SF Chapter 34: Last Day of School Fair

1.1K 73 1
                                    


- M. A. F. University -

Vivian's POV

"hey, ready na ba kayo girls?" tanong ni Amethyst

Ang arte naman nito, parang may production number sila mamaya, eh wala naman.

"yeeeesssss" sagot nilang lima

"hay nako, tara na nga, alam niyo bang kanina pa tayo rito..almost" tumingin ako sa relo "2 in a half hours"

"hahaha, okay lang yan girl, atleast worth it ang tagal natin dito sa rest room" Amethyst

"hay nako, oo na, tara na" sabi ko

Lumabas na kami ng rest room at pumunta na ng pavilion.

O___O

Wow as in Wow!

Ang gandur ng loob parang nasa engrandeng function hall kami, parang aattend kami ng debut.

Eh kasi naman puro tela ang nakikita ko color light pink tsaka may mga chandelier ..ang cute..

Biruin niyo yung Pavilion na palaging nagagamit sa kung anong sports event, kayang gawing sosyal, may mga nakalambitin pa na palamuti tsaka may mga balloons sa itaas para talagang may gaganapin na debut.

"wow naman, sino bang may debut ngayon?" tanong ni Amethyst

"girls, tama ba 'tong napasukan natin?" Cathy

"parang mali eh" Ales

"oo nga, ang akala ko may malaking disco ball tsaka may mga lights na iba iba" Sofia

"baka mamaya pa" Rox

"oo nga" Merryle

Ang mga suot namin ngayon ay dress, na kumikinang, color baby blue ang suot kong dress at naka-silver na stilleto ako.

Sila Amethyst, Cathy, Ales at Merryle naka-gold na dress pero iba iba ang design ng damit nila, yung kay Amethyst super elegant ng suot niya, bumagay talaga sa kanya, pati na rin kila Cathy, Ales, at Merryle super elegant rin, parang mga sophisticated person sila sa mga suot nila ngayon

Si Rox naman naka-red, ang tingkad nga ng damit niya nagmukha siyang hollywood star sa suot niya.

Nahiya tuloy ako sa kanila. =___=

Nga pala, medyo nalungkot at na disappoint kami ngayon dahil sa kaninang balita ni Jewel.

>>> F L A S H B A C K <<<

Nang matapos na kami sa praktis namin para mamaya, bumalik na kami sa pavilion, para alamin kung ano ng nangyari dun.

Pagkarating namin, nagkumpulan ang mga kaklase ko, kaya lumapit na kami ni Chris, nandun na rin ang mga kaibigan ko, nang marami na kami, nagsalita na si Jewel..

"Guys, sana huwag kayong magugulat sa sasabihin ko..." malungkot na sabi ni Jewel

Nagsalita naman ang mga kaklase ko.

"ha? Bakit?"

"ano bang meron?"

"bakit ang lungkot mo?"

"tell us Jewel" sabi ni Rox

Huminga naman ng malalim si Jewel "hindi po makakapunta dito sa campus si James" malungkot na sabi niya

"ano!?"

"bakit daw?"

"sayang naman! Akala ko matutuloy na eh!"

"ugh! makikita ko na sana siya, sayang"

"why jewel?" Rox

"eh kasi di ba may movie sila, tapos may mga mall shows at movie guesting, kaya yun hindi tuloy ang pagpunta niya satin"

"ahhh" sagot namin

"okay lang yan, malay niyo sa valentines fair natin nandito siya" sabi ni Jewel

"kyyyyyyyyyyaaaaaaaaaaaaaaahhhh!!!!" sigaw namin.

Pagkatapos nun, nagsibalikan na kami sa classroom.

>>> END OF FLASHBACK <<<

Hanggang ngayon ang iba hindi matanggap na hindi siya makakapunta.

Kami tanggap na namin na hindi siya makakapunta dito, sikat na sikat na kaya siya at sobrang hectic ang schedule nun, kaya napaka-imposibleng makapunta siya dito sa paaralan namin.

Ilang minuto lang nagsimula na ang ball namin, hindi ko talaga inakala na magiging ganito ang kinalabasan ng gawa naming lahat, o baka naman may nag-alis ng mga ginawa namin, pero hindi, tinignan ko pa ang mga dinikit namin sa stage, samin pa rin yung ginawa.

Siguro kanina, may nag-ayos na professional dito. Grabe napaganda niya talaga ang pavilion. Magaling siya magtransform ng isang venue.

Akala ko nga debut ko na, pero hindi pala.hehe

Nagsasalita na ngayon ang emcee ng school...

Naka-upo kami sa left side sa pangatlong table, ang katabi ko ay si Chris, naka-tuxedo siya na white, nakapants at nakasapatos na black may necktie pa nga siya eh, nagustuhan ko yung necktie niya color baby blue, mukha ngang di bagay sa tuxedo niya, parang ang badoy tuloy. Haha.

"Viv, bagay ba?" tanong ni Chris

"oo naman" sabay ngiti ko.

Ngumiti rin siya...

Alam niyo ba yung ang gwapo niya talaga nang nakangiti palagi, tsaka yung mukha niya hindi nakakasawang tignan, ang sarap ngang pagmasdan eh.

Chos! Joke lang!

Pero gwapo talaga siya.. No doubt!

Tsaka about dun sa pangliligaw niya sakin, hindi niya akong binibigo na pakiligin, kasi naman palaging nagpapadala ng mga rosas at tsokolate sa bahay namin, tapos may card pa na nakasulat ang pinakacheesy'ng lines, na nagpapakilig sakin.

Wala nii isang araw o linggo na hindi siya tumitigil na magpadala ng bulaklak, mapupuno na nga ang kwarto ko ng rosas at masisira na ang ngipin ko sa kakapadala niya ng chocolates.

Hay kelan ba magsasawa 'tong si Chris sa kakapadala sa bahay?

Pero syempre, hindi naman ako nagsasawa sa kakapadala niya, kasi naman iba ibang klase at kulay na bulaklak ang pinapadala niya pati na rin chocolates, iba ibang brand.

Ang yaman kasi.

Edi siya na.

After ng kung anong pinagsasasabi ng emcee sa stage..nagsimula ng magtawag ng mga mag-iintermission.

Pagkatapos nun may sinabi pa ng kung ano at makaraan ang ilang oras nag-alukan na para kumain.

Kanina pa kasi nakahain ang mga nilapag nung mga waiter sa bawat table namin.

.

.

.

.

Pagkatapos namin kumain, nagpatuloy pa rin ang celebration sa huling araw ng school fair namin.

Nakakaexcite tuloy ang VALENTINES Fair!

>////<

Kyaahhh!

Pero nakaka-sad kasi madaming couples ang maglilipana niyan.

Hay!

Sasagutin ko na ba si Chris, right after ng debut ko?

Paano kung ayaw ko pa talaga?

Eh, mahal ko na siya...

Hay! Ewan....bahala na!

Single Forever? [JaDine FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon