SF Chapter 45: Debut Celebration

1.8K 80 1
                                    


(After 1 week and 5 days)

Vivian's POV

"Ate Vivian gising na!"

"yeah Ate Vivian! wakey wakey up na! rise and shine na oh"

"Ate naman eh! ang hirap mong gisingin!"

Asdfghjkl naman!

Ang sarap pa ng tulog ko eh, may mambubulabog pa!

Ilan ba 'tong gumagambala sa tulog ko?

~____o

o____~

~____~

o___O

O___O!

Huwat!? mga pinsan ko lang pala.

Akala ko kung sino eh.

"ate! happy birthday!" sigaw nilang apat.

lima kasi ang mga pinsan ko na close na close sakin, yung iba hindi, hindi na kasi sila umuuwi ng Pilipinas eh.

Masyadong napamahal na sila sa ibang bansa, kaya yan, kahit nga sa social networking sites, ni walang hi, hello, kumusta na nagaganap.

Sadyang itong lima ang pinakamalapit sa buhay namin, hanggang sa paglaki nila, nasubabayan namin eh.

Well, nais kong ipakilala ang tatlo ko pang pinsan na lalake.

Jasper John Lopez ang kapatid ni Kesha, pangalawa siya sa tatlong magkakapatid. Si Kesh ang panganay, isa siyang heartbreaker, yes heartbreaker siya, ang gwapo kasi eh, magfi-first year college na rin yan, sa susunod na taon at balak rin kumuha ng kursong drafting, mahihilig kasi talaga kaming gumuhit eh. 16 years old pa lang yan, at sa maniwala kayo sa hindi, nagkaroon na siya ng sampung babae sa loob ng dalawang buwan, every 2 months palagi yang may bago, kaya kung sosomahin niyo, mahigit isang daan na ang mga naging girlfriends niya, kumbaga isa siyang casanova.

Ang sunod naman ay si Joe a.k.a Joe Robert Lopez, ang bunsong kapatid ni Kesh, magfo-fourth year highschool na rin siya sa susunod na school year, sweet, charming, good looking and lovable na pinsan ko, 15 years old pa lang yan at hindi pa siya nagkakaroon ng girlfriends kahit isa wala, parang boy version ko lang si Joe, ayaw mag-girlfriend kasi raw magastos at dagdag pa sa mga iisipin, pero mabait yan as in, tahimik, pero pag' kasama ko na yan, ang ingay na niyan.

Next naman ay si Kyzer Paolo Lopez ang kuya ni Kayzee, kung titignan niyo siya, mayabang, mapagmalaki, arogante, mahangin, maingay, at overprotective pagdating kay Kayzee. Pero pagdating samin ibang iba ang ugali niya, sobrang bait niyan, sobrang sweet, may pusong mamon, palatawa, siya ang sanhi ng ingay kapag may nagaganap na party dito sa bahay namin at palangiti rin. Nagka-girlfriend na yan, pero once lang, hindi na siya umibig muli kasi, sobra siyang nasaktan dun sa una niyang minahal, kasi naman yung girl, hindi niya sinabi kay Kyzer na may sakit pala siya, kaya ayun nilihim niya, hanggang sa nagpakalayo yung girl sa piling niya at hindi na nagpakita pang muli sa kanya, minahal niya yun ng sobra, almost 3 years na sila nun, simula grade 6 pa lang sila. Kaya yan...wala na siyang balak na maghanap na mas hihigit pa dun sa una niya, kumbaga yung babaeng yun siya ang naging first true love niya, pero balita ko, magaling na yung girl at sa pagkakaalam ko dun sa MAFU siya nag-aaral, napaka-coincidence nga eh, kasi silang lima sa MAFU na mag-aaral this coming school year. Magfi-first college na rin siya katulad ni Jasper.

"thank you!" sabi ko at niyakap silang apat.

"wait,  asan si Kesh?"

"nasa baba ate" Joe

Single Forever? [JaDine FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon