SF Chapter 25: Wish You We're Here

1.2K 80 1
                                    



Vivian's POV

Ang bilis ng araw, mamaya pasko na!

Sana pumunta ang mga kaibigan ko.

"Viv, anak, mamaya darating na ang lola't lolo niyo, hanggang bagong taon sila dito" sabi ni Mommy, habang nagluluto ng pancake

"talaga Mom? Yehey! Namiss ko ng sobra sina Lola Grace at Lolo Greg" sabi ko habang tinitignan ang niluluto ni Mommy.

"kami rin kaya" biglang sulpot ng mga Ate ko at Kuya ko

Kinalabit ako ni Ate Ash "bakit Ate?"

"halika" hinawakan niya ang kamay ko at pumunta kami sa garden at umupo.

"bakit?" nakangiting sabi ko

"kumusta ang party niyo?"

Akala ko napaka-importante ang sasabihin nito.

Yun pala gusto lang malaman kung anong nangyari last week.

=___=

"uh, okay lang naman Ate"

"weh? Sure ka? Eh kumusta na kayo ni Chris? Kayo na ba?" nakangiting sabi niya.

Agad agad!?

Hindi noh!

"oo ate sure ako...ahm, we're just friends again" sabay ngiti ko

"ano!? Friends lang kayo?! Bakit?" ang taas naman -.-

"ate ang taas, grabe"

"ay, hehe, sorry naman nakakabigla kasi ang sinabi mo"

"anyway, hanggang dun lang talaga Ate, ayoko naman na masaktan pa ako"

"pero di ba sabi mo, mahal mo na siya? Hindi mo na ba talaga siya bibigyan ng isa pang pagkakataon?"

"hindi na Ate, kasi kapag binigyan ko pa siya ng isa pang pagkakataon, baka masaktan na naman niya ako"

"hay, Viv kapag ang isang tao ay humingi sa'yo ng isa pang chance, ibig sabihin nun, hindi na niya gagawin ulit yung mga nagawa niya nung una, kaya for sure hindi ka niya ulit sasaktan pa"

"talaga?"

"oo, kaya kung anong sinisigaw ng puso mo, ipaglaban mo ang nararamdaman mo sa kanya"

"eh Ate, hindi na siya tumitibok sa tuwing nakikita at nakakausap ko siya"

"eh kasi ang isip ang pinapairal mo, hindi mo pinapakinggan ang puso mo, puro na lang kasi ang isip, paminsan minsan rin pakinggan mo naman ang puso mo"

Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Ate.

Puro na lang ba isip ang pinapairal ko?

Hindi naman eh.

Ugh! Totoo naman na hindi na tumitibok ng malakas ang puso ko kapag nariyan siya sa tabi ko.



Pero sa kabilang banda, may nararamdaman akong kakaiba.

Ewan ko kung ano yun.


Hay! Huwag ko nga muna isipin.

Magfo-focus muna ako mamaya sa christmas party namin.

Siya nga pala, pupunta ang mga barkada ko, pina-cancel muna nila ang pupuntahan nila para sa party namin dito sa bahay, kasama nila mamaya ang buong pamilya nila.

Kaya mamaya mapupuno itong bahay, mabuti na lang sobrang laki nitong bahay namin at sobrang laki rin ng garden namin.

Mamaya jan magaganap ang sayawan, kantahan, kainan at kung ano pa.





Single Forever? [JaDine FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon