SF Chapter 17: Absent

1.2K 84 2
                                    



Vivian's POV

"hala? Bakit wala pa yung katabi mo? Di ba maaga yung pumunta ng campus?" Amethyst

Nasa room na kami ngayon at marami na kami sa loob.

Ito namang si Amethyst, kanina pa tingin ng tingin sa labas ng pinto at nakatambay.

May hinihintay ata.

"hoy Vivian!" Amethyst

"ay kalabaw! Ano ba?" inis na sabi ko

"kanina pa ako nagsasalita rito, hindi ka naman nakikinig" Amethyst

"siguro late lang yun" sagot ko sa tanong niya kanina.

"narinig mo naman pala eh" nasa pinto pa rin siya, habang nakatingin sa hallway

"uy Ams, kung makapagbantay ka naman jan sa pinto parang boyfriend mo si Chris ah, dapat si Viv ang nanjan" Cathy

"ay oo nga pala" lumapit siya sakin at hinila niya ako palapit sa pinto.

"oh, jan ka lang, wag kang aalis jan kapag wala pa si Chris, pero kung may prof na paparating umupo ka nalang" sabay ngiti niya.

Nagkamot lang ako sa batok at sinunod ang sinabi niya.



5 minutes...






10 minutes.....







15 minutes.......







20 minutes.....







25 minutes.....








30 minutes.....





Waaaahh!!!! Bakit wala pa siya?!



Alam niyo ba yung nakakapagod tumayo dito para lang hintayin ang taong hindi naman na darating?




"paasa lang!" sabi ko

May narinig naman akong nagsalita.

"ooohhh, si Viv nayayamot na sa kakahintay...hahaha" parang baliw lang 'to si Sofia.

"baka naman kasi may ginawa, kaya hindi nakapasok" Amethyst

Bumalik na ako sa upuan ko.

"nakakapagod kayang tumayo lang jan, tapos titingin ka sa labas, na wala naman yung taong hinihintay mo" naiinis na sabi ko

"oh! Yun yun eh! Hahahaha, inamin mo rin na gusto mo talaga siyang makita ngayon...yiee si Viv dalaga na!" Ales.

Nakakainis naman 'to si Ales! Tsk

"heh! Dalaga na kaya ako noh!" Ako

"weh? Eh hindi ka pa nga nagkaka-boyfriend eh" Ales.

"o ano ngayon kung hindi pa ako nagkakaroon niyan?, bakit required ba? Hindi naman di ba? Tsaka ano bang problema niyo kung ayaw kong magkaboyfriend? Eh sa ayaw ko nga talagang masaktan eh, bakit niyo pinagpipilitan sakin ang isang bagay na ayaw ko naman talaga" dire-diretsyong salita ko.

Natahimik naman si Ales sa sinabi ko, pati na rin ang mga kaklase ko.



Biglang pumasok ang prof. namin sa drafting. "good morning class, oh, bakit ang tahimik niyo?" tanong ni Sir samin

"good morning din Sir" sagot naming lahat.

"okay, uhh..where's Mr. Pineda?" sabay turo niya sa bakanteng upuan

Single Forever? [JaDine FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon