SF Chapter 43: A Date to Remember

1.9K 79 0
                                    

here it is :) sorry kung natagalan masyado ang update ko, well fortunately, mahaba itong chapter na 'to, bumabawi si author sa matagal na hindi pag-update and special announcement pala 3 chapters to go na lang 'tong SF, ano kaya dito sa chapter, sasagutin na kaya niya si Chris?

well anyway..enjoy reading guys :)

------------------------

Chris' POV

Wooh! Yes! pumayag siya na magdate kami! grabe ang saya ko ngayon, akala ko nga hindi eh...buti na lang talaga.

Gagawin kong memorable ang magiging date namin.

*kring kring*

"hello"

[sir Chris, ready na po ang lahat bukas]

"oh okay, thank you" then I ended the call

Nagpa-private dinner ako sa restaurant namin, mangyayari yun bukas ng 7pm, pero bukas pupunta kami sa amusement park, kasi kasama pala ang dalawang pinsan nila, pero kung hindi sila kasama ang balak ko sana sa mall, ipagsa-shopping ko ng kahit ano.

Mahilig kasi yun si Viv na mag-shopping.

Actually, kahit pangatlong beses ko na naranasan ang pakikipag-date, parang first time ko palang naranasan na makikipagdate ako sa tulad ni Viv, dun kasi sa dalawang nauna parang wala lang yun date na naexperience ko dun.

Pero itong kay Viv, may something na kakaibang mangyayari, para bang magiging masaya ang araw namin para bukas.

Ang nais ko lang para bukas ay gawing napaka-espesyal at napaka-memorable ang magiging date namin.

Sana kiligin siya sa mga gagawin ko bukas.

Abangan niyo na lang kung anong mangyayari. Ayoko ko kasing sabihin. Gusto kong i-surprise rin kayo. ^___^

**

(Sunday)

Vivian's POV

Hi! Good morning! :)

Bakit ang saya ko ngayon?

Siguro dahil :

a.) baka in love ka?

b.) baka kinikilig ka?

c.) may DATE ka

d.) all of the above

waa! kaloka naman si konsensya, porket ang saya ko in love na? porket ang saya ko kinikilig na? porket ang saya ko may date na?---

may date na..

may date na.

MAY DATE NA!

huwaaa! Oo nga pala! ngayon ang date namin ni Chris!

Akala ko panaginip lang yung kagabi!

Totoo palaaaa >___<

May Date ako ngayon!

Hindi triple date, hindi double date, kundi date nang kami lang.

waaa! baka kakain kami sa isang sikat na restau, tapos pina-private niya pa yung restau para lang sa date namin! huwaa! sana hindi yun ang mangyari mamaya.

Sana yung pupunta lang sa amusement park, maglalakad lang at sasakay sa mga rides. Sana yun na lang.

"ate, go to the bathroom now" utos sakin ni baby Riel

kung makapag-utos naman 'to sakin. tsk!

So yun na nga pumasok na ako sa banyo at naligo na.

Pagkatapos ng sampung minuto, lumabas na ako.

Single Forever? [JaDine FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon