Nathalie's POV
Yung feeling na dapat nasa Pilipinas pa ako ngayon para pigilan ang pangliligaw ni Chris dun sa Vivian na yun!!
Ang kaso panira ng plano itong magaling kong ina!
Pagkatapos ba naman ng pasko, pinapunta na ako dito sa Canada!
Ang masaklap pa, yung iba kong importanteng gamit nasa Pilipinas pa!! >__<!!!
Nakakainiiiiiiiiisssss!!!!
I wanna go back to the Philippines!!!
I really miss Chris!!!
"Mom! I really want to go back to the Philippines!!! I miss him!!!" sigaw ko
"no baby! You'll stay here for 5years!" sigaw rin ni Mommy
"what!? Nooo!!! I wanna go back now!! Before it's too late!!!"
Biglang pumasok si Mommy sa room ko "why baby? For your EX-boyfriend? huh! wala na nga kayo eh! Kinalimutan ka na! Kailangan kalimutan mo na siya! Don't be such a cry baby! Mas pagtuunan mo ng pansin ang pag-aaral mo..okay?"
"yes Mom" pagkasabi ko nun, lumabas na si Mommy sa kwarto ko
Minsan lang magsalita si Mommy sakin ng ganyan.
At alam niyo ba tagos sa buto at laman ang sinabi niya sakin.
Oo nga naman, bakit ko pa isinisiksik ang sarili ko sa ayaw na sakin?
Pero ang sinisigaw ng puso ko ay siya pa rin!
Ayaw niyang kalimutan ang pangalang Chris!
Kakalimutan ko na lang siya?
O magbabalik ako para bawiin ang inagaw sakin?
Humanda na lang kayo sa pagbabalik ko! *evil smile*
-----+++-----
Vivian's POV
Yes! Sa wakas!
Nasa Pavilion na ang booth namin!
Hindi na kami aakyat pa sa second floor!
Yey!
Ay? Parang bata lang?
Yaan niyo na, malapit na kasi akong mag-18, ineenjoy ko lang ang pagiging bata. xD
"hay! Buti na lang dito na tayo sa Pavilion, hay! ayoko ng bumalik dun sa second floor, magkaka-rayuma na ako pag nagkataon" Ales
"ang OA mo naman Ales..tsk tsk" Niccolo
"totoo naman eh!"
"okay!"
"aba't....."
Ayan na naman ang Nicandra war!
Tsk..tsk..tsk..tsk
Hayaan na nga lang sila...
At ako'y mag-fofocus sa benta namin sa booth.
Calculate...
Calculate...
Calculate...
O____O
Wow naman!
Mahigit 1k+ na ang kinita namin kahapon ah...
Sabagay sa dami ba naman ng mga nagpakuha ng picture sa booth namin..hindi dadami yung kita namin.
Tsaka gumastos kami ng hindi naman gaanong kalaki ang halaga sa mga materyales ng booth namin.
Hmm..
<.<
>.>
Teka parang may kulang...
Asan na kaya siya?
(_ _)
"awww, sad ang ating friend" Ales
"oo nga, why kaya siya sad?" Sofia
"hm, siguro may isang tao na wala pa dito kaya siya malungkot" Merryle
"ay hindi Mers, may isang bagay na wala pa dito, malamang tao kaya nga malungkot yan eh" pambabara ni Ales
Natawa naman ako ng konti sa kanila. Si Merryle naman nagpeke ng tawa, buti na lang hindi siya napipikon sa mga pambabara ni Ales sa kanya.
Lumapit silang tatlo sa akin, pinaghihimas nila ang likod ko "okay lang yan, baka late lang" sabi nila
Pagkatapos nun bumalik na sila sa puwesto nila.
Maya-maya lang...
Dumating na siya!
:(
Di man lang nag-hi!
Buset naman 'to!
>_<
Nagdabog na lang ako ng mga papel dito sa table.
"oh, mainit ang ulo?" Chris
"ha? Hindi...may mga lamok kasi..tsk!" nagpatuloy pa rin ako sa pagdadabog ng mga gamit.
"oy, easy lang Vivian, baka mapunit yan" Karlo
"ahehe..okay na wala ng lamok!" inayos ko naman ang mga gamit sa table "hay! Makalabas nga muna! Tsk!"
Nang makarating ako sa place nila Ales, umupo ako dun at nilagay ang dalawang kamay ko sa magkabilang pisngi ko. "nakakainis talaga yun, ni hindi nag-hi o hello sakin! parang hangin lang ako, dinaanan lang! Buseeet!!" mahinang sabi ko
"hoy Viv, anyare? ba't parang naiinis ka?" Sofia
"kasi siya eh! parang hindi ako nakita kanina! buseeeet!!"
"hay nako, baka may sumpong lang"
"ha?! ano yun baby?! tsk! sabihin mo hindi pa yun nakaka-move on kahapon..tsk!"
"ha? Bakit ano bang nangyari sainyo kahapon?"
"eh nag-selos lang naman kay James, kapag narinig lang daw ang pangalan niya tilian agad tayo...ang babaw di ba?"
"hay nako, ano ka ba, buti pa nga yang si Chris nag-seselos kahit hindi pa kayo, may iba nga jan... sila na, yung lalake walang pakialam kung may kasamang ibang lalake yung girlfriend niya, it means ang love nung lalake sa girl hindi totoo..ang swerte mo kaya Viv"
Hmm...sabagay.. oo nga naman hindi pa nga kami nag-seselos na.
So, ibig sabihin ang pagmamahal niya sakin...totoo?
Iiihh!!
Kinilig naman ako dun! :)
Pero! Naiinis ako sa kanya!
Walang batian ang naganap?!
Sino bang hindi maiinis dun?
Alam kong masyado na akong OA, pero masama bang magsabi ng 'Hi Vivian' 'Hello Vivian!' ?
Hindi naman di ba?
Pwede namang 'uy!' with matching sweet smile pa.
Pero wala! walang nangyaring ganun!
>__________________<!!!
------------
>>L U N C H B R E A K<<
"my gawd! ano ba 'to, bakit ang pait!?" Ales
"ha? Patikim nga *nom* *nom* hindi naman ah" Niccolo
"tange ka talaga! Hindi ito! Sila!" sabay turo saming dalawa
"ay? kala ko yan" Niccolo
Nakakainis!!!
Isa pala akong malaking hangin!
Alam niyo ba kanina, dumaan na ako sa harap niya, nagpapansin na at kung anu-ano pa...
Pero walang epek!
Grrrrrrrrr!
Pati ba naman dito sa lamesa, walang kibuan!
At kaharap ko pa siya! Ha!
At tignan niyo panay ang subo, mukhang gutom na gutom eh, ni hindi nga makatingin sakin! >__<
'sana mabilaukan ka'
*cough* *cough*
Ang bilis talaga ng karma!
Buti nga sayo!
:P
"oh, tubig" bigay ko sa kanya, nang hindi ko siya tinitingnan.
"thank you" sabay kuha niya ng hawak ko, nakatingin siya sakin habang umiinom.
Pagkatapos kumain, pumunta ako sa dati naming tambayan, sa likod ng eng'r building, sana walang tao roon.
Gusto ko kasing mapag-isa...
-----+++----
Chris' POV
Nakarating na ako ng campus, at nagdire-diretsyo papunta sa booth namin...
Napansin ko namang kanina pa nagdadabog si Viv, nang tinanong ko siya kung mainit ang ulo, sabi niya hindi raw, malamok raw...
Hanggang sa lumabas ng tent si Vivian..
Ano kayang nangyari dun?
"uy pre, mukhang inis ata sayo si Vivian ah" Karlo
"ha? Hindi naman siguro"
"oo kaya, di naman yun lalabas kung hindi mo binati man lang ng good morning"
Ahhh, kaya pala ang init ng ulo.
"ahh, oo nga pala! sorry naman, trabaho kasi agad ang nasa isip ko"
"ahh, hay nako pare, kung ako sa'yo, magsorry ka na kay Vivian, bago pa mainis yun ng tuluyan"
"sige"
Lumabas na ako ng tent at lalapitan ko na sana si Viv nang may sinabi siya
"kasi siya eh, parang hindi niya ako nakita kanina! Buseet!"
Galit nga siya..mamaya ko na lang siya kakausapin, hanggang sa mahimasmasan siya.
Nung lunch break, gusto ko sanang kausapin na si Vivian, kaso mukhang galit pa rin eh kaya mamaya na lang na hapon.
----------------
Vivian's POV
Nakarating na ako sa likod ng engineering building..
Heto naka-indian sit, habang binubunot ang mga hibla ng damo..
"ano ba kasi ang problema nun?! nakakainis eh, hindi man lang bumati, sarap batukan!? grrr!" sabi ko sa sarili ko
"Nakakainis siya!!!!" sigaw ko sa field..
Ay? Nag-echo?
=____=
Para akong timang dito, mag-isa lang tapos kinakausap pa ang sarili...
Hay nako!
Ang sarap kalbuhin nitong damong 'to!
Parang kinakalbo ko na rin si Chris!
Alam niyo ngayon lang ako nagkaganito, di ko nga alam eh.
-.-
Fishteh lang!
>_________________<!!!!!!
Ni hindi man lang ako puntahan, para kausapin!
Arrrrrrrrggggggg!!!!
Isa siyang malaking! Arggggg!!
Sige lang pairalin niya ang pride niya!
Makikinig naman ako kung bakit hindi niya ako pinansin kanina.
Pero wala eh!
Makatulog nga muna dito (-____-)
------------------
Chris' POV
"guys, nakita niyo ba si Viv?"
"ay? Oo, siguro pumunta siya dun sa likod ng engineering building, baka gustong mapag-isa" Amethyst
"ah, ganon ba? sige" tumakbo na ako palabas para puntahan si Viv
Bakit naman kaya gusto niyang mapag-isa?
Konsensya: ay? siguro yung kanina, hindi mo kasi siya pinansin eh.
Hm, sabagay.. Sorry naman kasi, trabaho agad ang pumasok sa isip ko.
Bilhan ko na lang kaya siya ng popcorn tsaka chocolates.
^___^
Pumunta ako ng 7/11 ng mabilis, kasi baka kung anong mangyari sa kanya dun, baka nga walang tao dun eh.
Pagkatapos kung mabili ang popcorn at chocolates, pumunta na ako sa likod ng engineering building.
O____O
Anong nangyari!?
Tumakbo ako agad palapit sa kanya...
Nang makalapit na ako, niyugyog ko siya "Viv! gumising ka!" sigaw ko sa kanya
Nagising naman siya "ano ba!? Nakita ng natutulog yung tao eh!, at bakit ka nandito?! Hindi tayo bati!" sabay talikod niya sakin at nag-cross ng arms
Ay? Akala ko kung napano na..
Natulog lang pala..
Sorry naman, nag-alala kasi ako eh,
Mahal ko kaya 'to.
Kinalabit ko siya "uy, sorry na".
To be continued.....