SF Chapter 5: Text Messages & Calls

2K 102 3
                                    


Christofer's POV

Akala ko hindi niya tatanggapin yung gusto ko eh, na maging kaibigan niya, mabuti na lang tinanggap niya.

Siya ang pinaka-una kong girl na friend sa tanan ng buhay ko. ^___^

Masaya naman ako dahil siya ang pinili kong kaibiganin, siguradong magkakasundo kami nito.

Nandito pa rin kami sa balcony, nag-uusap ng kung ano ano, pati ipis pinag-aksayahan pa naming pag-usapan kahit nandidiri siya.

"alam mo ba, natatakot ako sa mga multo" natatawang sabi ko

"weh? Talaga? ikaw natatakot? di nga?" hindi makapaniwalang tanong niya

"oo nga, kaya nga minsan, kasama ko sila Mommy sa iisang kwarto napakalaki kasi nung kwarto ko eh"

"grabe naman, sa laki mong yan, matatakutin ka pa?"

"oo nga, hindi ko rin nga alam kung saan ako pinaglihi"

"hm? nasaan na yung dati mong magulang?"

"di ko alam, iniwan nila ako sa bahay ampunan nung sampung taong gulang ako, akala ko nga babalikan nila ako, kaso hindi na eh, mabuti na lang may umampon sakin nung labing dalawang gulang na ako, sila Mommy at Daddy yun, hindi kasi sila nagkaka-anak kaya inampon nila ako, nagpapasalamat nga ako sa kanila kasi kung hindi nila ako inampon, malamang nasa bahay ampunan pa rin ako hanggang ngayon." malungkot na sabi ko

"grabe naman, bakit ka nila iniwan?"

"wala na kasi silang maipapakain sakin at mapapag-aral, hindi kasi nakatapos ng pag-aaral ang magulang ko"

"ahh, siguro kung hindi ka inampon nila Tita Christine at Tito Richard, hindi mo makikilala yung mga kaibigan ko---"

"pati ikaw" sabi ko

"mmm, tama!" sabi niya, sabay iwas ng tingin.

Hindi na siya nagsalita, anyare dito?

Tumayo na ako "uhh, tara labas na tayo, baka hinahanap na nila tayo" alok niya sakin

"sige" tumayo na ako

Grabe! ang ganda niya talaga, kahit saang anggulo mo siya tingnan, ang ganda niya, para siyang doll, ang sarap niyang alagaan, bakit kaya ayaw niyang magkaroon ng boyfriend? kung siya ang magiging girlfriend ko, hinding hindi ko siya pakakawalan, aalagaan ko siya, pagsisilbihan at mamahalin hanggang sa pagtanda ko.


Cheesy ba? First time kong maging cheesy kaya pagbigyan niyo na ako ^___^


"uh.....tutal magkaibigan na tayo anong tawagan natin?" sabi ko

Nabigla naman siya "ano!?"

"sabi ko anong gusto mong tawagan natin, kasi magkaibigan na tayo" nakangiti kong sabi

"wala, kung ano yung pangalan mo at pangalan ko, yun na lang ang tawagan natin"

"ganon? ayoko kaya nun, ano na lang, uhh... Bhestie" sabi ko

"bhestie? for girl's only kaya yan"

"uy di ah, basta yun ang tawag ko sa'yo... bhestie" sabi ko at ngumiti sa kanya

"ugh!, sige na, bahala ka" sabay tayo niya at pumasok sa loob.

sumunod naman ako "eh ikaw, wala ka bang naiisip na itawag sakin?"

Napaharap siya sakin at ngumiti ng nakakaloko


^___~?

Single Forever? [JaDine FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon