WIFE SERIES: Tears Of A Wife

By sheinAlthea

974K 29.9K 5.5K

TRIGGER WARNING: This story is not for everyone. Sampung taon nang nagmamahal si Olive kay Atlas. Sampung ta... More

TEARS OF A WIFE
TEARS OF A WIFE
SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Wakas
Special Chapter

Kabanata 13

19.6K 734 167
By sheinAlthea

I drank until my heart’s content. Pilit ginagamot ang sakit sa aking puso nang mag-isa. Nagpapasalamat na lamang ako dahil kahit marami ang nainom ay kaya ko pa ring maglakad nang tuwid. Malinaw pa rin ang paningin ko kahit medyo masakit na ang aking ulo.

Tiningnan ko ang relong pambisig. It was exactly midnight but the bar was still alive. Maging sina Atlas at Trina ay kanina pa umalis. Kahit masakit sa akin ay pinilit kong sundan ang dalawa ng tingin habang papalayo.

Masokista ako dahil kinaya ko ang sakit. Tinanggap ko na rin na kahit kailan, hindi ako nanalo pagdating kay Atlas. Talo ako parati, hindi pa man nagsisimula ang laban.

Napailing ako at napangiti ng mapait. Kanina pa ako sa loob ng aking sasakyan pero hindi ko alam kung saan ako uuwi. O may uuwian pa ba ako. Hindi ko alam kung saan ba talaga ako lulugar. Kung ano pa ang dapat kung gawin.

Pagod na ako. Pagod na pagod na.

Sa huli, pinili kong umuwi sa South Ridge. Hindi sa bahay kundi sa malawak na park nito. Dahan-dahan ang ginawa kong pagmamaneho para makarating sa lugar. Hindi na rin masyadong ma-traffic kaya mas tiwala ako.

I parked my car as I reached the place. Agad akong lumabas at nagsimulang maglakad. Dahan-dahan na para bang takot akong matumba. Maingat na para bang unang beses ko pa lamang iyong napuntahan. Na hindi naman totoo.

I’ve been in this park since day one. Ito ang naging saksi noong unang beses akong umiyak mula nang tumuntong ako sa village. Suki na rin ang swing kung saan lagi kong sinasakyan kapag masama ang loob. Nakakatawa pero totoo. This place knew my story. The story that I couldn’t share to anyone.

“Olive?”

Nagulat ako sa tinig na narinig. I instantly wiped my tears and calmed myself. Nilingon ko rin ang may-ari ng tinig at nakita ko si Kraius na mariin ang titig sa akin. Kahit medyo madilim dahil lamppost lang ang nagsisilbing ilaw sa lugar ay nakita ko pa ang nakakunot na noo nito.

“Umiiyak ka ba?” tanong nito.

“Hindi. Napuwing lang,” pagsisinungaling ko. Ibinalik kong muli ang paningin sa aking harapan.

I noticed Kraius walked toward my direction. Lumapit ito sa akin at sa harapan ko pa mismo ito pumuwesto. Nakatanghod sa akin habang ako naman ay hindi makatingin dito. Mahina ko ring inugoy ang sarili sa swing.

“Come on, Olive. Attorney ako. You can’t lie to me.” Pinamaywangan ako ni Kraius. “Ang mabuti pa, sumama ka sa akin. I also live here, anyway.”

“Sandali,” reklamo ko nang pigilan ako nito sa ginagawa.

“What?!” asik naman nito.

“Kasi—”

“Ang dami n’yo talagang arteng mga babae. No buts, Olive. Gabi na. You need to rest.” Hinawakan ni Kraius ang kamay ko na nakahawak sa swing. Hinila nito iyon nang mariin at walang pakialam kung nasasaktan ako.

Mabilis ang mga lakad ni Kraius. Maging ang aking kotse ay iniwan namin sa parke. Lulugo-lugo man ang aking pakiramdam, hindi na rin ako nagreklamo pa dito. Marahil, naiintindihan ako nito at ang pinagdaraanan ko.

“This is your house?” tanong ko. Tumigil kami sa dulong bahagi ng village. Sa isang two-storey glass house. Namangha ako sa itsura nito sa labas ngunit mas namangha ako sa ganda nito sa loob. Minimalist at moderno ang disenyo nito.

“Yes.” Tumango ito. Iginiya ako ni Kraius papasok sa enggrande niyang bahay. “Bagong lipat lang ako kaya wala pang gamit. At saka hindi na kailangan,” dagdag pa nito.

“Kung sa bagay,” komento ko.

Kraius and I headed to the living room. Nag-usap kami pareho tungkol sa nangyari sa akin. Hindi na rin ako nagsinungaling pa rito. Ramdam ko rin na mapagkakatiwalaan ito.

“Suit yourself, Olive. May damit pambabae d’yan sa guestroom. Pinalabhan ko na ’yan kaya alam kong malinis,” wika nito nang ihatid ako nito sa isang kuwarto.

Tumango ako. “Salamat, Kraius.”

“Sure, no worries. Malakas ka sa akin, eh!” Kumindat ito sabay tawa.

Pinaikot ko ang mga mata. “Tigilan mo nga ako. Ang bakla mo!”

“Guwapo naman, di ba?” Ngumisi ito.

Umiling na lamang ako at seryosong nagpaalam dito. Napabuntonghininga kaagad ako matapos kong maisara ang pinto. Naglakad ako sa papalapit sa kama roon at naupo. Inilibot ko ang paningin at ngumiti.

Katulad ng sala ay maaliwalas din ang kuwartong ibinigay ni Kraius sa akin. It was a combination of white and light green. Carpeted ang sahig habang may malaking kama sa gitna ng kuwarto. May bedside table din sa gilid nito at isang maliit na tokador. Lahat ay purong yari sa Narra at pinakintab ng varnish.

Tumayo ako at pumasok sa isang nakasaradong pinto sa loob ng kuwarto. It was a small dressing room. Napataas pa ang kilay ko dahil hindi lang basta damit ang mga naroon. Elegant gowns, casual attire, and ordinary clothes were inside too. May panloob din na alam kong hindi pa nagagamit dahil nasa lalagyan pa iyon.

“Bakla talaga,” anas ko.

Kinuha ko ang kailangan ko sa loob at lumabas. Nagtungo ako sa banyo at naligo. Kompleto rin ito sa pambabaeng gamit kaya hindi na ako nahirapan pa. Sinadya ko ring magtagal sa banyo. Kahit man lang sa pamamagitan ng daloy ng tubig mawala na rin ang lahat ng alalahanin ko.

Saktong alas-dos nang matapos ako sa lahat. I crawled myself to bed and tried to sleep. Masakit ang ulo ko at mga mata ngunit kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. I closed my eyes and let myself be drowned to slumber.

Isang malakas na tunog ng aking cell phone ang gumising sa akin. Kinapa ko ito sa ilalim ng unan ko at mabilis na tiningnan kung sino ang tumatawag sa akin. My eyes widened when I saw my Dad’s name on the screen. Agad akong napabangon dahilan para kumirot ang aking sentido. Nahilo ako bigla dahil sa nangyari. Gayunpaman, sinagot ko pa rin ang tawag ni Daddy.

“Hello Dad?” bungad ko kaagad dito.

“Hija, nasaan ka ba? Tumawag ang biyenan mo. Hindi ka raw umuwi kagabi. Hinahanap ka sa akin.” Narinig ko ang pagbuntonghininga nito.

“Sorry po, Daddy. Naistorbo ka pa tuloy,” wika ko. I decided to get up, but my head was throbbing so hard. Nahilo ako bigla kaya napaupo akong muli sa kama. “Uuwi rin po ako, Daddy.

“You should be. Kung nag-away man kayo ni Atlas, anak, hindi mo dapat pinapatagal. Reconcile before you sleep. Communication is the key to the best marriage, Olive.”

“Sorry po.” Napayuko ako kahit hindi ako nakikita ni Daddy.

“Mahal kita, Olive. You can always tell me what you feel. You’re my baby girl. You can always count on me, hija,” wika nito.

“Opo.” Kinagat ko ang ibabang labi. Napakahirap magsinungaling sa mga taong importante sa akin.

Hindi nagtagal ang pag-uusap namin ni Daddy. Busy rin ito at maraming inaasikaso. Pinilit ko rin ang sariling tumayo. My head was still throbbing and I felt weird. Naninibago ako dahil hindi naman ako ganito pagkatapos uminom.

Hindi na ako nahiya kay Kraius. I took another pair of clothes from his dressing room. Isang maong shorts at puting T-shirt. Sakto din sa katawan ko iyon kaya hindi na ako nahirapan pang suotin ang napili kong damit.

“Good morning,” bati ko kay Kraius. Nadatnan ko ito sa veranda ng bahay nito at nagkakape. Prenteng nakaupo sa isang bakal na silya habang nagbabasa ng dyaryo.

Itinaas ni Kraius ang tingin sa akin. “Good morning, Olive. Hindi na kita ginising. Alam ko kasing pagod ka.”

Ngumiti ako sa sinabi nito. “Thank you, Kraius.”

“Welcome. Breakfast?” paanyaya nito.

Umiling ako. “Uuwi na ako, Kraius. Dadaanan ko pa ang sasakyan ko sa park,” paalam ko rito.

“Ikaw ang bahala,” pagsang-ayon naman nito.

Tumango ako rito. Bitbit ang isang paper bag na may lamang damit at ang aking cell phone ay umalis ako sa bahay ni Kraius. Naglakad ako nang ilang metro bago ko narating ang aking kotse. Ipinagpapasalamat ko na lang dahil ekslusibo ang village kaya hindi ako magiging tampulan ng chismis kung sakali mang may nakakita sa akin na lumabas sa bahay ni Kraius na ganito ang itsura.

Naglakad ako papalapit sa nakaparada kong sasakyan. Kahit papaano ay gumaan din ang pakiramdam ko. Ngunit hindi rin nagtagal iyon. Seeing Atlas waiting for me beside my car startled my being. Wala naman akong ginawa pero pakiramdam ko, makasalanan ako dahil sa paraan ng pagtitig nito sa akin.

“Where have you been?” mariing tanong nito nang tuluyan kaming magkatapat. Pinasadahan niya ako ng tingin.

“From a friend, Atlas. If you’ll excuse me, pwede bang tumabi ka? You’re blocking my way,” wika ko. Pinilit kong maging matatag ang boses kahit pa nararamdaman ko ang bilis ng tibok ng aking puso.

Tumitig ito sa akin nang mariin. “Are sleeping with another man?”

Pumikit-pikit ako dahil sa sinabi ni Atlas. I looked around the place and sighed in relief. Walang tao sa lugar kaya pwede kong gawin ang gusto kong gawin. I looked at Atlas intently then laughed sarcastically. I couldn’t believe that he accused me of things. Things that he did.

“Baliw ka na, Atlas. Hindi ako katulad mo!” mariing wika ko.

Nakita ko kung paano nagtagis ang bagang nito. Hinawakan niya ang aking braso nang mariin. He pulled me close to him and cupped my face to look at him in the eye.

“DON’T YOU DARE CHEAT ON ME, OLIVE.”




@sheinAlthea

Continue Reading

You'll Also Like

6.8M 138K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
35.2K 1K 34
Lark Cervantes-the heir and the world's youngest multi-billionaire who hides his cruel coldness. Lark suffers from severe Ecclesiaphobia because of h...
4.7M 192K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
147K 1.9K 48
R-18 One of the most famous and successful C.E.O in town is lost to his friends. In able to to the bet, they dared him to play and have a one-night s...