3 : Black Sheep

211 6 1
                                    

Dedicated to Mr. deangreener

If may gustong magpa'dedicate, just drop your comments here. Hehehe

DYLAN POV

" Kuya, saan ka galing? Magtago ka na bilis o kaya makitulog ka muna sa mga kaibigan mo! Galit na galit sayo si Dad! Baka kung ano ang gawin niya sayo. "
Bungad sakin ni Billy pagdating ko ng bahay namin. Kahit di ko pa natatanggal ang suot kong helmet ay narinig ko na ang sinabi niya.

" Hayaan mo siya, Billy. Wala namang bago don. Hayaan nating umusok ang ilong niya. Hehe" nakangiti pang biro ko sakanya saka ako bumaba sa motor ko at isinabit ang helmet sa sabitan.

Kapatid ko si Billy. Medyo malaki ang agwat ng edad naming dalawa. Ako ay Trenta Anyos na at siya naman ay Labing Tatlong taon palang.
May isa pa kaming kapatid, Babae. Mas nauna siyang ipanganak kaysa kay Billy. Yun nga lang, maaga siyang kinuha ng Panginoon. Pero, kung nabubuhay siya ngayon, Bente Kwatro anyos na ang edad niya.

Menopause Baby si Billy. Medyo may edad na din kasi si Mommy at Daddy. Naihabol lang nila si Billy. Nandoon ako nung ipinapanganak si Billy at talagang halos mag-agaw buhay si Mommy.

Maaga kasing nagmenopause si Mommy. Nasa 47 palang siya noon---60 years old na siya ngayon pero, kung titingnan mo naman ay mukhang hindi dahil mukhang bata pa din siya kung tingnan. Tapos si Dad naman ay 62 na at tulad ni Mommy, hindi makikita sakanyang edad na siya ay nasa ganoong edad na.

" Pero, Kuya! Nag-aalala ako sayo. " pangungulit pa niya.

" Billy. It's okay. Kayang tanggapin ni Kuya ang sapak at sermon ni Dad. Okay? Don't worry about me." sabi ko saka ko ginulo ang buhok niya at inakbayan siya para sabay kaming pumasok dalawa sa loob ng bahay.

Wala pa man din ako sa loob ay rinig ko na ang galit na galit na boses ni Dad. Nag-aaway sila ni Mommy dahil sakin. Naisip ko tuloy na wag na nga lang umuwi. Hehe.

Nasa ganoong posisyon kami ni Billy ng mapatingin si Mommy sa may pintuan kaya napukaw din ng atensyon ni Dad ang tinitingnan ni Mommy at tiningnan niya kami.
Nang makita niya ko ay para ba siyang toro na umusok ang ilong at namula sa galit.

Agad niya kong sinugod sa kinatatayuan ko saka niya ko binigyan ng isang malakas na suntok. Nabigla ako sa ginawa niya kahit alam ko namang gagawin niya yun. Hindi ako nakaiwas o umiwas man lang kahit alam ko ng mangyayari yun.
Narinig ko pa ang malakas na sigaw ni Mommy dahil sa ginawa ni Daddy sakin.

Nasalo ko ang galit na galit niyang suntok pero, parang hindi ko naman naramdaman iyon. Nakaupo lang ako sa sahig habang hawak ang labi kong may dugo.

" Walter! Ano ba?!" sigaw ni Mommy saka niya inawat si Daddy. Agad naman akong nilapitan at niyakap ni Billy.

Close na close kasi kaming dalawa. Lagi siyang nakabuntot at nakasumbong sakin sa mga bagay bagay. Mahal na mahal ako ng kapatid kong 'to kaya mahal na mahal ko rin siya.

" Daddy! Wag mo nang saktan si Kuya, please!" pagmamakaawa pa ni Billy pero, hindi siya pinakinggan ni Daddy dahil bigla siyang tinabig nito at agad akong kinuwelyuhan. Kitang kita ko ang galit na galit niyang mukha.

" Anong ginagawa mo sa buhay mo ha, Dylan! " pero di ako tumugon. Nanatili lang akong tahimik habang nakatingin sakaniya

" Walter, please tama na!" awat pa ni Mommy habang hinihila si Daddy pero, malakas si Daddy at gigil na gigil siya sakin.

Tiningnan ko lang siya sa mata. Hindi ako sumagot. Blanko lang ang emosyon ko. Wala akong pakielam kung magalit siya. Lagi naman siyang ganito sakin. Pakiramdam ko ba'y wala akong kwenta sakanya dahil iba ang trato niya sakin at kay Billy. Aminado akong pasaway ako pero, parang kahit minsan hindi ko naramdaman ang purong pagmamahal galing sakanya. Kaya, sanay na ko.

Secret Love StoryWhere stories live. Discover now