Heartbeat

By apowwo

4.8K 146 47

Vicerylle AU More

Heads Up
Meet the Doctors
Doctors on Duty
The Doctor Is In
Sweet Talk
Lifeline
Case Closed
Everyday Life
Koala
Everglow
A Message
Open Your Eyes
Eyes Wide Open
Calm and Storm
Fear
Closer
Love Lies
Terrified
Terrified 2 Furious
Detours and Deep Talks

First Responder

147 6 2
By apowwo


"You survived!" Bungad ni Iza nang matanaw ang paparating na si Karylle. Malayo pa lang ay kita na ni Karylle si Iza na naghihintay sa tapat ng atrium. Iza styles her denim with a basic white tank top, a white blazer, and pointed mules.



"I dont remember feeling underdressed until now" Karylle said as she scan Iza's look. Pabiro pa niyang tinignan ng malungkot ang porma niya. She wears a striped bodycon mini skirt, white cropped-button down top paired with her nude adidas courtset. Her hair is neatly braided.


"Then you better update your style, darling" Iza said with a cheeky smile.


"Uy, maganda naman ah" kontra pa niya habang umiikot para ipakita ang kabuuan ng porma niya.



"My God Louis may ibabagal ka pa ba? Baka di na natin maabuta-


"Ayan si Karylle oh!"


"Anne!!!!!" Napalingon si Karylle sa direksyong kinawayan ni Iza. She saw Anne in a denim shorts, black low cut blouse paired with beige ankle strap black heels. Along with her is Louis looking casual with gray sweater paired with a ripped jeans and white kicks.



"You know Anne?" Tanong ni Karylle kay Iza habang nakikipag beso siya kay Anne.


"Classmates kami girl!" Anne answered "I was rushing pa kanina para yayain ka kaso di kita makita, sabay ikaw lang pala yung kinekwento nito na isasama niya."


"Well atleast now I have a lot of odd friends na" biro ng dalaga. Bumati din naman si Louis sa kanya at nagkamustahan pa muna sila habang hinhintay si Christian na niyaya rin ni Iza dahil ka buddy niya pala ito ngayong first day of duty nila. As soon as Christian arrives ay sabay sabay na silang tumungo sa nasabing bar. The girls ride with Louis habang naka hiwalay naman si Christian since he has his own car.


Hanggang sa makarating sila sa bar ay patuloy pa rin sa pang aasar ang dalawang binata sa suot ni Karylle. Todo tanggol naman sa sarili ang huli.




"Dat di mo na lang hinubad yung scrub suit mo. Mas mukha kang pamilya ng pasyente kesa Doctor e" agad namang hinampas ni Karylle ang kanina pang nambubwisit na si Louis.


"Yung kapatid ng pasyente na inutusan magdala ng gamit e 'no?" Dagdag pa ni Christian sabay nakipag-apir pa kay Louis.



"Ah talaga ba, Bautista? Punitin ko kaya yung pirma ni Dr. Viceral sa libro mo"

"Toh naman di mabiro oh" tulad kanina ay pasakal na naman siyang inakbayan nito kaya naiirita itong pumiglas.


"Hoy grabe kayo kay K. She looks great kaya!" Biglang pagtanggol ni Anne. Karylle glanced at her as if telling 'isa ka din e' kaya napatawa na lang ito sa reaksyon niya.


"But no joke K, you look sexy"



"True! Nananampal ang kurbada!" Dagdag pa ni Iza.


"Parang 'di naman yan yung naririnig ko kanina" biro ng dalaga.


"Sira! Nagjojoke lang ako" Iza laughed "it's just that your innocently sexy tonight" nakangiti nitong puri.


"Tigilan niyo 'ko di ako manlilibre" sambit ni Karylle kaya napatawa nalang silang lahat. Sama sama na silang naupo sa available na club couch and ordered up their drinks and snacks.


Louis take his shot glass and raise it in the air. "To the end of our first 14 hours shift!" They clink their glasses together and throw back the shot.


"Hey again, again!!!! Ako naman!" Anne raised her glass "to new friendships!"


"Ang baduy Anne" kontra ni Louis kaya hinampas siya ni Anne. "To new friendship excluding Louis!" Agad namang nakipag toss ang tatlo kay Anne kaya inirapan silang lahat ng binata. Halos dalawang oras na rin ang tinagal nila sa bar hanggang naiwan lang sa pwesto nila sina Iza, Christian at Karylle dahil saglit na umalis si Louis at sumama sa mga ka grupo netong surgical interns na nasa bar din, habang si Anne naman ay sumasayaw kasama ang iba mga babaeng interns. Sadyang palakaibigan talaga ang dalaga.



Masaya namang naiwang nagkekwentuhan ang tatlo na ngayon ay kasama na si Teddy at ang ka-buddy netong si Dr. Jugueta, nakita rin kasi ito ni Karylle sa bar kaya niyaya na niya ang dalawa para magka-kilala na silang lahat.



"Ako din! Actually nagtetheater ako before" pagkwento ni Christian.


"Ako naman sa band. Same as Juggy"




"Nice! Jam tayo soon pag may time. Nakakamiss na rin humawak ng mic eh. Ngayon kasi puro syringe na lang nahahawakan ko" Biro naman ni Christian kaya napatawa nalang din ang lahat.



"So bale ako lang pala talaga ang walang musical background dito? Teka nga matawag nga si Anne" Iza said habang tumayo pa na kunyari tatawagin si Anne. Hinila naman siya ng natatawang si Karylle. "Wag mo na tawagin parang awa" biro nito.




"Oy maganda naman boses ni Anne ah" Teddy said. Naging magkakasundo na rin kasi agad ang pito dahil halos isang oras din silang nagkakwentuhan kanina isama pang pare-pareho silang intern sa iisang hospital.


"Pero yung speaking voice lang" sabay sabay namang nagtawanan ang lima. Pareho kasi nilang naalala yung pagsabay kanina ni Anne sa kanta sa bar.


"Loko kayo, pagka kayo narinig non yare talaga kayo" naiiling na lang na turan ni Karylle. Nagpatuloy pa ang pagkekwentuhan nilang lima, habang si Karylle ay pasimpleng inoobserbahan ang bar. Tama nga ang sinabi ni Iza, karamihan sa mga taong nandoon ay taga Hopedale lang din.






"Ano K sama ka?" nabalik nalang siya nang kalabitin siya ni Iza. Tinignan niya yung tatlong lalaking kasama nila na ngayon ay parehong nakatutok sa mga phones nila at naglalaro ng mobile legends. "Puro double kill, mega kill na lang naririnig ko dito nakakaarindi" reklamo ni Iza at tuluyan ng tumayo. Natawa nalang din si Karylle at pinili na lang samahan ang kaibigan kung san man ito papunta.


Hinayaan lang ni Karylle na hatakin siya ni Iza papunta sa grupo nina Louis na naglalaro ng darts, nakangiting sinalubong ng binata si Karylle at inabutan ng tatlong pirasong darts. Game naman itong tinanggap ng dalaga.





"Ano pagalingan oh" hamon ng binata.



Karylle smirked "wag na baka umiyak ka pa eh" pareho nilang narinig na napa 'ohh' ang mga kasamang nilang surgical intern pati na rin si Iza. Sa mga kumpol ng tao sa bar, ang grupo nina Louis ang pinaka maiingay kaya di maiwasang napapalingon ang mga tao sa kanila.


Tinaasan naman ni Louis ng kilay ang dalaga "sige nga Dr. Tatlonghari, show me what you got" tila prinsipe pang nag give way si Louis sa dalaga. Magiliw namang pumwesto si Karylle, her first shot went straight on the triple ring. Di naman lumayo ang sumunod pa niyang tira kaya napa palakpak pa ang mga kasama nila. Huling dart na lang nang di sinasadyang mapadako ang tingin ni Karylle sa bar counter na nasa gilid lang ng playing area. Bahagya natigilan ang dalaga sa gulat niya ng makita ang isang pamilyar na imahe.


Pinagigitnaan ng dalawang lalaki ay si Vice na nakatingin sa direksyon ng dalaga. Hindi siya pwedeng magkamali. Nagtama ang tingin nilang dalawa. Sa sobrang pagkabigla ay agad nag iwas ng tingin ang dalaga.


"Go te! Bull's-eye mo na yan K!" Sigaw ni Iza. Napalunok na lang si Karylle sa pagkailang na naramdaman. Mula sa pwesto niya ay dama nito na nakatingin parin ang binata sa kanya. Dala ng pagkailang ay basta na lang niya naibato ang huling dart kaya naging malayo ito kumpara sa unang dalawang tira niya. Napabulong nalang ng sayang ang mga kasama nila dahil yung iba nagkapustahan nang mananalo si Karylle.




"You seems so distracted, Doc" asar ni Louis. Napangiti na lang si Karylle ng peke bago magpaalam na magbabanyo. Hindi kasi siya mapakali bigla. Inasar pa ito ng binata kesyo ayaw lang makitang matalo siya, pero pumayag din naman ang huli at hinayaan na lang si Karylle umalis. Iza offered na samahan ito pero tumanggi naman ang dalaga. Makailang segundo pagka alis ni Karylle ay nagpaalam ang ilan sa kasama ni Louis para kumuha ng maiinom.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Hi Doc" napa angat ng tingin ang kalalabas lang sa banyong si Karylle sa pigurang humarang sa kanya.
Saglit niyang kinilatis ang mukha ng lalaki. She realize na isa ito sa mga kasama sa grupo ni Louis. Taas baba siyang tinititigan ng lalaki sa paraang tila hinuhubaran na siya nito.



"H-hi?" Alanganin at takot na turan ni Karylle "makikiraan lang ha" akmang lulusot na siya sa gilid ng binata nang mabilis siya nitong sinalubong para muling harangin.

"Sorry Doc ha, pero medyo 'di kasi maganda pakiramdam ko e. Medyo masakit tong dibdib ko." Naka smirk na saad ng binata habang papungas pungas pa ang mata, senyales na may tama na ito ng alak. Amoy na amoy ni Karylle ang alak nito kaya bahagya siyang umatras nang bigla na lang hablutin ng lalaki ang kanang kamay niya para palapitin siya at pahaplos haplos pang inilagay sa dibdib nito ang kamay niya "pwede bang pakicheck Doc?"


Natuod na lang si Karylle dala ng pagka bigla, takot at kinakabahan na lang siyang napatitig sa lalaki na patuloy na hinahaplos haplos ang kamay niya, pa akyat sa braso at halos papunta ng balikat "Te-teka- " pilit niyang binabawi ang kamay pero lalong humigpit ang hawak ng binata, hihilain na sana niya ito ng mas malakas nang biglang may isang kamaong kusang nagpalayo sa bastos na binata.


"Fuck off!" madiing turan ng lalaki. Tila dumoble naman ang kaba ni Karylle ng matunugan ang boses na iyon. Di man niya makita ng maayos ang mukha ng matangkad na lalaki ay alam na alam niya ang pigura nito at tila klarong klaro pa rin kahit sa dilim.


"Tarantado rin pala to e' sino ka ba-" mabilis na nakatayo ang lalaki para muling sumugod ngunit naging mabilis naman ang pag ilag ng isa at agad na pinuntirya ang sikmura ng lalaki.


"Better know where to put your lewdness, you cocksucker" rinig ni Karylle bago sipain ng binata yung lalaking nakakuyutot na sa sahig. She gasped as she felt her cold hand holds her wrist. Napalakad na lang din ang dalaga dahil hawak hawak siya ng lalaki.
Hindi pa man tuluyang nakakalayo ay huminto ang binata at saglit na nanatiling nakatalikod sa kanya, tila malalim ang iniisip nito.



"Wait-Doc Teka! Tama na- Doc!" Laking gulat ni Karylle ng maglakad pabalik ang lalaking may hawak sa kanya palapit sa binatang namimilipit sa sahig. Di naman umobra ang paghila ni Karylle para pigilan ang binata dahil di hamak na mas malakas ito kumpara sa kanya.


"tang*** ka" madiing at gigil na bulong ng binata pero narinig parin iyon ni Karylle. Napakapit nalang siya lalo sa lalaki dahil nanatili parin itong nakahawak sa kanya at mariing pinikit ang mata nang makita niyang sisipain muli niya ito sa sikmura.



"Let's go" yon na lang ang huling nadinig ni Karylle mula sa binata bago ito lumakad hawak pa rin siya.


Sa kasalungat na daang pinanggalingan ni K ang tinahak ng dalawa. Di na siya nagreklamo at hinayaan nalang ang binatang dalhin siya dahil natatakot itong masigawan.


Natigil sila sa tapat ng pinto sa dulo ng hallway na may notice sign na authorized personnel only. Hinarap siya ng binata at doon medyo naaninag na ni Karylle ang mukha ng taong nagligtas sa kanya dahil sa konting liwanag na tumatagos mula sa pintuan.





"Sa-salamat Doc" sinserong turan ni Karylle.


"Bakit feeling ko any moment bigla mo na lang kakantahin yung theme song ng salamat dok" poker face na sagot ng binata. Tuluyan na tuloy natawa ang dalaga di dahil sa joke nito kundi sa seryosong mukha ng binata. Di naman sigurado ni K kung tama ba ang nakita niyang ngumiti ang binata dahil medyo nawala na yung konting liwanag na nanggagaling sa may pinto.





"Nabastos ka na nga kanina nakuha mo pa tumawa" strikto pero may halong lambing na turan ng binata. Nahiya naman tuloy si Karylle kaya bahagya siyang natigilan at napabuntong hininga, "Wear this" pagka angat ni Karylle ng tingin ay halos magkalapit na ang balikat ng binata sa mukha niya. Doon niya lang narealize na naka lean sa kanya ang binata para maisuot ang jacket nito sa dalaga. She unconsciously close her eyes and smile as she smell his musky scent.






"Rookie??"






Agad namang napadilat ang dalaga, kunot noo lang siyang tinitgnan ng binata. "Yes Doc?!" Gulat niyang sambit.




"It doesn't make me half a Doctor when you call me by my name outside the hospital. Besides, alam ko namang kung anu-anong pangalan din naman tinatawag niyo pagka nakatalikod ako."




"Po?"






"I have already encountered a lot of interns like you, kung di kampon ni Lucifer, walking doomsday, o kaya si kamatayan."kibit balikat nito "i just find it ironic na kamatayan tawag nila sa kin when in fact I saved lives." Casual na kwento nito at bahagya pang sumandal sa pader.




Di naman maiwasang matuwa ni Karylle dahil malayang niyang nakakasama at nakakausap ang ultimate idol niyang Doctor.


Dr. Jose Marie Viceral-the man I idolized. The man who inspired me to apply in Hopedale so that I could learn from him, perhaps even be a part of the famous diagnostic team head by him. He is a powerful prominent personality, a world renowned diagnostician. ln our medical world he is considered superstar. A celebrity. A brilliance. Oa na kung oa pero ganon siyang tao, kaya ganon na lang din siguro ang pagiging successful niya.





"Tsaka pwede ba bawas basawan mo kaka 'po' attending mo ko at hindi lolo" walang emosyong sambit ni Vice.





"Sige po, doc" lutang na sagot ni Karylle dahil busy pa itong pagpantasyahan ang kaharap.





Naiiling siyang inirapan ng binata "bungol" he whispered. "Oy narinig ko yon, di ako bungol" kontra naman ng dalaga.





"Vice not 'hoy'. And kakasabi ko lang hindi mo ko lolo" Hindi rin maintindihan ng binata kung bat sinasayang niya ang oras niyang kausapin ang babaeng intern kaysa bumalik na lang sa mga kaibigan niya at maginom.





"O-okay... Vice." Nahihiyang turan ni Karylle. For the very first time, she called him Vice. Napansin naman niya na bahagyang nag iwas ng tingin ang lalaki bago tumango. "Much better" halos pabulong na sagot nito.






"Sabi niya kanina magpopollute lang daw siya eh"


"Baka sumibat na"





"Drink and run talaga yung nayupak na yon e"








Napalingon na lang din si Karylle sa gawi ng pintuan nang marinig nila ang dalawang tinig na naguusap sa kabilang side ng pinto. Mahahalatang palapit ng palapit ang mga boses kasama na rin ang mga yabag nito.





"Pag tinanong pangalan mo wag kang sasagot"





"Ha?"






"Ang bungol mo talaga" yon na lang ang huling narinig ni Karylle kasabay ng pagbukas ng pintuan. Bahagya pa siyang napatakip sa biglang liwanag na dala ng pagbukas ng pinto.





"Brad?"

"Vice?"


Magkasabay na turan ng dalawang lalaking kaharap nila. Papikit pikit na nagayos ng tingin si Karylle, nagulat na lang siya na nakatitig sa kanya ang dalawang lalaki.





"H-hi?" Naiilang niyang bati sabay kapit sa jacket na suot. Sumunod naman ang tingin ng dalawa at napatitig sa jacket na suot niya.






"Di mo naman sinabing ibang pagpopollute pala gagawin mo." Nakangising sambit nong isang lalaking may tattoo kay Vice.







"Bunganga mo nga Billy" parang kuyang saway nito sa
lalaki na nag kibit balikat lang.







"Taga hopedale ka din?" Nakangiting tanong nong isa kay Karylle. "Ah- oo" nahihiya paring sagot ng huli pero may konti na ring ngiti sa labi.




"Parang ngayon lang kita nakita, bago ka lang no?" Singit naman nong lalaking tinawag ni Vice sa pangalang Billy. Tumango naman si Karylle bilang sagot."ahh intern" saad ni Vhong sabay bumaling ng makahulugang tingin kay Vice, gayon din naman si Billy. Napatingin nalang din si Karylle kay Vice na di naman nagpapatinag ng titigan sa dalawang lalaki.









"Ay, Vhong Navarro nga pala."







"Billy" nakangiti ring inoffer ni Billy ang kamay pagtapos ni Vhong. "General Surgeon and he's - ano ka nga ulet kuys?" Tanong ni Billy kay Vhong "pasyente?" dugtong pa niya.






"Oy anong pasyente! Cardiothoracic ako! Yung sa puso puso!" kontra naman ni Vhong. "Ay oo nga pala, sorry sorry." Billy joked.






Di naman maiwasan ni Karylle na matawa sa dalawa. Habang si Vice naman ay poker face pa din at patingin tingin lang sa kanila.






"Eh ikaw ba, miss?" Baling ni Billy kay Karylle habang umaakbay kay Vhong. "Ako?- I'm a psychology" seryosong sagot ni Karylle.





















































"HAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHA" mala-choir na tawa ng tatlo dahil sabay na sabay sila.








"Ansama neto!" Natatawang turan ni Billy kay Karylle.




"Pero tawang tawa ka" bawi naman ng dalaga sabay muling tumawa pero panaka nakang napapakunot noo dala ng alak na nainom.



"Maganda tong jowa mo brad pero aadik-adik din e no" natatawang sambit ni Vhong. Natigilan naman si Karylle at agad na napalingon kay Vice na bigla nalang napaseryoso mula sa kaninang nakatawa niyang mukha.





"Naku hi-hindi kami ni Vi-ni Dr. Viceral" nahihiyang sagot ni Karylle, naaninag kasi niyang napalingon ang binata ng magsalita siya. Pasimple namang nagbawi ng tingin ang binata ng marinig na namang pormal siyang inaddress ng dalaga. 'This girl has a serious comprehension problem' isip-isip ni Vice.






"Alam ko, alam ko. Hahahaha jinojoke ko lang naman tong si Doc. Vice. Diba Doc?!" pasaring ni Vhong kay Vice na inemphasize pa yung 'Doc', natawa namin si Billy dahil alam din niyang ayaw ni Vice na tinatawag siyang Doc pagka wala sa trabaho.




"Andami niyong sinasabi, tabi nga dyan" saway ni Vice sa mga kaibigan "sumama ka nalang muna din samin, baka mamaya balikan ka pa nong lalaki na yon" seryosong sambit ni Vice kay Karylle bago ito tuluyang magkalakad papasok, saglit namang nagkatinginan ang dalawang binata, tila naguusap gamit ang mga mata.




"Ah—tara pasok ka" pagputol ni Vhong sa nakakailang na tagpo.




"Don't worry mababait naman kami" Billy added at sya na ang nagsara ng steel door. Ngumiti naman si Karylle at tuluyan nalang ding pumasok.






"Did he really let her in, just like that?" Bulong ni Billy kay Vhong. Siniko naman siya nito gesturing him to shut up at sinamaan ng tingin.





"You know he never let anyone here except us, right?" Bulong pa ulit ni Billy.






Pasimple naman siyang binatukan ni Vhong "Isa pang english mo dyan sasamain ka na talaga" biro na lang niya kahit maging siya ay napaisip sa huling sinabi ng kaibigan.





"Wow" she whispered to herself. Tila nawala yung konting sakit niya sa ulo dala ng alak na ininom matapos marealize ang kinaroroonan niya.




"Tara upo!" Yaya ni Vhong na lumakad sa gilid niya at diretsong umupo sa mini sofa.



"Pa-pano nagkaroon neto dito?" Manghang tanong ng dalaga habang nililigid pa ang tingin. Mas dumagdag pa sa ganda ang limitadong espasyo ng kabuuan ng deck.






"Better ask Vice with that question" Billy answered.






She searched for him and spotted him on a bean bag at the other end corner at nakatitig lang sa langit.






"Ano nga pala pangalan mo?" Vhong asked kaya napalingon siya sa binata. "Karylle. K for short" nakangiti niya pang turan hanggang sa may bigla itong marealize.







Pag tinanong pangalan mo wag kang sasagot








"Are y'all done with your interview thing?" Napaiwas nalang si Karylle kay Vice na lumapit sa pwesto nila. He sat beside Vhong habang nasa other side naman si Billy. Katapat naman nila si Karylle na nakaupo sa maliit na round sofa chair habang naka easy post.







"So—magka kaibigan kayo?" Naiilang na tanong ni Karylle.






"Oo" Vhong answered habang tumatango pa






"Parang pilit pa ah" sabat naman ni Billy sabay inom sa hawak na beer. Di naman alam ng dalaga kung saan nakakuha iyon ng inumin.






"Si Vice kasi kababata ko, si Billy?— di ko nga alam pano ko to naging kaibigan e"






"Hampas ko kaya to sa ulo mo" akmang ihahampas pa ni Billy ang bote kaya napatawa nalang ang dalaga. Si Vice naman ay tahimik lang. Panaka naka naman siyang nagsasaway sa dalawang kaibigan.







"Daniel is my friend. So he let me have my own place here"






Di naman inaasahan ni Karylle nang si Vice na ang sumagot sa tanong niya tungkol sa sikretong deck sa bar.







"Eto kasing si Vice, sobrang workaholic. Minsan kahit sa bar may bitbit na libro yan. Kaya 'yan, pinatayuan nang sarili niyang sanctum." Umakbay pa si Vhong sa kaibigan habang natatawa.







"Seryoso?" Mangha namang turan ni Karylle while staring at Vice dreamily. Nailang naman ang binata at agad na nagiwas ng tingin.








"Oo pero hindi medical books, mga man's book periodical yung mga forep—







Di na nakasalita pa si Vhong matapos bahagya siyang sikmuraan ni Vice.





"Pasensya na bastos talaga bunganga niyan" Billy referring to Vhong.







"You guys look cute together" she unconsciously commented. Huli na nang marealize niya ang sinabi at napangiti na lang ng alanganin.





"Thanks, we know. Cute talaga kami" Billy jest







"Brad cute mo daw" siko naman ni Vhong kay Vice.





"Tigil tigilan mo nga ko Navarro" kunsumidong turan ni Vice. "Magsialis na nga kayo ang gugulo niyo" dagdag pa niya. Natigilan naman si Karylle at unti-unting nawala ang ngiti at napalitan ng pagkailang, nakadama tuloy siya ng hiya dahil pakiramdam niya'y hindi naman dapat siya nandoon at marahil naiistorbo na niya ang doctor sa mga tanong niya. Gusto niya na sana tumayo pero ayaw naman niya magmukhang bastos kaya nagisip siya ng pwedeng idahilan.







"Ah— I think I need to go na. Nagtext na kasi mga kasama ko" sambit ng dalaga matapos kunin ang phone sa bulsa at mag act na nagbabasa ng text kahit wala naman talaga. Mabilis siyang ngumiti at tumayo.








"No— I mean—






Dinig niya pero di niya alam kung sino ang nagsalitang iyon. Di narin kasi siya lumingon dahil sa hiya at dumiretso na sa pinto.







"Mga Doc una na po ko. Salamat" nakatalikod niyang turan but she made sure na maririnig parin siya.





"Wait Karylle!" Bubuksan na sana niya ang pinto pero isang kamay ang pumigil dito.






"Samahan na kita" she looked up. It was Vhong smiling at her. Akala ko siya









Tumango nalang din siya "si-sige po"






"Sama na ko brad!" Sigaw naman ni Billy. Tinapik pa muna nito si Vice na nakatayo na at nakatingin sa dalawang nasa pinto. Di naman makatingin ng diretso si Karylle dala ng hiya.







"Sa labas nalang brad" paalam ni Vhong kay Vice. Tumango naman ang huli habang tinitignan lang ang tatlo. Pasara na sana yung pinto nang biglang dumungaw muli ang dalaga. Halata ang ilang nito dahil di siya makatingin ng diretso sa binata at sa buhok niya lang ito nakatingin.







"Yung jacket mo nga pala. Thank you"








"No. Keep that" natigilan tuloy si Karylle sa pagpatong ng jacket sa kahoy na upuan di kalayuan sa pinto.





"I mean, gamitin mo muna yan. Mas kailangan mo yan"






"Okay. Salamat" tipid na turan ng dalaga. Isasara niya na sana muli ang pinto ng biglang—








"Rookie" she peeked behind the door.








"See you tomorrow" straight face na turan nito.





She let a small smile "see you tomorrow" pag ulit niya with a nod of affirmation at tuluyan nang isinara ang pinto.

















"Stupid" naiiling na bulong ni Vice sa sarili bago kumuha ng bote ng beer sa portable cooler sa harapan niya.












■■■■■


Please let me know your thoughts and
comments on this :)
(kung katuloy-tuloy pa ba or nah heheh)

Salamat sa pagbabasa💛
-may akda

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...