Love Her, Hate Her (LMTW Book...

By Yanaxxii

4.8K 146 6

Truths behind those words. Someone might be dead and someone needs to die from people who wants their mission... More

Love Her, Hate Her (LMTW Short Book 2)
Prologue
Chapter 1 - Double, Trouble
Chapter 2: All for One
Chapter 3 - Japan
Chapter 4 - Finding Doctor Fail
Chapter 5 - LEEREI
Chapter 6 - X
Chapter 7 - Lee Woo Bin
Chapter 8 - Love Her, Hate Her
Chapter 9 - Gangsters
Chapter 10 - Rei
Chapter 11 - Come back home
Chapter 12 - Mystery
Chapter 13 - Welcome back to Caramoan
Chapter 14 - Illness
Chapter 16 - She's back
Chapter 17 - Liar
Chapter 18 - Plas
Chapter 19 - Love Her or Hate Her ?
Chapter 20 - Trust, No one
Chapter 21 - Coward
Love Her, Hate Her (Final) + (Epilogue)

Chapter 15 - Memories

98 4 0
By Yanaxxii

10 Chapters to go~ Min on the media :)

-

[Kevin’s Point of View]

Kakatanggap ko lang ng balita, na nagpakamatay daw  si Kuya Jae at nag-iwan ng suicide note. Mahirap paniwalaan ng una, pero ng sumama ako sa mga pulisya na magimbestiga kung saan nagpakamatay nga raw s’ya ay nakumpirma kong di totoo ‘yon. Ayo’n sa suot niyang sapatos na siyang magtutugma sa sapatos n’yang regalo ni Ate Rei, ay nakumpirma na kaagad ito at hindi na nagimbestiga pa.

Nilapitan ko si YIshin, katabi n’ya si Krystal na kitang kita ang pagkalungkot sa mga mata nila.

“Yishin.” Tawag ko rito. NIlingon naman nila ako. Nasa bahay na kami kung saan nagkaroon ng mourning room man lang para kay Kuya Jae.

“K-kevin? Si Rei? Hindi mo s’ya kasama? Nasaan na ba siya?”

“Hindi ko rin alam, hindi ko macontact ang cellphone n’ya.”

Nagkatinginan ang dalawa.

“Paano kayo nakasiguradong patay na si Kuya Jae, he can’t do that. Alam n’yang naghihintay si Ate sa kanya.” Tumango sila, mukhang sumang-ayon sila sa sinabi ko.

“Bukod sa sulat m—“

“Krystal.” Pigil ni Yishin dito.

“Tell me.”

“May suicide note s’yang iniwan.” Pagtutuloy ni Krystal. “Pero—“

“Ano?”

“Yung joint account nila ni Ate Rei, naubos lahat ng laman. Tapos si Tita, hindi man lang alam kung nasaan si Rei. Nag-aalala kami, dahil baka mapagbintangan s’ya. Alam mo naman yung nangyari 6 years ago di ba? Nalaman nila background ni Rei, niyo.” Pagpapatuloy n’ya.

Napuno ng pag-aalala ang loob ko, at iniisip kung saan pwedeng pumunta si Ate Rei, pero wala man lang pumapasok na kahit ano sa utak ko.

“Si Lee? Nasaan s’ya? Wala ba s’yang alam?”

“Si Lee? Yung huling kausap pa namin sa kanya ay sa Japan pa s’ya, wala ng sumunod. Pauwi na si Shin kasama si Min.” sagot sakin ni Krystal.

“Sige, uuwi lang ako at magpapalit ng damit. Babalik ako.”

“Hmm.”

Ilang minutong byahe ay nakauwi ako sa amin,madilim. Nakakapagtaka dahil meron namang nangangalaga sa bahay. Pero bakit parang walang tao dito?

“Tatay—AHH!”

Naramdaman ko na lang ang pagbagsak ko sa lupa, at ng imulat ko ang mata ko ay nakita kong duguan si Tatay, ang housekeeper namin. Pinilit kong tumayo pero may umapak sa likod ko.

“Long time no see Kevin.”

“Sino ka?!”

Sa malalim n’yang boses at tono ay nakaramdam ako ng takot, takot na hindi ko naramdaman for the past 6 years. Ilang saglit pa ay nakaramdam ako ng tubig sa mga balat ko, isang mahinang ulan.

“Sinagot ng langit ang tanong mo.’

“Rain?!”

“Sino pa nga ba?”

“Paanong?!—“

Tinanggal n’ya ang paa n’ya kaya naman nakatayo ako. Pero di ko inaasahan na marami pala s’yang taong kasama.

“Kung ayaw sumama, daanin n’yo sa dahas, basta iwan n’yong buhay. Don’t worry, you have company.” Lumayo s’ya sakin ng kaunti, naglabas s’ya ng sigarilyo at awtomatikong may nagpayong sa kanya at nagsindi no’n. Umatras s’ya sakin at mukhang walong tao ang sumubok na sugurin ako.

“Yah!” sigaw ko na lang ng tuwang tuwang nanonood s’ya. Bawat suntok at sipa ko ay nauubos lang ang lakas ko, nakatumba man ako ng dalawa ay walang epekto kung anim pa rin ang nakatayo. Kung nandito lang si Ate Rei.

Naiwan na lang akong pilit  na pinaluhod sa harap n’ya, duguan ang mukha, basang basa at putok ang isang mata.

Lumapit s’ya sakin at pinatay ang upos ng sigarilyo sa mga pisngi ko, lalo akong napuno ng galit sa mga tingin n’yang ‘yon. Wala man lang akong naramdamang sakit.

“Jaja is on a fancy cell, don’t worry.”

“Magkapatid kayo!”

Suminghal s’ya. “Dalhin ‘yan!”

“Yes boss!”

[Reina's Point of View]

Walang pinagbago ang lugar, mas lalong gumanda pa nga. Nakakapanibago man dahil wala akong kasama ngayon, kapag tumtingin ako sa isang lugar, nakikita ko lang ang nangyari noon. Para akong nanonood ng flashback ng buhay ko.

"Miss?" tawag sakin ng isang boses. "Mag-isa ka lang?"

Isa s'yang matandang lalaki.

"Cleaner ako dito, kapag may gusto kang itanong, sakin na lang, mahal kasi ang tourist dito. Pero h'wag kang mag-alala, di ako naniningil, gusto ko lang nakakwentuhan habang naglilinis ako." dahan-dahan n'yang pananalita, dahil nga matanda na s'ya. Kitang kita ang sinseridad n'ya at ang ngiti nito ay walang katulad. Parang walang problema, parang ang sarap mamuhay na kagaya n'ya.

"Reina po."

"Reina?"

"Opo, yung pangalan ko." Sagot ko naman. "Kayo po?"

"Gary. Tatay Gary na lang ang itawag mo sakin."

"Tatay?" parang may humaplos sa dibdib ko. "O-opo, Tatay Gary."

Naglakad lakad kami sa dalampasigan habang siya namumulot ng kalat.

"May isa akong anak, kagaya mo, mga nasa 30 na s'ya, nasa maynila at nagtatrabho doon sa munisipyo." kwento n'ya habang nakangiti.

"Dinadalaw dalaw n'ya po kayo?"

"Yung totoo, pitong taon na kaming magkahiwalay. Pinapadalhan naman n'ya kami ng asawa ko."

"May asawa na po s'ya?"

Napatigil s'ya. May kinuha s'yang biglang di ko namukhaan. Parang isang shell.

"Tawag nila dito, wishing shell. Di ko alam kung paano napadpad 'to dito, mahirap 'tong makita, mukhang swerte ka anak. Eto."

"Ah! Hindi po, kayo ho ang nakakita." pinilit n'yang ibigay sa akin ang shell na 'yon, magaspang ngunit ng itaob ko ay ang kinis ng loob at parang isang bahaghari ang kulay na nagrereflect sa araw.

"Pwede kang humiling ng isang bagay. Ngunit kailangang masamang bagay ang ilagay mo sa shell."

"Po?"

"Ang ibig kong sabihin ay masamang bagay, na nangyari na." nangiti s'ya. Kumuha s'ya ng pen sa isang maliit na bag n'ya.

"Bakit po?"

"Eto." abot n'ya sakin ng pentel pen na 'yon.

Sinulatan ko 'yon. 'Jae is dead, I wanted to see him again.'

Inabot ko pabalik ang pen.

"Yung--"

"H'wag." pigil n'ya. "Hilingin mo naman ang mabuti bago mo itapon ulit sa dagat ang shell. Hanggang sa mabura ang sulat, saka lang magiging mabuting bagay ang sinulat mong masamang nangyari. Kabaliktaran."

Humiling ako ng mabilis. Humiling ako na sana buhay pa si Jae, kahit imposible. Itinapon ko 'yon ng malakas at mukhang nagulat pa si manong.

"Sigurado ka bang masamang bagay ang nakalagay do'n?"

"O-oho." Wait. Masamang bagay bang gusto ko ulit makita si Jae? "Opo naman."

"Kung gano'n, may gusto ka bang malaman sa islang 'to?"

"Pangalawang beses ko na po rito."

"Talaga iha? Bakit mag-isa ka lang na pumunta dito?"

"Gusto ko lang po mapag-isa. May mga bagay po kasi na gumugulo sa utak ko, mga bagay na di kapani-paniwala."

Napahawak ako sa notebook na hawak ko. Halos mapuno ko na ito, bawat pahina ay tig-iisang sentence ang sinulat ko. Mga masamang bagay at mga problema.

"Ibabaon mo ba ang mga 'yan?"

"P-paanong?-"

"Kaibigan s'ya ng anak ko. Malapit sa bangkaan?"

"O-oho."

"Tara, dadalhin kita sa pinakatagong lugar at madaling bungkalan ng lupa."

"Salamat po."

Mahaba ang araw, naitanim ko ang mga problema ko, at naitapon ko masamang bagay na gusto kong baliktarin. Napagod. Kumain at Nagpahinga ako at nagpasalamt sa matandang nakausap ko ng buong hapon.

Ngunit pag-gising ko, hindi ko inaasahan ang makikita ko.

"Long time no see." Ngumiti ang babae, na parang tuwang tuwa na makita ako. "Let's go."

Continue Reading

You'll Also Like

169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
21.1M 517K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
200K 8.3K 17
Vander #2 Cooler Vander 01042020 Genre: action, romance Cover image not mine. Credits to the rightful owner.
9.9M 365K 53
I was called as the hummingbird with wings that could bring gorgeous chaos, a bird with sharpest beak and a bird with deceiving voice. I have the fea...