SF Chapter 36: Who are they?

1.2K 66 0
                                    


Vivian's POV

Ang saya kagabi, akala ko nga boring ang ending ng fair di pala,

ang sakit nga ng paa ko, sa kakasayaw kagabi, mga kaibigan ko kasi, makarinig lang ng tugtog, manghahatak papuntang stage, kahit na kumakain ako, grabe lang talaga ang mga yun.

Pati si Nathalie, nahahatak rin nila, nagbago na talaga siya, palagi na ngang nakangiti, tsaka iba ang tawa niya pramis!

Paano, wagas kung makatawa, parang mananagutan ng hininga. haha.

Kagabi medyo nagkaroon ng awkward moments yung dalawa, ewan ko ba kung bakit, siguro hindi maka-move on si Chris sa bagong Nathalie, nasanay siguro siya sa dating Nathalie.

Pero, nung nagkatabi sila, hindi ako nakaramdam ng selos, kasi naman umamin na si Nathalie na hindi na niya mahal si Chris, kaya bakit ako magseselos? Tsaka, wala ang SELOS sa bokabularyo ko.

**

Nathalie's POV

Napaka-gaan pala sa kalooban na wala kang kagalit at wala ka ng nararamdaman na inis.

Napakasaya ko kasi, mas dumami pa ang mga kaibigan ko, naging close na kami ni Vivian pati na rin sila Amethyst.

Ang sarap talaga kapag bumalik ka sa dating tunay na ikaw. Kesa naman dun sa ibang ako, maraming naiinis sakin, pero wala naman akong pakialam.

Pero ngayon ito na talaga ang totoong ako.

"anak!, bilisan mo na jan!, nasa max's restaurant na sila!" sigaw ni Mommy na nasa ground floor.

Sino ba kasi sila?

Grabe kinakabahan ako mamaya.

**

Chris' POV

Totoo ba talaga yung kagabi?

Parang panaginip eh.

Hindi ako makapaniwala na magbabago siya.

Ibang iba talaga siya nun eh.

Tsaka pinagsisihan ko na naging girlfriend ko siya, kasi naman hindi ko talaga siya gusto nun, pero paano naging kami?

.

.

.

Ah, Oo nga pala, nilalandi kasi ako tapos ang kulit pa! Napilitan lang ako nun na maging kami, eh kasi naman, sabi niya kapag hindi naging kami magpapakatiwakal daw siya.

Ang adik talaga nun. Kaya yun, naging kami na.

"pare, kelan ka ba sasagutin ni Vivian?" tanong sakin ni Joshua

"Oo nga pare, one month na, hindi ka pa rin sinasagot" dagdag pa ni Niccolo

"baka, ayaw ni Vivian, kasi di ba pinaninindigan niya ang salitang 'Single Forever'" Jeth

"alam niyo mga pare, kahit umabot pa ng isang taon ang pangliligaw ko sa kanya, okay lang, dahil kaya ko naman maghintay ng marami pang taon para mapasagot ko siya" sabi ko

"woooaaahhh!!" sabi nila

"ayos ang sagot ah, alam mo pare, proud ako sayo, kasi kahit hindi ka pa sinasagot ni Viv, hindi ka sumusuko sa kanya kahit dumaan pa ang maraming taon" Marco

"alam niyo kasi, kapag mahal mo ang isang tao, handa kang maghintay kahit ilang taon pa, kasi jan masusukat na mahal na mahal mo talaga siya, handa kang magtiis sa taong mahal mo" sabi ko

Single Forever? [JaDine FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon