script yun.

" Si mokong---I mean si Dylan?"  tanong ko pa sakanya kaya medyo nangiti siya.

Alam ko naman na alam niya kung ano ang mga di namin pagkakaunawaan ni Dylan. Aware naman ako na halos lahat ng staff ay alam na ginagantihan ako ni Dylan. Kaya hindi na bago sakanila kung marinig nila kaming nag-aasaran. Lalo na siya na close ni Dylan.

" Oo si Mokong. Nakita mo ba?" nakangiti pang tanong niya sakin kaya na'weirdo'han ako.

" Hindi ko siya nakita, Ate. Baka nasa gilid gilid lang yun, kumakain ng damo." sabi ko sakanya habang pahina ng pahina ang boses ko. Medyo sarkastiko na din kasi ang dating ng huling mga salitang sinabi ko.

" Ha?" takang tanong niya pa kaya ngumiti ako sakanya ng medyo, OA.

" Ahh, sabi ko po hahanapin ko nalang po siya para sayo. " sabi ko naman saka ko pa siya hinawakan sa balikat niya.

" Ahh sige--sige. May sasabihin kasi ako sakanya e hindi ko siya mahanap. Yung phone naman niya naiwan niya sa tent namin kaya di ko din siya matatawagan. " paliwanag pa ni Ate Eliza.

' Nasaan kaya ang mokong na 'yon? Liit liit ng location, hindi siya mahanap. '

" Nako sige po. Ako na po ang bahalang maghanap sakanya." sabi ko pa tapos ay nginitian niya ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 18, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Secret Love StoryWhere stories live. Discover now