Animus: Escaping Death

By PranzzSipe

3.5K 279 157

As the game progressed, the girls realized they weren't the only six playing inside the facility. Can they ma... More

DISCLAIMER
Must read!
Master's Note:
1: Clueless Six
2: Timer
3: Fingernails
4: Times Up
5: Bedroom
Chapter 6: Punishment
Chapter 7: Shortest
Chapter 8: Voice
Chapter 9: Mute
Chapter 10: Arrow
Chapter 11: Keys
Chapter 12: Spin
Chapter 13: Thelyssa
Chapter 14: Bloody
Chapter 15: Celestria
Chapter 16: Numbers
Chapter 17: Locked
Chapter 18: Memory
Chapter 19: Door 25
Chapter 20: Uninvited
Chapter 21: Reixel, Go!
Chapter 22: Fall
Chapter 23: Red
Chapter 24: Trio
Chapter 26: 9th Stage
Chapter 27: Started
Chapter 28: Tears
Epilogue

Chapter 25: Exit Room

40 4 0
By PranzzSipe

Ally's P.O.V.

Pagkatapos naming mag-isip ng plano sa room 20 ay kaagad na rin kaming umalis. Hindi na namin kailangan pa na mag aksaya ng oras. Ilang minuto na lang at makakaalis na rin kami rito.

I slowly switch the knob of door 13 bago ito itinulak papasok. Una ko silang pinapasok sa loob. Inaalalayan nina Reixel at Honey si Ylique. Pagkapasok namin dito ay nagpatuloy na kami sa aming paglalakad.

"Ilang rooms pa ba ang papasukan natin?" tanong ni Reixel, patuloy lang sa paglakad.

"Mga apat pa. Ylique kaya mo pa ba?" tanong ko sa kanya. Hindi maayos ang paglakad nito dahil sa natamong sugat sa paa.

"Kaya ko pa naman. Ayaw kong maiwan sa lugar na ito," sagot niya.

Lumiko kami at nagtungo sa door 14. Si Reixel na ang bumukas ng pinto. Nagtaka ako ng bigla siyang napahinto. Huminto rin sina Honey. Lumapit ako kay Reixel.

"Anong problema?"

"French," saad niya.

Tumingin ako sa harap. Nandito sina Celestria, Cherry at...French? Nandito rin sila sa loob ng room 14. Akala ko patay na si French?

"Reix. Hindi ba sabi mo-"

Hindi ko na naipagpatuloy pa ang sasabihin ko ng bigla siyang tumakbo papunta kay French. Nang makalapit ay kaagad niya itong niyakap ng mahigpit.

Narinig ko ang paghagulgol ng iyak niya. Lumapit kami nina Honey sa kanila. Nagulat ako ng makita ang putol na kamay ni Celestria. 'Di na ako magtataka. Resulta ito ng punishment niya sa nakaraang stage.

"I guess tama na muna 'yan Reix kailangan na nating kumilos." Pagputol ko sa yakapan ng dalawa. "Celestria, I'm glad to see you again," I smiled.

"Me too Ally," nginitian niya ako pabalik.

"Kompleto na ba tayo?" tanong ni Ylique. Nagtinginan kaming lahat.

"I think tayo na lang ang natira," sabi ni Honey.

"Saan na tayo pupunta ngayon?" tanong naman ni Cherry.

"I don't know 'di ko pa alam kung nasaan ang exit room," si Celestria ang sumagot.

"Ako na ang bahala d'yan," singit ko sa kanila habang hinahawakan ang kabila kong braso.

"Alam mo na kung nasaan?" Tanong ni French. Inalalayan siya ni Reixel. Tinanguan ko siya.

"So let's go. Nasasayang ang oras," si Celestria.

"Follow me,"

Nauna akong naglakad sa kanila. Pumasok kami sa door 15. Diretso lang kami sa aming paglalakad 'yun nga lang medyo mabagal. French and Ylique can't walk well because of their injuries. 'Di bale na ang importante ay alam na namin kung nasaan ang exit room. Sa ilang oras kaming nakulong sa lugar na ito ay marami na ang nangyari sa amin.

We didn't expected this sh*t. I don't know what's the real motive or the reason of the Master why we are here, why he kidnapped us.

Wala naman akong kagalit. Baka na mistaken identity lang kami. Hindi, may mga litrato niya kami. Sinadya niya talaga ito. Baliw na yata ang Master na 'yon. Una pinatay niya si Kazianna. As the stage of the game continued lalo kaming nahihirapan at mas marami ang namamatay.

Based on my calculation there are 15 players in this place. Pero ngayon pito na lang kami ang naglalakad papunta ng exit room. Muntikan pang mapatay ng killer si French kanina buti na lang kahit na hindi siya nakapaglakad ng maayos ay nakalaban siya.

Sa kundisyon naman ngayon ni Celestria ay putol ang isa niyang kamay. Marami ng dugo ang nawala sa kanya dahil sa malala niyang sugat. As soon as possible ay kailangan niyang maisugod sa hospital. Kapag magtagal pa ito ay babagsak na ang katawan niya.

Lumiko kami sa left side ng silid. Huminto kami sa tapat ng door 18. Inabot ko ang malamig nitong knob saka binuksan ang pinto. Nagpatuloy kami sa paglalakad.

"Sa tingin niyo makakalabas kaya tayo sa lugar na ito?" tanong ni Reixel sa amin.

"Oo makakalabas tayo rito kahit anong mangyari," sagot ni Celestria.

"Gusto ko ng umuwi sa bahay," sabi ni Ylique.

"French walang iwanan," sabi ni Reixel.

"Sorry naman. Gusto ko lang na mailigtas ka," pagdepensa ni French.

"Tumigil na kayo. Malapit na tayo," saway ko sa dalawa.

Nasa loob na kami ng door 17. Natatanaw ko na ang door 25, ang exit room. Huminto kaming lahat sa tapat nito.

"Eto na ba 'yon Al?" tanong ni Cherry.

"Oo, ito na ng," sagot ko.

"Sana nga ito na 'yon," sabi naman ni French.

"Well let's see kung ito na nga," dagdag ni Celestria.

"Teka lang what if trap lang ito ng Master?" pagpigil ni Ylique sa amin. Napahinto si Celestria.

"Tama ka pero we need to see what's inside," giit ko sa kanila. Naramdaman ko ang pagbuntong hininga nila.

"Bubuksan ko na," sabi ni Celestria.

***

French's P.O.V.

4 hours ago

"French ready?" bulong sa akin ni Reixel.

Nasa loob kami ngayon ng room 06 and we're planning to enter the room 05. May kasama kaming killer ngayon! Tinanguan ko lang siya. I can't walk well. Masakit ang aking mga paa. Huminga ako ng malalim.

Naramdaman ko ang paghawak ni Reixel sa balikat ko. Ilang segundo pa ay tumakbo na kami. Tiniis ko ang sakit at hapdi ng aking mga paa. Nasa harapan ko si Reixel.

Nabuksan na niya ang pinto. Una siyang pumasok. Akmang papasok na rin ako ng hablutin ako ng lalake. Naramdaman ko ang pagyakap ng isa niyang kamay sa beywang ko.

"Reix!" malakas kong sigaw habang binubuhat ako palayo ng lalake sa door 15. Nararamdamam ko ang malakas na pagtambol ng aking puso.

Katapusan ko na ba? Mamamatay na ba ako? Nabigla ako ng biglang napaluhod ang lalake sa sahig dahilan para mabitawan niya ako. Hinila ako ni Reixel palayo sa lalake.

"Ayos ka lang?" tanong niya sa akin.

Hinawakan niya ako sa kamay at inalalayan akong tumayo.

"Y-yes I'm fine," kinakabahan kong sagot.

Napalunok ako ng laway. Aalis na sana kami ng mapansin ko ang pagtayo ng lalake. Isinandal ako ni Reixel sa gilid. Lumapit siya sa lalake at malakas itong tinadyakan.

"That's for you bitch," narinig kong sabi ni Reixel.

Bigla siyang hinawakan ng lalake sa paa kaya nadapa siya sa sahig. Ginapos niya si Reixel, natatakot ko ang pagtaas niya ng kutsilyo sa ere. Hindi, papatayin niya si Reixel.

"Huwag!" sigaw ko at walang pag-aalinlangang tumakbo para itulak ang lalake.

Nabitawan nito ang kutsilyo kaya tumilapon ito sa sahig. Nakatihaya siya. Sinakyan ko siya sa kanyang dibdib at pinagsusuntok.

"Reix umalis ka na rito bilis!" sigaw ko. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na umiyak. Tumayo siya.

"Hindi kita iiwan dito!" giit niya.

Lumapit siya sa akin at pinatay ako. Inalalayan niya akong makalakad patungong room 05. Nang dahil sa akin ay nahihirapan lang si Reixel na makatakas. Mapapahamak lang siya kapag kasama niya ako. Lumunok ako ng laway.

"Iwan mo na ako rito Reix, magiging pabigat lang ako sa'yo," sabi ko sa kanya.

Pero tila hindi niya ako narinig. Binuksan na niya ang sumiradong pintuan. Una siyang pumasok sa loob. Sana mapapatawad mo ako sa aking gagawin. Malakas ko siya tinulak papasok sa loob.

"Reix I'm sorry save yourself first," sabi ko sa kanya bago isinara ang pinto.

I-nilock ko ito para hindi na siya makapasok pa. Narinig ko ang pagsigaw niya sa loob. Napahagulgol ako ng iyak. My eyes get blurry too. Napansin ko ang pagtakbo ng lalake sa kinaroroonan ko. Kaagad ko siyang inilagaan. Nauntog siya sa upuan. Minadali kong pinulot ang kanyang tumilapon na kutsilyo.

Kahit na nagfiflicker ang ilaw ay sinikap kong hanapin ito. Bago pa man niya ako muling atakihin ay naunahan ko na siya.

Nang makalapit ako sa kanya ay malakas kong itinarak sa kanyang leeg ang kutsilyo. Paulit-ulit ko itong ginawa. Nagsitalsikan sa sahig, sa pader, sa pinto at sa aking uniporme ang kanyang dugo. Nabaharin din ang aking mga kamay.

"Mamatay ka!" sigaw ko habang umiiyak.

•••

Continue Reading

You'll Also Like

6.9M 346K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...
22.4K 2K 17
Kristine Ferrer's Story I was born in Darkness. Sa Chasm. Mundo ng mga tunay na elemental, at sa mundo kung saan naghahari ang kadiliman. We were...
29.8M 989K 68
Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.
24.8M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...