Heartbeat

By apowwo

4.8K 146 47

Vicerylle AU More

Heads Up
Meet the Doctors
Doctors on Duty
The Doctor Is In
Sweet Talk
Lifeline
Case Closed
First Responder
Everyday Life
Everglow
A Message
Open Your Eyes
Eyes Wide Open
Calm and Storm
Fear
Closer
Love Lies
Terrified
Terrified 2 Furious
Detours and Deep Talks

Koala

152 7 0
By apowwo

I immediately fold my laptop as I heard the door open. Amoy pa lang ng pabango ay kilala ko na kung sino ang taong pumasok sa opisina ko.

"Hi!"

I took off my glasses and smiled at her.

"I haven't seen you in a while, kaya pinuntahan na kita. How are you?" she asked as she throws herself on the couch at parang batang niyakap ang throw pillow.

I can't help but smile, she have always been like this. Kind, caring— and I love that about her.

"I'm fine. I didn't skip my meals"

She just laughed. Halatang di naniniwala sa sinabi ko. This girl knows me so well.

"You know what Vice di na ko magugulat kung bukas makalawa ikaw na ang ginagamot imbes ikaw ang gumagamot. "

"At di na rin ako magugulat bukas makalawa malaman kong Nanay kita. Kung makapag-alala dinaig mo pa totoong nanay ko e" natatawa kong sinalo ang unan na binato sa akin.

"I'm just being concerned to you. You know me, I won't even bother to call Nanay para sabihin yang pinaggagawa mo" kunsumidong niyang turan.

"Abad, kung gusto mo mamanhikan di mo na kailangan tawagan pa sina nanay. Just tell me when, and I will arranged their flight. Phone calls have never been formal, you know"

She rolled her eyes, ayan na naman ang mukha niya tuwing naiinis. "Maglalunch ako with Navarro and Crawford later, sumabay ka na samin"

"Sure. Libre mo naman" Muli kong binuksan ang laptop ko. I continue checking someone's profile, scrolling up and down.

"Pasalamat ka love kita" I unconsciously smiled. "Crush mo talaga ko no?" I just heard her snorted bago ang pagbukas ng pintuan, hudyat na palabas na siya.

"Ako na manlilibre, baka naman papasundo ka pa dito mama—

"Doc!" Agad akong napatingin sa boses na nanggaling sa labas. Pati si Kaye ay saglit na natigilan dala ng gulat. Mula sa nakabukas na pinto, kaharap ni Kaye ang isang lalaking nurse na hinihingal at pawis na pawis.

"What happened?!" She promptly asked. Agad din naman akong napatayo at lumapit sa kanila.

"Choppered over patient, Doc" nahihingal na turan ng nurse. Agad naman akong lumabas, Kaye followed over at nagvolunteer na tumulong.  As soon as I saw the seizing patient I immediately wheeled him inside.

■■■■■

"What if his migraine caused the accident?" said Karylle while examining Arthur's new test results.

"There's a possibility. Nabanggit niya nga this past few days na he's having migraines"

"A severe migraine while driving can cause a car crash." Karylle concluded. Saglit na natahimik ang dalaga. They both weighing the possible causes ng sakit ng kanilang pasyente.

"Calix is diagnosed with A.D.H.D, right?" Christian asked this time. Agad namang napatingin sa kanya si Karylle nang marinig ang pangalan ng bata. "Yes? Pero ano namang kinalaman ng bata dito" saglit na napaisip si Karylle until she realized something.

"Stimulants" she whispered. "What if he's taking his son's medication to increase his alertness and energy level. Isipin mo he's working in corporate, hindi fix yung working hours nila" Christian explained. Onti onti namang naiintindihan ni Karylle ang tinutukoy ng kaibigan.

"Maybe we need to ask him more questions" Christian agreed kaya sabay na nilang tinahak ang daan papunta sa silid ng pasyente. Sa kalagitnaan ng paglalakad ay nakarinig sila ng komosyon mula sa hall na kinaroroonan nila kaya saglit silang napatigil.

"Out of the way, Tatlonghari!" Agad na napalingon sa likod si Karylle, she was surprised when she saw Vice with another Doctor and several nurses wheel a seizing patient. Huli na ang naging kilos ni Karylle at naapakan na siya ng babaeng Doctor na kasunod lang ni Vice. Hindi naman nito nilingon si Karylle at patuloy lang na naglakad.

Agad naman siyang kinamusta ni Christian, she assured him na okay lang naman siya, sadyang nainis lang ito ng konti sa babaeng nakaapak sa kanya at di manlang nag-abalang mag sorry.

"Damn it! Wala na bang bakanteng kwarto?!" His furious voice echoed around the hall kaya napalingon na rin ang maging nasa dulo.

Di naman maiwasan ng dalawa na usisain ang mga nangyayari kaya lumapit silang dalawa. Isang medyo may edad na lalaking Doctor ang lumabas mula sa isang silid di-kalayuan sa kinatatayuan nina Vice. Kumpara sa dalawang Doctor, kalmado lang ito at masuring tinitignan ang pasyente.

"What do we have here, Vice?" The old man asked.

"Choppered over patient. Sustained seizures. His vitals is unstable— find a room!" Sigaw muli ni Vice sa nurse kahit naghahanap naman na talaga ito.

"This O.R. is available. Ako na bahala" kalmadong turan ng lalaki. Agad namang sumunod si Vice at pumasok na sa loob. Papasok na rin sana ang kasama nitong babaeng doctor ng makita niya ang mga nurses na naka abang sa pinto.

"Dr. Vidanes—" di na natuloy ng isang nurse ang sasabihin ng magsalita ang babaeng Doctor. "Sorry but this isn't the right time for your resumes" saad ni Kaye bago tuluyang pumasok ng silid. Dismayado namang umalis ang ilang nurse na nagbabaka sakali para sa observation unit resume nila.

"Wait— that's Dr. Vidanes?" Takang bulong ni Karylle after marealize ang pangalan ng misteryosong Doctor. "He's back?!"

"So— siya yung mentor ni Dr. Viceral?!" Saad ni Christian na saglit na napatulala pero napangiti ng marealize kung sino ang nakita. "He's back?" Pag ulit ni Christian.

"Christian I know! and he runs the most elite surgical unit in the country!" Todo ang galak ng dalaga ngunit she managed not to freak out.

"I need to see this. I need to see this!" Paulit ulit na turan ni Christian at akmang tutungo papasok para pumunta ng observation deck pero agad din siyang pinigilan ni Karylle.

"Hoy— anong ginagawa mo?!"

"Karylle it's the mentor with his top student. I can't miss out this chance" she agreed mentally.

"I know, but–" she lift up Arthur's lab results, reminding with their pending case. Bagsak ang mukhang nilingon ng binata ang pinto ng O.R.

"Right." He sighed. Kahit si Karylle ay nalungkot rin pero mas importante ang pasyente nila kaysa manuod sa operation ng dalawang sikat na Doctor.

"Halika na nga! Pagalingin na natin yang si Arthur baka sakaling maabutan ko pa sina Dr. Vidanes sa operations" pasakal namang umakbay si Christian sa dalaga, natawa na lang din ang huli dahil maski siya ay gusto masaksihan ang patient operation ng dalawa.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Masayang binati ng dalaga si Calix pagkapasok ng silid.  Naabutan nila itong nilalaro ang action figures nito. After a few conversations ay ipinaalam ng dalawa ang possible causes ng migraines na iniinda niya.

"I had to take it just to keep me focus. Halos wala na akong pahinga kakatrabaho, may budget cuts pa yung kompanya namin kaya nagkakatanggalan ng empleyado. That's why I need to keep my performance up just to keep my job." Pag-amin ni Arthur sa paginom niya ng gamot ng anak.

"But few days back you stopped?" Karylle asked. Tumango naman ang pasyente.

"Which triggered the withdrawal migraines" Christian said this time.

"Your medicine withdrawal cause your dopamine level imbalance. Dopamine is a brain neurotransmitter, it is a chemical responsible with alertness, focus and such. Since bigla mong tinigil ang pag inom, it makes your brain out of balance" Karylle explained. "But we can restore order and you can get back to your work in no time" masayang balita ng dalaga.

"Rest and medication will surely works"

"Thank you, Karylle. Christian, salamat"

Ngiti ang naging tugon ng dalawang Doctor at sabay na nagkatinginan. They smiled to each other as they finally solved Arthur's condition. Karylle then gazed at Calix who is still busy playing with his toys.

"Hey there kiddo!"

"Ate!" Masayang niyakap ng bata ang dalaga. "How's my dopamine level ate? Imbalance rin po ba?" Curious na tanong ng bata as he pulled away.

Nabigla naman si Karylle realizing na all this time na naguusap sila ay naiintindihan din ito ng bata. "eavesdropping is a bad thing"

"Pero diba po eavesdropping is another way of acquiring information. See I learned about Dopamine. Besides, animals do eavesdrop too." Inosenteng turan ng bata. Di naman na nakasagot si Karylle dahil di niya inaasahan ang sinabi ng kausap.

"Your dopamine level is perfectly balance" yon na lang ang naging sagot ni Karylle. Pasimple namang natawa si Christian sa sagot niya, habang napatango na lang si Calix bilang sagot.



■■■■■


Dismayadong dumungaw sa bakanteng O.R. si Karylle. Hindi na nila naabutan ni Christianang operation nina Vice at Dr. Vidanes sa lalaking isinugod kanina.

"Sa sobrang galing nila halos magiisang oras lang itinagal ng operation" bulong ni Christian sa likod niya.

"At anong meron? Nasa dispensing game ba kayo at dungaw na dungaw kayo dyan?" Sabay na napalingon ang dalawa sa direksyon ng nagsalita.

"Kung di naman abala sainyo noh? Bakit hindi niyo itry bumaba sa E.R. and icheck niyo kung may pasyenteng kailangang asikasuhin " sarkastikong turan ni Dr. Paulate sabay bukas ng pamaypay niya. Napatango nalang ang dalawa bilang tugon.

"Oh ano pa hinihintay niyo? Red carpet? Moverse rápido! Go!"

"Sí, Doc" Christian answered. Masungit naman siyang tinignan ni Dr. Paulate dahil sa pagsagot din niya ng español, pagkatapos ay agad na silang umalis para makaiwas na sa sermon ng masungit na Doctor.

On their way to the E.R. ay nagpaalam ang binata na magbabanyo muna kaya pinauna na lang si Karylle, ngunit bago dumiretso sa E.R. ay naisipan muna ng dalaga na magtungo sa cafeteria para magkape.

■■■■■

Vice

Tahimik kong pinagmamasdan ang mangilan-ngilang hospital staffs na nagdaraan sa cafeteria hanggang sa mahagip ko ang isang pamilyar na babaeng pumasok. Di ko maiwasang tignan ang kabuaang itsura niya. Sa ilang beses na nakikita ko siya ay ngayon ko lang napagtuunan ng pansin ang pisikal na itsura nito. Maliban na lang talaga siguro sa mukha niya na halos makabisado ko na.

Agad akong napayuko at napahalo na lang sa kapeng nasa harap ko nang makita kong papalingon siya sa direksyon ko. Hindi ko alam kung dala lang ng kape pero tila kinabahan ata ako.

"D‐doc?" Natigilan ako sa paghalo ng marinig ang pamilyar na boses na iyon. Walang duda siya nga. Amoy pa lang niya alam ko na.

"Rookie" I acknowledged without looking. "May libro ka na naman bang ipapapirma" tanong ko na hindi manlang siya tinatapunan ng tingin. Pakiramdam ko biglang di ko na siya kayang tignan. Pero bakit?

She chuckled nervously. That's the moment I finally gazed up at her. Alam rin pala niyang tumawa.

Umiling siya bilang sagot "gusto ko lang na ano— magpasalamat?" Halos patanong niyang saad. Nakakatuwa yung hitsura niya. Ang cute lang tignan. Bahagya siyang nakangiwi tila iniisip kung tama ba ang binitawang salita.

"Kung alanganin pa yang isip mo sa pagpapasalamat, wag na lang." I keep a straight face as I continue stirring my coffee.

"Pero, Doc bago ang lahat– hindi niyo po ba talaga ko papaupuin?"

I looked up to her dumbfounded. Sa pagkakaalala ko wala pang hospital staff ang naglakas loob na kausapin ako tulad sa paraan niya. She is reallly different.

"I'm not a mind reader. Whether you want to take a sit or not, I have no idea. Besides I don't own that chair, you can sit whenever you want"

"Nevermind, di nalang po ako uupo" sagot niya. Now she's weird.

"How was your operation earlier? I mean— if you don't mind me asking, nakita ko kasi yung patient niyo—"

"He's now stable. Bat ka ba curious? Kapamilya ka ba?"
Nakita ko ang pag gusot ng mukha niya. Kung di ko lang kaya magpigil ng tawa sigurado kanina pa ko humahalakhak dahil sa mga reaksyon niya. Papasa na nga siyang emoji.

"Nagtatanong lang po" halata na nagpipigil lang siya ng inis. I don't know but it's kinda fulfilling kapag nagagawa ko siyang inisin. Kahit papano nawawala konti ang pagod ko dala ng trabaho. And she's somehow funny— but, in an indirect way.

Just then, I heard the whail of approaching alarms. I saw her mumble something under her breath before turning to me.

Just by looking at her, alam ko na ang susunod na sasabihin niya. "I'll come with you" it's too late for me to realize kung ano ang sinabi ko. I just came from an operation minutes ago at plano ko na lang sana magpahinga but I suddenly felt the need to go with her.

Tumango siya at nagsimula na maglakad. I followed her leaving my coffee undrunk.

"Ako na nga nag kusang sumama, iniwan pa ko" napabulong na lang ako dahil tuluyan na nga niya akong iniwan at nauna na.


■■■■■

Agad dumiretso si Karylle sa ambulance dock just in time sa pagdating ng dalawang magkasunod na ambulansya. Naabutan niyang andoon din si Bella, saglit silang nagkatinginan ngunit naputol din ito ng pumarada na ambulansya sa tapat nila. The doors fly open at bumungad sa kanila ang isang moreno at matipunong lalaking paramedic, he immediately called for assistance at agad naman siyang tinulungan ng mga nurse. Inilabas nila ang isang walang malay na buntis wearing an oxygen mask. Base sa kasuotan, isa itong Chief.

"Maddie Avilon, restaurant fire. She's pregnant kaya hindi siya nakalabas agad. Luckily I heard her screams so I broke in and carried her out." Saad ng lalaking paramedic.

"Gano katagal na siyang walang malay?" Bella asked.

"Nahimatay lang siya nong nasa loob na siya ng ambulansya"

"Her vitals?" Karylle asked this time

"Elevated B.P. , we already checked, the baby and her both have strong heartbeats"

"Pretty serious smoke inhalation" Karylle said, tumango naman ang lalaking paramedic habang wala namang emosyon si Bella.

"We'll get here admitted Doc.— sino po sainyo magtatake over sa pasyente?" Tanong ng naiwang nurse dahil pumasok na ang iba kasama si Maddie. "I'll wait for something interesting, it's yours Tatlonghari" tugon ni Bella bago pumunta sa isa pang ambulansya.

Nagets naman agad ito ng nurse kaya tumango na lang siya at umalis.

"Bago ka dito? Parang ngayon lang kasi kita nakita" napalingon si Karylle sa paramedic na nagsalita.

"Yes, first week ko pa lang." She smiled. He offers his hand at magiliw naman itong tinanggap ng dalaga. "Jericho Rosales, Doc" napangiti naman ang huli sa pag address sakanya ng binata. "Karylle Tatlonghari" Ngumiti ang binata at iniabot ang bag ni Maddie na dinala rin ng rescue team.

"Thank You for saving her"

"Just doing my job." He said at nagpaalam narin kalaunan matapos tumunog ang handheld radio ng binata, samantalang agad nang pinuntahan ni Karylle ang kanyang pasyente.

Mula sa labas ay rinig na ni Karylle ang boses ni Vice senyales na nasa loob ito. Tsaka niya lang naalala na kasama nga pala niya ito kanina, bigla naman siyang kinabahan dahil baka pagalitan na naman siya nito sa pagiging M.I.A.

"Kung san ilang buwan na lang manganganak na ko tsaka mo lang sinasabi yan— oh hi!" Parehong napalingon sakanya ang dalawa pagkapasok niya.

Karylle is relieved to find Maddie conscious, her oxygen masked is now replaced with a nose tube. Sinuklian niya ng ngiti ang pasyente at binati din si Vice. Itinabi niya muna ang dalang bag at lumapit sa dalawa.

"You're in charge with this woman?" Vice asked, Maddie rolled her eyes with how Vice address her.

"She's my patient" Karylle said.

"I'm taking over" tipid na turan ni Vice, before turning his attention back to Maddie.

"Oh no please, don't let this guy be my Doctor" saad naman ni Maddie kay Karylle. Naguguluhan naman ang huli sa dalawa. Mukha na kasing magkakilala ang dalawa sa way ng pag-uusap nila.

"Don't worry, di kita ibibigay sa kanya" bulong ni Karylle pero narinig din naman ito ni Vice. Natuwa naman si Maddie at nag make face pa kay Vice.

"You-you seem to know each other well" Nahihiyang saad ni Karylle matapos siyang ipakilala kay Maddie.

"She's my first patient when I was an intern"

"And a not-so-good friend of mine" Maddie added. "Kinaibigan lang naman ako niyan, para makalibre sa resto ko" di naman maiwasan ni Karylle na matawa. Halata na malapit nga talaga ang dalawa sa isa't-isa kaya di na naiwasan ni Karylle na magtanong.

"Ganyan ba talaga yan? Laging bugnutin?" Bulong ni Karylle habang nakatalikod si Vice at inaasikaso ang mga gamot na iinumin ni Maddie. Ngumiti naman ang huli na nakakaloko at umiling. "Hindi naman masungit yan, pag ganon ibig sabihin nagpapapansin yan"

"Dr. Tatlonghari, the examination if you don't mind" Vice said habang nakatalikod. Agad na napatayo ng tuwid si Karylle sa pagkabigla at hiya dahil malamang nadinig siya ng binata.

Karylle take out her stethoscope and pressed it to Maddie's chest. She instructed her to let a deep breath.

"As expected her breath is short. We should get her chest X-ray" Karylle turned to Vice. Di naman eto sumagot at sa halip ay kunot noong tinignan ang chart ng kanilang pasyente na ipinagtaka naman ng dalaga. Nabaling naman ang atensyon ni Karylle nang makisuyo si Maddie na iabot ang bag niya.

"Where it is—oh my God, nawawalan ako ng gamit. Naiwan koata sa office ko kanina" kunot na noong turan ni Maddie habang hinahalukay ang bag.

"What's the problem?" Vice asked.

"Yung stuffed koala na binili ko during my lunch break" iniangat niya ang tingin kay Vice, unti unti nang namumuo ang luha sa mga mata nito. "I need that thing Vice." She pleaded while rubbing her swollen belly. "I want to give it to him" saad pa niya at tinignan ang kaniyang sinapupunan.

Di naman agad naka react si Karylle, medyo nabigla din ito sa pagiging emosyonal ni Maddie. Pero dahil babae rin siya, naiintindihan naman niya ang pinanggagalingan ng kanyang pasyente, idagdag pa na buntis ito which makes her prone to emotional changes.

"I'm sorry– it's just that sayang kasi yung laruan and medyo mahal din kasi" pilit itong tumawa at pinunasan ang mga pumatak na luha, she put everything back to her bag and turn to Vice "forget about that stuffe—

"We will find it"

Agad na umaliwalas ang mukha ni Maddie at isang sinserong ngiti ang gumuhit sa kanyang labi. "Really? But, how—

"Kami ng bahala ni Dr. Tatlonghari. Basta hindi ka aalis sa kwartong 'to unless sinabi ko, and I'll be needing a urine sample so, Dr. Tatlonghari?" He turned to Karylle telling her na tulungan si Maddie, nagtataka man ay inilalayan na lang rin niya ito para tumayo at samahang kuhanan ng urine sample. After a few minutes ay nakabalik na ang dalawa at muling inalalayan ang buntis pabalik sa kama.

"Alam kong matigas ulo mo pero Maddie please, just for now wag kang lalabas ng kwartong to" Turan ni Vice, napatawa naman si Maddie at tumango "fine, but please get back with my stuffed koala" Vice nod bago tuluyang umalis ng kwarto, nagpaalam naman din si Karylle kay Maddie bago sundan si Vice.

"What's with these urine samples, Doc?" Tanong agad ni Karylle dahil kanina pa siya nagtataka kung bat nagpakuha ang doctor nito.

"Her elevated B.P. should be low after smoke inhalation pero sa kanya hindi nagbago" Hindi maiwasan ni Karylle na magalala rin sa naging reaksyon ng katawan ng kaniyang pasyente.

"So now, get that urine samples to the lab. I'll give you ten minutes, after that pumunta ka na lang sa parking I'll wait you there." Turan ni Vice.

"Yes, Doc" and with that magkahiwalay nilang tinungo ang salungat na hall.

.
.
.
.
.
.
.
.

A black luxury volvo mid-SUV stopped infront of Karylle as soon as she arrived at staff lot. The car window rolled down and she saw Vice peeking at her.

"Hop in, Tatlonghari" agad namang binuksan ni Karylle ang pinto sa back seat pero pinigilan siya ng binata. "Dito sa harap, tatlonghari" saad muli ni Vice.


A delicate smell of his car welcomed her. Bahagya pa itong huminga ng malalim para mas maamoy ang bangong dala ng sasakyan ni Vice. She can't help but notice the classy interior of his car. The combination of matte and glossy black with touch of silver put up its sophisticated design.

Vice turns on the stereo as he pulls out of the parking lot and Franz Liszt's love dream automatically played.

(Play Mutimedia)

She didn't even imagine this guy listening to classical music. Wala kasi sa hitsura nitong mahilig siyang makinig ng ganong klaseng musika.

"Classical music" she whispered somehow amused by his music taste.

"You doesn't like classical music?" Casual na tanong ni Vice. Agad namang umiling si Karylle at ngumiti. "Nagulat lang ako na nakikinig ka pala ng classical music"

Hindi na sumagot si Vice. Tanging ang musika na nagmumula sa stereo ang nagsisilbing ingay. After a few seconds ay nagsalita muli si Karylle. She wants to keep talking to him, minsan lang kasi niya ito makausap ng normal nang hindi tungkol sa trabaho nila.

"Close talaga siya sa'yo no?"

"Who? Maddie?"

Tumango si Karylle. "She's a friend"

"I see" she said, gazing outside the window.

"She's one of the kindest and strongest woman I've known." Pagkwento ni Vice. "After Alex left her, she do everything just to build her own restaurant at the same time take care of herself and the baby. She didn't ask for any help. Kahit sa pamilya niya. That's how independent she is. As long as kaya niya magtiis, magtitiis siya."

"Her partner left her?" Di makapaniwalang turan ni Karylle.

"He's a jerk, di na nakakapag taka"

"Kawawa naman siya" parang batang turan ni Karylle. Napalingon naman sa kanya si Vice looking at her na parang hindi sang-ayon sa sinabi niya.

"Honestly speaking, yung gungong niyang asawa ang kawawa at hindi si Maddie." Di naman na nakasagot pa si Karylle dahil may punto nga ang kausap. Halata ni Karylle ang inis sa mukha ni Vice, marahil siguro sa napag usapan muli ang dating asawa ng kaibigan.

"You're such a good friend, Doc" sinserong turan ni Karylle. She can see how he cares for Maddie. Saglit siyang nilingon ng binata. "Imagine willing kang hanapin yung stuffed koala na yon" nangingiting kwento ni Karylle tila nakalimutang boss ang kausap.

"Kung isang stuffed toy ang makakatulong sa pasyente ko para gumaling, then I wouldn't mind finding her that stuffed toy." Mangha siyang tinignan ng dalaga at ngumiti. Isang rason na naman ang nadagdagan para mas hangaan ang idolong doctor.

"Diba sinabi ko na sayong huwag mo na kong tawaging ganyan pag wala naman tayo sa trabaho." Biglang putol ni Vice sa moment. Napakamot nalang si Karylle sa ulo.

"Right" she awkwardly laugh "sorry, Vice". Ilang saglit ay tumango si Vice bilang tugon. Matapos non ay muli silang nabalot ng katahimikan at tanging ang nakaka antok na tugtog lang ang naging ingay nila. While waiting for the go sign of the traffic sign, he turned to Karylle only to find her gazing outside the window.

"Refuse to address me 'doc' outside the hospital. Don't make me say the same thing twice. Lastly, don't hesitate to ask me but please not with some nonsense stuffs"

Naguguluhan naman siyang nilingon ni Karylle, but the light turns green kaya nakatuon na muli si Vice sa daan. "Ano Doc?— I mean Vice? Ano yon? Di ko nadinig"

"You know what, I'm seriously starting to think na may hearing problem ka talaga"

Napasimangot naman si Karylle sa narinig "Eh bigla bigla ka naman kasing nagsasalita dyan. Ano ba kasi yon? Di ko naintindihan" Pangungulit pa ni Karylle at humarap pa sa direksyon ni Vice, but suddenly, she stiffed as she saw him smirked. Di niya maintangging nakadama siya ng kakaibang pakiramdam dahil doon. Hindi ka lang sanay makita siyang ngumiti -kontra ng isip niya.

"That's my rules, Ana. If you couldn't follow three simple rules, better think again kung tama bang nagdoctor ka" yon na ang huling salita ni Vice bago pumarada sa isang tabi di kalayuan sa pwesto ng mga bumberong patuloy na pinapatay ang maliit na apoy. Nabalik na lang sa ulirat si Karylle ng mamatay na ang tugtog kasabay ng makina ng sasakyan. She called me Ana? No one ever call me by my first name before.

"Dito ka na lang, ako na lang ang maghahanap" saad ni Vice habang inaalis ang seatbelt. Akmang lalabas na siya ng sasakyan ng magsalita ang kasama.

"Teka, iiwan mo ko dito? No, sasama ako Vice."

"Bantayan mo na lang tong kotse—

"Mas madali nating yon makikita kung dalawa tayong maghahanap" kontra naman ni Karylle. Ilang segundo din siyang tinitigan ni Vice bago dismayadong umirap. "Ang tigas din talaga ng ulo mo" saad ni Vice bago bahagyang yumuko para abutin ang accessory pocket ng pintuan ng driver seat.  He hand her a face mask and instructed her to use it kung gusto talaga niyang sumama.

"Asan yung iyo? Bat wala kang mask?" She asked habang sinusuot ang surgical mask.

"Ang dami mong tanong, doctor ka ba o imbestigador?" Di naman sinasadyang matawa ni Karylle dahil na rin sa paraan ng pagkakasabi nito. Para siyang bakla HAHAHAHAHAH

Di na lang siya pinansin ni Vice at lumabas na lang ito.  "Bilisan mo idadaan pa kitang mental after nito" habol pa niya bago isara ang pinto. Natatawa namang bumaba si Karylle at lumapit sa binata.

"I'll try to search there, diyan ka nalang para medyo malapit" turo ni Vice sa may gilid ng restaurant kung san posibleng naka parada ang ambulansya kanina na lulan si Maddie. Tumango nalang din ang natatawa paring si Karylle bago tuluyang umpisahan ang paghahanap.

"I'm one of the owners of this restaurant. Kailangan ko lang icheck kung andyan ba yung hinahanap ko" dinig ni Karylle si Vice na kinakausap ang head ng mga bumberong rumesponde. Since nilalagyan na lang naman ng dry chemical ang buong gusali at wala na rin namang apoy ay pinayagan siya nito sa pangakong may kasama itong bumbero sa pagpasok.

May-ari rin ba siya o sadyang nagsinungaling lang siya?- isip niya bago muling magpatuloy sa paghahanap. Ilang segundo pa ang lumipas nang makatanaw si Karylle ng manika halos sa likuran lang ng sasakyan ni Vice. Agad itong sinilip ni Karylle at todo ngitin siya ng malamang ito nga ang stuffed koala na hinahanap nila, medyo nakapailalim at malayo ang laruan kaya pumahiga siya para tuluyang maabot ang laruan. She groaned as she reached for it. "Kanina pa kami hanap ng hanap andito ka lang pala" pag kausap pa niya sa laruan bago tumayo, natanaw naman niya ang kasama at agad na lumapit para salubungin ang papalapit na si Vice.

Dismayado ang mukha ng huli at may mga nagkalat na itim sa polong suot dahil sa abo ng mga nasunog na gamit.

"I didn't see any—

"I found it!" Halos sabay nilang sabi. Masayang itinaas ng dalaga ang laruan. Tuluyang napangiti si Vice at inabot ang manika. "Matutuwa si Maddie nito" saad niya habang nakatingin sa laruan. "Thank You Ana" sinsero nitong turan na medyo seryoso na ulit ang mukha. Tumango na lang si Karylle dahil di niya alam ang sasabihin, bukod kasi sa tinawag muli siya nitong Ana, ay nakita niya sa unang beses ang tunay na ngiti ng binata.






















■■■■■

HAPPY MOTMOT VICERYLLE!!!!!!!🎉🎉💛💛💛
Pinilit ko talaga ihabol kahapon kaso di talaga kinaya. Sana nagustuhan niyo :)

Salamat sa pagbabasa!
Layag pusong dilaw💛 (next chapter is the continuation) labyu ol! :))))

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...