The Long Lost Legendary Princ...

Por eiremia

285K 9.1K 348

Life is so unpredictable. Who know's that a young happy go lucky kid is a powerful Lucēre? At sino ba ang m... Más

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Guides
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 43
Chapter 44

Chapter 42

805 17 2
Por eiremia

"DAREK!" Buong lakas na sigaw ni Lioht habang buong lakas na sinusuntok ang barrier na gawa ng Lalaki, hinang-hina ito sa kadahilanan na hindi niya magamit ang kanyang kapangyarihan. Sa kanyang tabi ang dalawang diyosa at isang diyos na mas nanghihina, sugatan ang lalaki dahil nakipaglabanan ito kay Darek.

"S-Si A-Aeros" Nanghihinang lumapit si Amanda kay Lioht at hinawakan ang kamay nito sa kabila naman ang puting bulaklak, pinikit ng dalawa ang kanilang mga mata at nakita nila ang Diyos ng Hangin na si Aeros na nakikipaglaban sa Diyos ng Kadiliman hindi nagtagal naging purong kadiliman na lang ang nakita nila. Sinubukan ulit ni Amanda na gamitin ang kanyang kapangyarihan ng hindi gumana tinignan niya ang puting bulaklak na ngayon ay naging itim na,

"Kailangan na natin makalabas rito" Nanghihinang tumayo si Serien diyosa ng katubigan at sinubukan na kontrolin ang tubig na nasa labas ngunit hindi ito nagtagumpay, pilit pa rin itong lumalaban sa pwersang dinudulot ng barrier

"Pakiramdaman niyo ang isa't isang kapangyarihan baka maaari tayong makagawa ng elemental sphere kahit na wala si Aeros" Firro,

"Mapanganib ngunit wala tayong ibang daan" buong lakas na nagtayuan ang lahat at magkahawak ang mga kamay pinakiramdaman nila ang kapangyarihan ng bawat isa. Maya maya pa nakaramdam ng malakas na pwersa ang apat na tila ba gustong kumawala, hinayaan nila ito na naging sanhi ng malakas na pagsabog.

Tumilapon sa iba't ibang direksiyon ang apat na nagtamo ng sandamakmak na sugat sakanilang katawan, ininda nila ito at dali daling tumayo't tumakbo. Sa hindi inaasahan may mga dumating na Tarchannens kaya nanghihina man lumaban sila gamit ang kanilang mga sandata, kalaunan nagawa nila itong patumbahin. Agad na gumawa ng portal si Lioht gamit ang kanyang kapangyarihan kahit nanghihina, pumasok ang apat at nakarating sila sa Akademya na halos hindi mamukhaan dahil sa mga sira-sira nito at nagkalat na mga patay, mistulang binaha ng dugo ang kabuuan ng Akademya.

"Serien, Amanda tumulong kayo dito at kami ni Lioht hahanapin si Alesea, Aeros at Phlegein" tumango ang dalawa at tumakbo upang tumulong sa mga nakikipaglaban,

"Dito!" Sabay na pumasok si  Firro at Lioht sa Dein Forest at lumiko pakanan, takbo ito ng takbo at bawat paglapit nila ang siya namang paglakas ng isang hindi pamilyar na awra. Nakaramdam naman ng pinaghalong kasiyahan at pangamba si Lioht ng maramdaman niya ang kanyang anak na si Alesea, hindi niya alam ang gagawin kapag nag harap na sila ng kaniyang nagiisang anak at mas lalong hindi niya alam ang gagawin kapag may nangyaring masama rito.

"Dapa!" Gulat man pero agad din na nakadapa si Lioht na mamuntikan ng matamaan ng isang elemental sphere, nagkatitigan ang dalawa at naisip na kay Darek nanggaling iyon kaya mas binilisan pa nila ang kanilang takbo.

Matapos ang ilang minutong pagtakbo napatigil ang dalawa ng mapansin na iisa lang ang daan na kanina pa nila tinatahak,

"F-Firro n-nandito siya" Takot man pinakatatagan ni Lioht ang sarili niya at pinakiramdaman ang kanyang paligid, ramdam niya ang isang napakabilis na paggalaw

"Ako na ang bahala dito, hanapin mo si Alesea. Kapag sinabi kung takbo, takbo" Magsasalita pa sana ito ng bumungad sakanilang harapan ang nakangising si Darek,

"Lioht, Firro" lumapit ito sa dalawa ng ilang hakbang,

"Napakasama mo Darek!" Sigaw ni Lioht sa lalaki na siyang ikinawala ng ngisi nito,

"Nagmahal lang naman ako Lioht, anong masama doon?"

"Anong masama doon?! Nagmahal?! Sa ginawa mo sa tingin mo pagmamahal iyon?!" Hindi na napagilan ng Diyosa ang kaniyang mga luha samantalang si Firro naman ay pinipigilan ito sa mga maaari niyang gawing hakbang. Ngumisi ang lalaki at sa isang segundo lang nawala siya sa tabi ni Firro,

"Lioht" Hinalikan nito ang Diyosa at buong lakas namang nagpakawala ng kapangyarihan si Lioht upang mapalayo sakaniya ang lalaki, ng makahanap ng pagkakataon ang Diyos ng Apoy agad itong tumakbo sa kinatatayuan ni Darek

"Takbo!" Agad na umatake si Firro sa lalaki at agad naman tumakbo si Lioht.





The light in the darkness
The prey of a madness
He's not the felon
Look, he look like a lion

Darkness surround, so cold run
Miscreant is looking for pawn
Who's here? The liberator
Oh beware he's near

DAREK

Seguir leyendo

También te gustarán

21.3M 788K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...
17.4K 608 56
Xanthe Delos Reyes was known for being a 'Maria Clara' on her school.She have the brain,beauty and attittude.Lumaki si Xanthe sa isang maranyang pami...
3M 154K 81
Flare Fyche Henessy is her name. Living an adventurous life across the four continents of Elysian Empire. She's a daredevil, blunt, and feisty woman...
11.1M 500K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...