2 : Reality

290 9 0
                                    

JHUNELL POV

" Pa? Pa? Gising?" nag-aalalang tawag ko sakanya habang pinipilit ko siyang magising. Nananaginip na naman si Papa. At sigurado ako na ang laman ng panaginip niya ay ang matagal nang malaking katanungan sa aking isipan.

Madalas siyang ganito. Laging nananaginip at tinatawag ako. Kaya lagi akong nakaantabay sakanyang pagtulog para gisingin siya kung sakaling mapanaginipan na naman niya ang hindi ko maintindihan kung bangungot ba sakanya o kung ano pa mang matatawag sa bagay na iyon na tumutukoy sakin. Gusto kong alamin ang laman ng panaginip niya ngunit mailap at matipid ang kanyang laging sagot sakin. Kung hindi niya nakalimutan---ang sasabihin niya ay wala lang iyon at hindi ko kailangang alalahanin at intindihin.

Pero, malaki ang hinala ko na ang panaginip na yun ay nagmula sa nakaraan niya, ang di ko lang maintindihan at maunawaan kung bakit ako ang tinatawag niya.

" Pa? Okay ka lang po? Nanaginip na naman po kayo. Tinatawag niyo na naman po ako. " nag-aalalang saad ko pa habang hinihimas ko ang kanyang likuran.
Tiningnan niya ko saka siya huminga ng malalim. Nag-aalala ako sakanya dahil bakas ang lungkot sakanyang mukha at mga mata.
" Nandito lang naman po ako, Pa. " mahina pang sabi ko tapos ay napatingin siya sakin saka ngumiti. Alam kong napipilitan lang siyang ngumiti dahil, kita ko sa mga mata niya na may lungkot siyang dala-dala.

Nakaugalian ko na ang ganito mula ng pagkabata ko pa lang. Basta marinig ko si Papa na umiiyak habang natutulog sa gabi o kahit sa umaga ay agad ko siyang pinupuntahan at ginigising. Basta marinig ko na tinatawag niya ko, babangon ako upang puntahan siya.

Paulit ulit ang pagtawag niya sakin habang umiiyak. Mahal na mahal daw niya ko at tila ba humihingi din ng tawad sa hindi ko alam na rason o dahilan.

" Okay lang ako, Anak. Bumalik ka na sa kwarto mo. Matulog ka na ulit. Huwag mo kong intindihin. Maaga pa ang alis mo mamayang pagsikat ng araw. " sabi niya sakin saka siya tumayo sa higaan niya at nagsuot ng tsinelas niya.

" Saan po kayo pupunta? Alas quatro pa lang po ng umaga---Pa?!" tanong ko at nagmamadali din akong tumayo sa kinauupuan ko para sundan siya dahil lumabas siya ng kwarto niya.

Sinundan ko si Papa at nagtungo siya sa salas ng bahay namin. Kinuha niya ang paborito niyang picture frame kung saan ang laman noon ay ang medyo may kalumaan ng drawing.

Hindi ko alam kung ano ang mayroon doon pero, ang naka'drawing doon ay tatlong tao. Maganda ang pagkaka'drawing---hindi man iyon masyadong perpekto pero, masasabi kong maayos.

Isang Babae, Isang lalaki at isang maliit na batang lalaki ang nakalagay roon.

Madalas kong tinitingnan ang larawan na iyon. Hindi ko alam kung bakit namamangha ako dahil, sabi ni Ninong Noli, ako daw ang gumawa noon nung maliit pa ko. Subalit ang gumugulo sa utak ko, ay kung paano ako nakapag-drawing ng ganyang kaganda kung bata pa ko noon? Kasi, ngayong malaki at may isip na ko, ni-hindi ko nga kayang mag-drawing ng maayos. Nakakamangha lang and at the same time, naguguluhan ako.

Mag-lilimang taon palang daw ako nung nilikha ko ang drawing na yun. At hindi ako makapaniwala dahil sa edad ko na yun ay parang imposible namang makalikha ako ng ganung kagandang drawing ng isang masayang pamilya---though baka nga may kakayahan ako noon, nawala nalang ngayon.

Pamilya ang nasa drawing gaya ng sabi ko kanina. Ang paliwanag sakin ni Ninong Noli ay ako ang bata at si Papa at si Mommy ang nasa larawan.
Kaya hindi ko din masisisi si Papa kung bakit siya malungkot lagi dahil ang sabi ni Ninong Noli, mahal na mahal daw ni Papa si Mommy--yun nga lang nagkasakit daw si Mommy kaya ito maagang nawala sa piling namin.

Secret Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon