SF Chapter 2: Annoying Guy

3.9K 110 3
                                    


(Vivian's POV)

Good Morning Philippines! Yes naman ang ganda ng gising ko, bakit kaya? Hmm... :D

Pumasok na ako ng cr para maligo, pagkatapos nagsuot na ng t-shirt, pants at doll shoes at syempre nagpaganda, naglagay rin ng bracelet at kwintas. Ayokong magsuot ng earrings pag nasa school, di bagay kasi.

Pagkatapos kong mag-ayos, bumaba na ako at binati ang pamilya ko "Good Morning everyone" parang sasali lang ng pageant sa sinabi kong pagbati ah.

"waah! Good mood si Vivy ah, anong meron?" tanong ni Ate Blair

"wala naman ate" sabi ko at ngumiti sa kanya.

Pumunta na kami sa dining para mag-breakfast.

"Ate, babalik pa kayo sa Singapore?" tanong ko sa kanila

"actually Viv, hindi na, dito na lang kami maghahanap ng trabaho" sagot sakin ni Ate Margaux

"Bakit Ate? Terror ba yung manager niyo?" natawa naman sila

"hindi, ang bait kaya nun, gusto kasi namin ni Blair na dito na magtrabaho ayaw namin kasing mawalay sainyo eh" awww.. Na-touch naman ako sa sinabi ni Ate Margaux

"ahh, mabuti yan mga anak, para hindi na namin kayo ma-miss ng sobra" sabi ni Mommy.

"mmm, sige na Mommy, Daddy, kuya at mga Ate, aalis na ako, baka kasi mahaba na naman yung pila dun" sabi ko, sabay inom ng juice at kinuha ang bag ko.

"ingat ka dun anak ha?" sabi ni Mom

"anak, hatid na kita" alok ni dad

"nako, wag na po Dad, magtatricycle na lang po ako"

"ah, oh sige.. ingat ka"

"Bye Vivy, take care" sabay nilang sabi.

"Bye" sabi ko





~~~~~~~~₩₩₩₩₩₩₩~~~~~~~

Nakarating na ako sa campus at kinuha ang phone ko para tawagan yung mga kaibigan ko.

Calling... Sofia

[hello?]  aww, ang cute talaga ng boses niya ^__^ Ay gaga! Natitibo na ba ako? Ew! No!

"Nasan kayo Sof?"

[ah, sa may pavilion sa harap]

"ah, sino na bang nanjan?"

[ahm, sina Amethyst, Merryle, Rox, Cathy, at Sandra, nandito ka na ba?]

"ah, oo, papunta na ako jan.. Bye" sabay baba ko ng phone

Nang makita ko na sila, tumakbo ako "tara na mga bakla, pila na tayo"

"tara--" sabi ni Merryle

"teka lang girl, hinihintay ko pa si Lawrence, yung ipapakilala ko sayo Viv" sabi ni Amethyst

Leshe naman oh! Pero infairness ang cute ng pangalan niya. Pangalan lang ha! Pangalan lang. -,-

So yun nga, naghintay kami ng sampung minuto, after nun, ayun na nakita na namin yung guy na sinasabi ni Amethyst.

May nagsalita naman sa tabi ko "gosh! Ang gwapo!" nang tinignan ko yung taong nagsalita si Sofia! Yung tahimik kong kaibigan na bihira ko lang marinig ang boses at marinig ang reaction niya. Nang makita niya lang yung guy biglang nagreact! .

Ang kaso nga lang super hinhin pa rin ng boses niya =___=

Nang makalapit na nga yung guy, ngumiti siya samin, yung ngiting aso! Di joke lang! Yung pinaka-sweet niyang smile.

Single Forever? [JaDine FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon