WIFE SERIES: Tears Of A Wife

By sheinAlthea

974K 29.9K 5.5K

TRIGGER WARNING: This story is not for everyone. Sampung taon nang nagmamahal si Olive kay Atlas. Sampung ta... More

TEARS OF A WIFE
TEARS OF A WIFE
SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Wakas
Special Chapter

Kabanata 25

25.2K 758 320
By sheinAlthea

“I’m sorry about that, Kraius,” mahinang anas ko. “Hindi ko lang kasi napigilan,” dagdag ko pa.

“It’s okay, Olive. I understand,” sagot naman nito.

I sighed and leaned my back to the seat. Nasa sasakyan kami ni Kraius at pauwi na ngunit wala sa biyahe ang utak ko. Iniisip ko pa rin ang nangyari kanina. I lost my control that I cried in front of Trina. Kahit sinasampal ko ito at pinagsasalitaan ng masama, umiiyak ako. Kasi hindi naman nagbago ang nararamdaman ko. Hindi nawala maski katiting na pait sa aking pagkatao. Ganoon pa rin. Mas nadagdagan pa nga yata iyon.

In the end, Kraius lift me and took me out of the jail. He helped me to calm down. He reminded me about my baby’s condition. Dahil kung ako lang ang naroon, hindi ko alam kung ano pa ang mangyayari. I lost my logic that I burst out.

“I got carried away,” anas ko. I looked up and closed my eyes. Nakokonsiyensiya pa rin ako sa ginawa ko kay Trina.

“Forget about it, Olive.”

I opened my eyes and looked at Kraius. Seryoso lang itong nagmamaneho. Nakatiim ang bagang at mahigpit ang hawak sa manibela.

“I will. Thank you, Kraius.” Tumango ako kahit alam kong hindi naman niya ito makikita. I was very thankful because, in times like this, there was someone who would help me. Someone I barely spent my time with.

Inayos ko na lamang ang aking sarili at ibinaling ang paningin sa labas ng sasakyan. Madilim na sa lansangan dahil pasado alas-siyete na ng gabi. Hindi na rin masyadong traffic dahil iilan na lamang ang nakikita kong mga sasakyan. Mabilis ang pagmamaneho ni Kraius kaya pinagsawa ko na lamang ang paningin sa aming nadaraanan.

Ang mga ilaw sa lansangan. Ang iba’t ibang nagkikislapang neon lights mula sa mga establisimyento. Ang naglalakihan at nagtataasang mga building at maging ang mga taong naglalakad pa sa kalsada kahit gabi. Larawan ito ng isang maingay at buhay na buhay na Metro.

Naisip kong sana maging ganoon din ako. I wanted to experience life again. Na bumalik ako sa dating ako. A happy and cheerful one. Laging nakangiti sa lahat ng bagay. Hindi nagpapanggap at hindi na magmamakaawa. I wanted to be me again. Alam kong matatagalan pa iyon, ngunit handa akong maghintay. I wanted to be healed and start again.

Hindi kalaunan ay nakarating kami ni Kraius sa isang restaurant. Pareho kaming kumain nang tahimik. Hindi na rin ako nagsalita at nagtanong. Maging ito ay ganoon din. Marahil, alam din nitong hindi madali para sa akin ang lahat. Masakit pa rin kahit pinipilit kong kalimutan.

Pagkatapos naming kumain ay hinatid ako ni Kraius patungo sa mansion. Katulad kanina, tahimik pa rin ang aming biyahe. Mahigit isang oras din bago kami nakarating sa Corinthians. Gabi na kaya lahat ay tahimik sa loob ng subdivision.

“Dito na lang ako, Kraius,” anas ko. Binalingan ko rin si Kraius ng tingin.

Kraius looked at me. “Are you sure?” nakakunot ang noong tanong nito. Binagalan din nito ang pagpapatakbo ng sasakyan.

Tumango ako. “Yes! Malapit na rin naman ang mansion. I want to breath some fresh air. Masyado kong sinagad ang sarili kanina.” Ngumiti ako kay Kraius. Naramdaman ko rin ang pagtigil ng sasakyan.

Napabuntonghininga ito. “Fine! Ikaw ang bahala. Just call me if you need anything.”

Tumango muna ako kay Kraius bago binuksan ang kotse nito. I mouthed thank you before I got out of the car. I waved to Kraius before he finally maneuvered the car. Ngumiti rin ako rito para ipakitang ayos lang ako.

Nang tuluyan itong makalayo papalabas ng subdivision ay saka ko pa lang sinimulang maglakad. Tahimik na ang buong paligid kaya alam kong ligtas ako. I walked and stared at some views which caught my attention and appreciated it silently. Umaasam ako na sana, mas marami pang magagandang tanawin ang makita ko sa aking paglalakad.

Ang totoo, gusto kong mapag-isa at mag-isip. I might not admit but Kraius’ silence was bothering me. Alam kong sumobra ako sa dapat na ginawa ko. Nahihiya ako rito kaya ako tahimik. I was at fault in this situation, too. Ako ang nagtulak sa sarili ko para masaktan nang ganito. Alam ko iyon. Kraius knew it, too.

I sighed and shook my head. Mas binilisan ko rin ang paglalakad nang makita kong malapit ba ako sa bahay. I walked faster and faster. Ngunit, nakakailang hakbang pa lamang ako nang mapansin kong may sumusunod sa akin. Isang ilaw na nagmumula sa aking likuran ang nagbibigay liwanag sa aking nadaraanan. I stopped and looked behind me. Hindi na ako nagulat kung sino iyon. Ilang araw niya na ring ginagawa ang mga bagay na iyon na hindi ako sanay. Hindi ako sanay dahil hindi ko alam kung maniniwala pa ba ako.

I waited for him to get out of the car. Hindi naman ako nabigo dahil ilang sandali ay tumigil ang sasakyan nito sa tapat ko. Pinagmasdan ko rin ito habang lumalabas sa sasakyan nitong Mercedes Benz GLA 250. Halatang bagong-bago iyon dahil kahit madilim ay mababanaag ang kintab nito.

“What are you doing here again, Atlas?” mahinang tanong ko.

Lumapit si Atlas sa akin at tinitigan akong mabuti. Sinuyod niya rin ang aking kabuoan at tumigil iyon partikular sa aking tiyan. Dahil sa ginawa nito ay hinaplos ko rin iyon. May baby bump na roon ngunit dahil maluwang ang suot kong blouse ay hindi pa rin kita iyon.

“I wanted to see you,” anas din nito habang titig na titig sa akin.

“For what? As you can see, I am very fine, Atlas. Puwede ka nang umuwi!” mariing wika ko rito.

I saw him shook his head. He looked at me intently and I was caught off guard. Katulad ng dati, nakalulunod ang bawat titig ni Atlas sa akin. Katulad ng dati, nawawalan ako ng lakas. Nawawala ako sa katinuan para mag-isip. Mahina pa rin ako pagdating dito.

“I want us to talk. Kahit ngayon lang, Olive. Pakinggan mo naman ako.” Atlas voice was pleading. He tried to hold me but I shrugged it off. Umiling ako at pinalis ang namumuong bikig sa lalamunan.

“Wala naman tayong dapat pag-usapan pa, Atlas. Tapos na tayo. Malaya ka na. Ano pa bang gusto mo?!” mariin kong wika rito.

I tried to distance myself from him but his hand was faster. Sa isang iglap lang hinila niya ako papalapit sa kaniya at ikinulong sa bisig niyang matitigas. I tried to push him away but he wouldn’t budge. Mas malakas at mahigpit ang pagkakayapos niya sa akin na halos hindi na ako makahinga sa sobrang higpit nito.

“I’m sorry. I know, it’s too late. But I’m sorry,” he said. I felt him kiss the top of my head. “Just this once, Olive. Hayaan mong yakapin kita nang ganito.”

My heart contracted that it hurts. I tried myself to push him away but I just can’t. Nanghina ako. Sa huli, hinayaan kong ipikit na lang ang aking mga mata at yakapin ni Atlas nang mahigpit. Kahit ngayon lang, titikisin ko muna ang sarili ko. Kahit ngayon lang, pagbibigyan ko muna ang sarili ko.

Ilang sandali kong hinayaan ang sarili sa ganoong posisyon kasama si Atlas. Naririnig at nararamdaman ko rin ang eratikong pagtibok ng puso nito. My heart was beating wildly, too. But I needed to stop before it was too late. Nakakatakot ang ganitong pakiramdam. Natatakot ako dahil hindi ko kakayanin kapag nasaktan ulit ako.

“I need to go, Atlas,” nahihirapang sambit ko.

His grip tightened. He looked me in the eye. In the end, he sighed and nodded. “Maha—”

Umiling ako. “Please, Atlas.”

Tuluyan akong naglakad palayo kay Atlas nang bitiwan niya ako. Alam kong nakasunod siya sa akin pero hindi ko binalak man lang na lingunin siya. My heart felt heavy, but I needed to. This was for me. Hindi ko nga lamang alam kung hanggang saan ako kayang dalhin ng paninindigan ko para sa sarili. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko titikisin ang sarili para makalaya nang tuluyan mula sa sakit.

Nang tuluyan akong makarating sa mansion ay siya namang pagbuhos ng isang malakas na ulan. Sinalubong kaagad ako ni Jenny nang may nag-aalalang tingin. Tinanguan ko lamang ito at nagpatuloy na sa aking kuwarto. I was tired and I desperately wanted to sleep.

Pagkatapos kong magbihis ng pulang silk nighties ay nahiga na ako sa kama. I tried to close my eyes and forced myself to sleep, but I couldn’t. Iniisip ko ang nangyari kanina. Iniisip ko si Trina. Iniisip ko si Atlas at ang sinabi nito sa akin.

“Nakakainis!” Sinabunutan ko ang sariling buhok. I hate myself for feeling like this. I was uncertain in so many ways. Gusto kong makita si Atlas na hindi.

Marahas akong bumangon sa kama. I looked at the four corners of my room. Looking for something I didn’t know what to do just to convert my attention. In the end, I sighed and shook my head. Nababaliw na yata ako. Nababaliw sa mga nangyayari sa akin.

My thought got interrupted by a loud sound of my phone. Kumunot ang noo ko ngunit inabot ko pa rin iyon. Nagtaka ako nang makita ang numero ng guard sa labas ng bahay ngunit sinagot ko pa rin iyon. Maybe it was an emergency.

“Hello?” mahinang tanong ko sa kabilang linya.

“Maam! Nandito pa po si sir. Nagpapaulan!” sagot naman nito.

My world stopped spinning. I didn’t know what to do. I could only hear the sound of my own heart—beating faster and it hurt.

“Maam?!”

I couldn’t think straight, but I didn’t want Atlas to be sick. Mabilis akong naghanap ng roba at ipinatong sa aking katawan. Mabilis din ang aking mga kilos na lumabas ng bahay. Jenny saw me in the sala, but I did not budge to answer her call. Maging ang mga guwardiya sa loob ay walang nagawa. I opened the gate as fast as I could and my heart almost jumped out of my ribs.

Atlas was soaking wet. Ang kaninang matigas na awra ay nawala. He was looking at our mansion, particuparly in my room. But when he saw me, he shifted his gaze. His eyes were pleading, but the intensity of his gaze was piercing through my soul while walking close to me. Gayunpaman, pinilit kong magsalita kahit pa giniginaw rin ako dahil sa patak ng ulan.

“Bakit ka nagpapaulan?!” malakas kong tanong dito. “Umuwi ka na!” dagdag ko pa. I embraced myself. Ramdam ko na ang lamig sa buo kong katawan.

“Mahal kita, Olive. Gusto kong makita mo na mahal kita mula pa noon,” wika nito nang makalapit sa akin.

Hindi ko alam ang dapat na paniwalaan. Hindi ko alam ang dapat na gawin. Napakasarap sa pakiramdam kung ang binibigkas ni Atlas na mga kataga ay totoo. Itanggi ko man sa sarili, alam kong ang sinabi niya ay nagdulot ng init sa aking puso. 

Ngunit nagmatigas pa rin ako. “Umalis ka na, Atlas!” I closed my eyes. I didn’t want to look at him like this. Kahit na galit ako sa kaniya may parte pa rin sa puso ko na naaawa sa kalagayan niya ngayon. 

“Hindi ako aalis kung hindi mo ako mapapatawad.” I saw him embrace himself. Alam kong giniginaw na rin siya pero pinipilit niya pa rin ang manatili. 

Bakit ba napakatigas ng ulo niya?

“Please, Atlas. . . Umalis ka na.” My words lacked conviction. Alam kong bibigay na ako kung magpapatuloy pa ito. 

‘No! He hurt you, Olive!’ 

“Mahal kita, Olive. Duwag ako, oo, pero mahal kita!” Atlas was crying. Mas lalong sumakit ang puso ko. “Alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko sa ‘yo, but please. . . give me one last chance.” He kneeled. 

Atlas was kneeling in front of me in the middle of a heavy rain. 

Malamig man ang bawat patak ng ulan na nananalaytay sa aking katawan ngunit pinaiinit naman ito ng mga sinabi ni Atlas sa akin. Mga salitang kay tagal ko nang hinihintay.

In the end, I betrayed myself.

Ako na mismo ang lumapit dito at hinila ito papalapit sa akin. I kissed him with all my heart and soul. Dahil si Atlas pa rin ang nagmamay-ari sa akin.

Tama siya.

Just this once.





@sheinAlthea
 

Continue Reading

You'll Also Like

6.8M 138K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
24.5K 686 53
R-18 | MATURED CONTENT Matapos ang nangyaring break up ni Acylle at ng boyfriend niya, gumawa siya ng paraan upang makapag-move on ng mabilis. She t...
241K 6.5K 27
Para takasan ang obsess na ex-boyfriend sa manila, napilitan si Erika na mamundok at bumalik sa probinsya. Pero ang wild at partygoer na heredera mai...
250K 3.8K 42
"I'm going to make you marry me." I said. Then I fell in hell. He gave me pain and agony, I gave him myself. He gave me sufferings, I gave him my...