SF Chapter 10: Blush

1.7K 90 4
                                    



Vivian's POV

It's Sunday!

Pupunta kami ngayon sa Church.

Pagkarating namin sa church, naghanap na kami ng mauupuan.




Maya maya lang, nagsimula na ang misa.

May nagsalita naman "Viv, nandito si PC " si Ate Ash lang pala.

Ano ba yan? Pati ba naman sa simbahan, puro computer ang iniisip nito. Kaloka!

"ha? Ate, nasa simbahan po tayo, mamaya na yang computer, okay?" mahinang sabi ko habang nakatingin sa altar

"kaloka ka! Hindi computer ang sinasabi ko, yung prince charming mo, nandun oh"

"hay nako ate, mamaya na"

"bilis na, ayun oh, titignan mo lang naman eh" ang kulit!

"ate mamaya na ang harot, okay?"

"aray, hindi naman ako humaharot, sinasabi ko lang naman eh"

"tsk, Ate makinig ka na lang sa Pari" sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya

"Fine!"





Pagkatapos ng misa, pumunta kami sa Jollibee para kumain ng lunch...

Ay! Ngayon pala yung praktis namin ni Chris =__=

"Uh, Dad after po ba ng lunch natin, uuwi na tayo?" Tanong ko

"Hindi pa anak, pupunta pa tayo sa Mall, magsa-shopping tayo"

"Ah, okay po"

"Ang aga pa kaya Viv, 11 am pa lang oh" sabi ni Ate Ash at pinakita ang watch niya sakin

"Ahh"

Akala ko kasi 1pm na, sinabi ko kasi kay Chris na after lunch kami paparaktis.

Magsa-shopping kami, so matatagalan kami niyan.

I-text ko na lang siya.

Tama!


To: Chris

Hi Chris! ahm mga 4 ka na lang pumunta ng bahay, okay?


Sent---




Nakarating na sila Mommy at Kuya na bitbit ang inorder namin.

"Viv, mamaya na yang phone, itago mo muna yan" Ate Blair

"Katext kasi si Chris, kaya ayaw bitawan ang phone" Ate Ash

"Uy si Viv, may pagtingin na kay Chris, yie" pang-aasar sakin ni Ate Margaux

"Ate naman eh, tinext ko lang naman siya about sa praktis namin mamaya"

"Ah, okay, akala namin nagliligawan na kayo"

Ugh! Ayoko kayang magpaligaw through text.

Hindi pormal, gusto ko sa personal.

Para malaman mo na seryoso siya na gusto ka niyang ligawan.

Di ba? Agree kayo?

Ay? Bakit ko ba yun inisip?

Di ba nga sabi ko sa chapter 1 na never akong magkakaroon ng boyfriend

Kahit kailan!

Kasi nga gusto ko...

Single Forever and ever ako!

I don't want to have a boyfriend

Kasi nga sakit lang yan sa ulo!

Single Forever? [JaDine FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon