1 : Yael

670 11 0
                                    

Maingay ang paligid. Madaming tao at samo't saring ilaw ang sa paligid ay nagbibigay liwanag. May asul, pula, dilaw, lilak at kung ano ano pa.

Kasabay ng daloy ng musika sa paligid ang pag-indayog ng mga tao sa paligid.

" Wooooh! Just enjoy the party tonight! " sigaw ni Walter habang nakatayo't sinasalin sa maliit na baso ang alak na hawak niya. Halata na sa kanyang kilos at mukha ang pagiging lasing dahil sa namumula na ito at ang tono ng boses ay hindi na normal.
" Happy Birthday sa Pinaka The Best kong Bestfriend, Pareng Yael. " saka niya niyakap ang bestfriend niya na nagulat pa sa ginawa nito. " Mahal na mahal kitang kupal ka---alam mo yan! Mula pagkabata hanggang ngayon, magkasama tayo sa mga kalokohan. Sa pang-chi'chicks natin, sa pagka'cutting classes natin noong Highschool pa tayo at sa kung ano ano pang bagay! Kahit na nang-iwan ka na ngayon kasi may asawa't may anak ka na---priority mo na ang maging haligi ng bahay---pero, gayon pa man! Mahal na mahal pa din kitang kupal ka." mangiyak ngiyak na sabi nito kaya niyakap siya agad ng kaibigang si Yael habang natatawa-tawa ito.

" Tama na pagiging emosyonal, Pre. Ako ang may birthday, hindi ikaw. Wag kang OA. Haha." tatawa-tawang sabi ni Yael habang mababatid din sa boses niya ang kalasingan.

" Siraulo! Hahaha! Masaya lang ako para sayo, Pre. Maayos ang buhay mo. May pamilya ka ng sarili. Naabot mo na nga ang mga pangarap mo e. E ako? Wala. Pariwara pa rin. Inggit na inggit nga ako sayo e. Alam mo ba yun?!" paglalabas pa ng saloobin ni Walter sa kaibigan. Nangiti lang si Yael sakanya saka inakbayan ang kaibigan.

Alam niyang lasing na ang kaibigan. Alam din niya sa sarili niyang may tama na siya ng alak kaya ang ginawa niya ay sinabayan nalang niya ang drama ng bestfriend niya.

" Haha! Siraulo ka kasi! Magtino ka na. Seryosohin mo na ang trabaho mo! Tanggapin mo na ang alok sayong work ng Step Father mo sa America. For sure doon ka na magkakaroon ng pamilya. Saka, hindi pariwara ang buhay mo--mas matalino ka pre, kaysa sakin. Tamad ka lang at walang tiwala sa sarili mo. Pero, tandaan mo. Ako ang number 1 fan mo. Promise yan! Ako ang  numero unong nagtitiwala sayo! " nakangiti pang sabi ni Yael kaya nginitian siya ni Walter na ang itsura ngayon ay mangiyak ngiyak na pero, halatang pinipigilan.

" Ayaw ko dun sa America! Dito lang ako sa pinas. Kasama ang bestfriend ko na bukod tangging humahanga at naniniwala sa galing ko!" sabi nito saka hinalikan sa pisngi ang kaibigan niya saka tatawa-tawa silang dalawa.

Normal lang sakanilang dalawa ang mag-kiss sa cheeks dahil parang magkapatid na din naman sila. Wala namang malisya sakanila yun.

" Nagkabaklaan na nga po 'tong mag-bestfriend na 'to. Ano? Natuluyan na ba talaga kayo, guys? Ano? Best Man na ba ko sa kasal niyo mga gunggong kayo!" biro ni Noli na kakarating lang galing sa banyo, isa siya sa kaibigan nilang dalawa na ngayon ay kainuman din nila. Lasing na din dahil mapungay na ang mga mata.

" Ulol! Di ka kasi namin bestfriend kaya naiingit ka! Gusto mo i'kiss din kita?!" pang-aasar pa ni Walter saka ngumuso kay Noli at nagtangka pa itong lalapit sakanya kaya natawa silang tatlo.

"  wag na! Baka matuluyan akong maging bakla! Haha!" biro pa ni Noli.

Bisexual si Noli at alam naman yun ng mga kaibigan niya. Tanggap siya ng dalawa at hindi nagbago ang pagkakaibigan nilang tatlo nang dahil lang sa sekswalidad niya. Lalaki pa din naman itong kumilos at lalaki pa rin naman itong pumorma. Yun nga lang, hindi niya alam kung kanino siya magkakagusto dahil, kahit pilitin niyang mahuloy sa babae, mas nahuhulog siya sa kapwa niya lalake.

" Osiya! Tagay na natin 'to! Happy 32nd Birthday, Yael!" sigaw ni Walter saka itinaas ang kamay na may hawak na baso.
" Kampai! " dagdag pa nito na halata sa mukha niya na masaya siya.

Secret Love StoryWhere stories live. Discover now