WIFE SERIES: Tears Of A Wife

By sheinAlthea

974K 29.9K 5.5K

TRIGGER WARNING: This story is not for everyone. Sampung taon nang nagmamahal si Olive kay Atlas. Sampung ta... More

TEARS OF A WIFE
TEARS OF A WIFE
SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Wakas
Special Chapter

Kabanata 19

23K 783 232
By sheinAlthea

Halos hindi ko na marinig ang lahat ng ingay na nililikha ng sasakyan mula sa trapiko sa kahabaan ng EDSA. Halos hindi na rin ako makahinga sa antisipasyon na dulot ng pangyayaring naging dahilan kung bakit kami magkasama ni Daddy ngayon sa loob ng kaniyang sasakyan.

My heart was beating wildly. Mas mabilis at mas malakas na hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. I was out of words when my Dad asked me to go out with him. Mabilis akong nagbihis. Iniwan ko rin si Jenny sa unit na tulog. Nag-iwan lang ako ng note para sa kaniya. I knew it was crazy trusting a person that you just met but my instinct was telling me to. The fact was . . . I saw myself to Jenny. The pain and suffering. We may had different sentiments, but we were the same. We were wounded. We were wounded by the man we love.

Habang nasa biyahe ay panay ang sulyap ko kay Dad. Naroon pa rin ang awra niyang galit ngunit alam kong pinipigilan niya ang sarili para na rin sa akin. As much as possible, he wanted to talk to me in private, which I know was the best for the situation where I was in. Hindi ko man alam kung paano niya nalaman, ang importante ay matapos na ang lahat ng pagpapanggap ko. Kinakabahan man ngunit tanggap ko na kung ano man ang magiging pasya ni Dad para sa akin.

We arrived in our home at Corinthian Gardens in QC. Tulad ng dati ay tahimik pa rin ang mansion at pawang caretaker lamang ang naroon. It was a one-story house. Fully furnished at renovated na ang bahay kaya mas lalo pang gumanda ito nang palitan ng glass wall ang halos kalahati ng bahagi nito. May malaking fountain sa malawak na entrada ng bakuran na napalilibutan naman ng bermuda grass at mga bougainvillea plants sa gilid ng gate maging sa palibot ng bahay.

I kept my silence when we entered the mansion. No doubt of its grandeur. The modern Victorian style interior was what impressed me the most. White and black combination with a touch of gold. A big chandelier on the ceiling and the beautiful painting of my mother tagged on the wall.

Four rooms and all in old Victorian style. One office room which was personally requested and designed by my father. A wide kitchen room was connected to our greenhouse. Two living rooms for any special occasions and one liquor room.

Napakaenggrande at nakamamangha kung maituturing ang aming bahay. Ngunit napakalungkot naman nito kapag wala ako at si Daddy. My dad usually spend his night in my grandmother’s house. Sa ganoong paraan man lang daw ay maipakita niya sa lola ko na kahit kailan ay hindi niya papalitan si Mommy. Habang ako naman ay minsan lang din kung dumalaw.

Lahat din ng parte ng mansion ay may bakas ni Atlas. He was the one who designed the new renovation. Atlas was an architect and a superior in his league. Mula pa noon, alam kong magaling siya at magtatagumpay. Na hindi ako nagkamali. He was well-known in his job. Isa sa pinakabatang arkitekto sa buong Luzon. He got an offer abroad. Ang pinakahuli ay ang Burj Khalifa sa Dubai.

“In my office, Olive.”

Natigil ang anumang iniisip ko nang magsalita si Daddy. I instantly looked at him behind me. Mariin ang titig nito sa akin. Para bang inaarok ang aking buong pagkatao. My dad was a good man, but he was dangerous when needed.

“Y-Yes, Dad,” sagot ko. Kinagat ko pa ang ibabang labi dahil sa pagkakabulol. I might be strict in aura but I lost words when it comes to my father. Iginagalang ko rin ito dahil iyon ang dapat para sa isang ama.

“Good. Wait for me inside,” wika nito. Kapagkuwan ay hinarap naman nito ang bodyguard at minanduhan.

Tumango ako kahit hindi na iyon nakita ni Daddy. Iniwan ko rin ito sa sala kasama ang mga bodyguard nito. I walked directly to his office near the guestroom. Mabagal ang mga hakbang ko nang tuluyang makapasok sa loob. Bumungad kaagad sa aking mga mata ang aliwalas ng lugar maging ang kasimplehan nito.

Tulad ko ay mahilig din si Daddy sa minimalist design. Dad and I had the same style of office. I copied his idea and he didn’t complain. Isang maliit na bookshelf na nakadikit sa dingding. Kahoy na lamesa na pinakintab ng varnish at polish. Sa ibabaw nito ay ang mga papeles ni Dad na nasa isang maliit na stand. Ang kaniyang laptop at isang maliit na lampshade sa gilid. And his executive chair. At the center, in front of the table, were two visitor’s chairs.

I sat on it and waited for my dad. Ilang minuto rin ang lumipas bago ito pumasok sa loob. Bumalik na sa dati ang awra nito ngunit pangingilagan pa rin iyon ng ibang hindi pa sanay rito. He walked directly to his chair and looked close to me. An eye for an eye. Like a superior to his comrades. A predator to his prey.

“Explain, Olive. I’m waiting,” walang kasinlamig na wika nito.

I blinked and sighed heavily. Ibinaba ko rin ang aking tingin at tumungo. Hindi ko alam kung saan ko uumpisahan. Hindi ko rin alam kung ano ang dapat kong sabihin. I couldn’t find the right words to say. Alam kong kapag sinabi ko ang lahat, masasaktan si Dad. It was inevitable but I had to. I needed to. Para sa akin at para sa lahat.

“I am u-unhappy, Dad. I’ve been a wreck for ten years since I got m-married.” My voice cracked. Nagsisimula na namang manikip ang dibdib ko habang nanunuyo naman ang aking lalamunan. Itinaas kong muli ang paningin sa aking ama. “Atlas does not love me, Dad. I-I’m sorry.”

I formed my hand into a fist and tried myself not to cry in front of my father. I wanted him to see me as a strong woman. That I could handle the things that was happening to me. Na kahit durog at wasak na ako ay kaya ko pa ring maging matatag. Ayaw kong makita niya na mahina ako. Ngunit sadyang ganoon nga talaga ako. I couldn’t stand his stare so I looked down. Surrendering.

Ang kaninang pinipigilang luha ay hinayaan kong tumulo. Hindi naman siguro kalabisan kung hahayaan kong makita ni Dad ang tunay na ako. Ang isang bahagi ng pagkatao ko na matagal ko nang itinago. I was weak, wrecked, and broken. My chest was hurting and all I could do was to cry and cry until my eyes hurt and my heart bled. Doon lamang ako kumukuha ng bagong lakas ng loob. Doon lamang ako umaasang mawawala ang sakit at tuluyang mamanhid.

“I saw him. I saw him this morning, princess. Nakita ko siya sa bahay n’yo na may kasamang iba. I wanted to surprise you. But— Putang*na!”

My silent cry became wailing as my dad punched the table. I closed my eyes and prayed hard to stop the tears from falling, but I just couldn’t. It wouldn’t stop. What my dad told me added my grief. Sinaktan na naman ako ni Atlas nang paulit-ulit. Hindi pa siya nakontento sa pananakit sa akin, maging ang Daddy ko ay nadamay.

Paano niya nasikmurang dalhin si Trina sa mismong bahay ko? Atlas stripped all of me. Simula nang mahalin ko siya, lahat na ay nawala sa akin. Pagmamahal ko sa sarili. Dignidad. At maging ang respeto ko sa sarili ay nawala nang pumayag akong maging kahati ng iba. Nang pumayag akong kahit ako ang asawa, ngunit ako ang walang karapatan. Atlas was so unfair.

“I hate him for hurting you, hija. Why did you do it to your self?” I felt my Dad’s hands held me tight. Inakay niya ako patayo at niyakap nang mahigpit. Napakahigpit na para bang sinasabi nito na walang pwedeng manakit sa akin. “I will destroy him, hija. Hinding-hindi ko mapapatawad ang taong mananakit sa anak ko,” bulong nito.

My dad kissed the top of my head. He released me from the hug and looked at my face. My tears kept on falling, but I could still see his concern stare at me. He scanned my face and wiped my tears, slowly. Dahan-dahan na may pag-iingat. Habang ginagawa ni Daddy iyon ay unti-unti ring lumilinaw sa akin ang kaniyang anyo. I could see tears coming from his eyes. Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko at humagulhol.

“I-I’m s-sorry, Daddy.” I whined. Parang dinudurog ang puso ko sa nakitang luha at lungkot sa mga mata nito. I was a failure. I failed my dad’s expectations of me.

Nasa ganoon kaming posisyon nang maagaw ang aming atensiyon ng isang katok mula sa pinto ng opisina. My dad put me back to the chair and left. Pinilit ko ring ayusin ang sarili. Pagod na pagod na ang puso ko pero hindi pa rin napapagod ang mata ko. Hindi pa rin nauubos ang luha mula rito. Gayunpaman, pinilit kong maging maayos at kumalma para kay Daddy. Kahit para na lang sa kaniya.

“Nandito na po, Senator,” narinig kong wika ng kausap nito.

“Good. Hintayin n’yo ako sa labas,” sagot naman ni Dad.

I heard my Dad’s footsteps walking closer towards me. Tumigil ito nang eksaktong tumapat sa akin. I looked up and saw how his expression changed. Ang malambot na itsura nito kanina ay nawala. He has a dark façade on his face. Deadly and dangerous.

“Come with me, Princess. We’re going to teach someone a lesson.”

Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Dad. He held my hand and guided me out of his office. My heart was still heavy, but I was trying to calm down. Lalo pa’t hindi ko alam kung ano ang gustong ipahiwatig ng daddy ko.

Nasa pasilyo pa lamang kami ng bahay nang makarinig ako ng isang pag-ungol. Ungol ng isang taong nasasaktan. My heart beat doubled and I was not dumb to conclude everything. Nang tuluyan kaming makarating sa labas ng veranda ay mas lalo pang sumakit ang puso ko. Nanginginig ang aking katawan dahil sa halo-halong emosyon.

“Dad,” bulong ko. Tiningnan ko rin ito sa aking gilid ngunit hindi man lamang nagbago ang ekspresyon sa mukha nito.

I looked back at the wide ground. Seeing Atlas beaten by my dad’s bodyguard made my head dizzy, made my heart hurt even more, and made me cry. Mahina pa rin ako. Dahil kahit gaano pa kasakit ang ginawa niya sa akin, hindi ko pa rin kayang masaktan si Atlas nang ganito. Paulit-ulit na binubugbog habang walang kalaban-laban sa mga bodyguard ng daddy ko.

“Dad! Please!” sigaw ko kay Daddy nang makitang bumubunot ang isang bodyguard nito ng baril. Niyugyog ko ang balikat nito ngunit matigas pa rin si Daddy na patuloy lang sa pagtanaw.

I wailed for Atlas, but no one heard me. Hanggang naramdaman ko na lamang ang pagtindi ng aking hilo. Ang pagsakit ng aking puson at ang unti-unting panghihina. I put my hands on my belly as pain occupied my being. Napaupo ako sa sahig at sinulyapang muli si Atlas. Sumigaw muli ako nang makitang itinutok dito ang baril. I shouted and tried to stop them.

“Olive!” Atlas shouted.

I felt something gush before I lost consciousness. 



@sheinAlthea

Continue Reading

You'll Also Like

57.5K 1.1K 44
Doctor's Compelled Affair Forbidden Passion Series A Collaboration Genre: Erotic Romance /R-18 Status :Ongoing (Slow Update) A one-year contract rui...
254K 6.5K 23
I love him for 6 years. I'm loyal to him. Even I have no right to. What can I do? I just want to spend my days with him. With the man I love? Is that...
2.3K 126 38
After their SHS graduation, Vyrr Blyther was offered full scholarship as varsity player at the university Dreigh is attending in USA. For four years...
449K 12.4K 38
Caleb Acosta grew up in a fucked up family. His mother's a cheater, and so as his father. Now he's planning to stay as a bachelor billionaire all his...