SF Chapter 4: I'll take you home

2.6K 104 4
                                    

Christofer's POV

"Hello Mom? Po?" sabi ko sa phone

Umalis muna ako sa barkada nina Vivian para kausapin si Mommy.

[anak, nasa bahay na kami, hanggang anong oras ang pasok mo?]

"ahm, 4pm lang po. Bakit?" ano kayang meron?

[ah, may dinner date tayo sa bahay nila Emerald, umuwi kasi yung mga anak nila galing ibang bansa. Inimbitahan nila tayo]

"ah, ganon po ba? Sige Mom..may klase na po kami. Bye po"

[sige anak] she hang-up

Bumalik na ako sa kanila. Nakita ko na paalis na sila kaya, tumakbo ako para mahabol sila.

"sandali lang" sabi ko

"kaklase ka rin namin sa minor subjects?" tanong ni Sofia

"ah, Oo" sabi ko habang inaayos ang pgkasakbit ng bag ko sa balikat ko

"ah, okay"

Teka bakit sila nasa iisang linya? Ano 'to graduation march? At talagang by partner? Sino yung nangunguna?

o_O

Si Vivian at si Rox pala. Lumapit ako sa kanila.

Nagulat si Vivian, medyo nainis nga eh, ba't ba kasi 'to naiinis sakin? Wala naman akong ginawang masama sa kanya. Siguro iba ang pagtingin niya sakin, siguro ang una niyang tingin sakin ay mayabang, presko at mataas ang tingin sa sarili, pero hindi ako ganun, napagkakamalan lang kasi ang hitsura ko na may pagka-antipatiko. Hindi ako yung mahilig mang-asar, paggusto ko lang, pero hindi naman palagi. Minsan lang.

"Oh, Chris you're here, ahm" mahinang sabi ni Rox at tumingin sa likod kung saan nandun yung mga barkada niya. Paglingon ko nagsesenyasan sila.

Ano kayang binabalak ng mga kaibigan niya?

"uh, Chris, dito ka sa pwesto ko" mahina niyang sabi,

"ah?.. s-sige" sinunod ko naman yung sinabi niya , magkatabi na kami ngayon ni Vivian sa paglakad.

Hindi niya pa siguro alam na magkasabay kami sa paglakad, kasi natatakpan ng buhok niya ang mukha niya, naka-side view kasi siya sakin, tapos hawak-hawak niya ang phone niya na nakasaksak ang earphone.

Busy siya sa pakikinig ng music, kaya hindi niya ako napansin na ako yung katabi niya.

"Rox, ano na ngayon ang nauusong fashion trend?" tanong niya sakin, nakahawak siya sa braso ko, habang tinatanong niya yun, ng hindi nakatingin sakin, may binabasa kasi siya sa phone niya.

Akala niya siguro si Rox pa ang kasama niya. :)

May naririnig naman akong mahinang tilian sa likod.

"uy, Rox ano nga yu--- Chris?, teka asan si Ro--" tanong niya sakin, tumingin siya sakin pagkatapos lumingon kay Rox, na parang galit.

Yun! nang nalaman niyang ako yung kasama niya.. Hindi na siya kumibo.

Bakit kaya?


-+-+-+-+-+-+-

Vivian's POV

Lechugas naman... Akala ko si Rox yung kasama ko, bakit yung antipatiko ang kasama ko?

Tss! Pinagkaisahan na naman ako ng mga kaibigan ko... Nakakainis lang!

>___<!

Pasalamat sila nasa good mood stage ako, nako! kung hindi, iba ang makikita nilang Vivian. Baka hindi ko sila pansinin for 1 month, ganyan kasi ako pagnagagalit matagal mawala ang inis ko.

Single Forever? [JaDine FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon