6 : The Betrayal

138 6 0
                                    

" Ano nga ba ang pangalan ng irereto mo kay Noli, Walter?" tatawa-tawang tanong ni Yael kay Walter.

Nandito sila ngayon sa bahay ni Noli. Nagkayayaan silang magbabarkada na pagkatapos ng kanilang mga trabaho ay tumambay muna sa bahay ng kaibigan at saka mag-inom ng konti, tutal ay weekend bukas at wala silang mga pasok.

" Hoy! Isa ka pa! Tumigil ka nga! Susuntukin kita e!" inis na singhal ni Noli kay Yael kaya nagtawanan sila ni Walter.

Inaasar kasi ni Walter si Noli at nakisali na din si Yael sa biruang nagaganap.

" Hahaha! Pare, labanan mo ang pagkabakla mo! Kailangan mong makatuluyan ay babae, hindi lalaki. " pangaral pa ni Walter sa kaibigan saka tinungga ang alak na nasa lata.

Nagkatinginan naman ang dalawa. Napayuko si Yael at hindi naman nagpahalata si Noli na may namamagitang sikreto sakanila ni Yael.

" Sisipain kita Walter kapag may nakarinig sayong maid at nagsumbong sa parents ko." babala pa ni Noli sa kaibigan.

" HAHAHA, Noli tanggap ka namin ni Yael.., na bisexual ka. At for sure tanggap ka din nila Tito at Tita kasi anak ka nila. Pero, syempre.., Gusto ko lang na wag kang pagtawanan at wag kang pag-usapan ng iba kaya tinutulungan kita na magpakalalaki---tinutulungan ka namin ni Yael. Kasi at the end of the day? Babae pa din ang kailangan mong makatuluyan." paliwanag pa ni Walter sa kaibigan.

Nakatingin lang si Yael kay Noli at wala itong kibo. Kung kanina ay nakikipagsabayan pa siya sa asaran at biruan ngayon ay tumahimik na siya.

Nagkatinginan sila ni Noli---tingin na nagsasabing wag nalang pakinggan ang sinasabi ni Walter.

" Tigilan niyo kong dalawa. Mamahalin ko ang taong gusto ko. Ayaw ko ng reto-reto na yan. Lubayan niyo ko. " medyo ilag pang sabi ni Noli sa mga kaibigan habang ang paningin ay nakatuon kay Yael.

" Hahaha! Sige na nga di ka na namin pipilitin. Lalaki pa naman sana ang irereto ko sayo." sabi ni Walter saka tinungga muli ang lata ng alak.

" Raulo! Anong pangalan?" singhal at tanong ni Noli sa kaibigan.

" HAHAHAHAH " malakas na tawanan nila lalo na si Walter.

" Walang hiya ka, Pare! Bahala ka na. Susuportahan ka naman namin kung ano talaga ang gusto mo. Di ba, Yael?" sabi nito saka inakabayan si Yael.

" Oo naman. " medyo utal na sabi nito saka uminom ng alak. Pagkaraan ay ibinaba niya ang lata sa lamesa at saka tiningnan ang relos niya.
" Uuwi na pala ko, pre. Nag'text sakin si Misis kanina. May konting salo-salo daw sa bahay dahil nagpaluto daw ang inaanak niyo ng paborito niyang pagkain."

" Spaghetti at Hotdog?" sabay na sabi ni Noli at Walter.

" As usual. E gusto daw akong makasama ng anak ko. " nakangiting sagot niya sa dalawa.

" Haha. Sige na. Family first before friends. Bumawi ka sakanila. " sabi pa ni Walter sakanya.

" Minsan lang naman maglambing sayo ang mag-ina mo lalo na ang anak mo. Pagbigyan mo na. " segunda naman ni Noli saka nilagok ang alak.

" Hehe. Sige, Pre. Next time nalang. Babawi ako sa inyo. " paalam niya saka siya nakipag-apir sa mga kaibigan.

" Ingat ka. " sabi pa ni Noli sa kaibigan bago ito tuluyang makalabas ng bahay niya.
" Ang swerte talaga ni Yael sa pamilya niya." mahinang bulong pa ni Noli at alam niyang narinig siya ni Walter pero, hindi ito kumibo sakanya bagkus ay ngumiti lang ito ng sarkastiko.

Secret Love StoryWhere stories live. Discover now