After Five Years

By shytryfly

3K 183 47

Dati, isa lang ako sa mga estudyante ng St. James Catholic School, nakaupo sa mga upuan ng isang malaking kwa... More

Author's Note
Prologue
Chapter 1
Chapter 1.2
Chapter 1.4
Chapter 2
Chapter 2.2
Chapter 2.3
Chapter 2.4
Chapter 2.5
Chapter 2.6
Chapter 2.7
Chapter 2.8
Chapter 2.9
Chapter 2.10
Chapter 3
Chapter 3.1.1
Chapter 3.1.2

Chapter 1.3

153 15 13
By shytryfly

Habang pinaghahandaan ko ang mga lessons namin para bukas ay biglang tumunog na naman ang cellphone ko.

Unknown number:
It is nice to meet you again Shaze!

Wala akong kaide-idea kung sino ba itong unknown number na ito.

"Marami naman akong nakilala kanina pero hindi ko naman binibigay kung kani-kanino ang number ko. Sino naman kaya ito?" Takang tanong ko habang inaalala kung sino ang unknown number na ito kasi ang nakausap ko lang naman ngayon ay sina Ma'am Heil, Ma'am Apple, Kuya Lind (Kuya Guard), Kuya Jet, Ma'am Ely, and si Gavin.

Si Ma'am Heil, hindi, kasi kakausap pa lang namin kanina. Si Ma'am Apple kakatext pa lang niya sa akin. Wala rin naman akong number kina Kuya Jet at Kuya Lind. At lalong mas malabong itext ako ni Gavin ng ganoon dahil alam kong nag-aaral siya sa mga oras na ito. Isa lang ang nasa isip ko ngayon at iyon ang lalaki na nagbalik ulit sa tahimik kong buhay, nagpapabilis ng tibok ng puso ko, nagpapaiyak sa akin ng walang dahilan, umaapaw sa kagwapuhan ngunit sumobra sa kasungitan, at iyon ay walang iba kung hindi si Breeze Ryte Theodon.

Ayoko mag-assume kagaya ng ginawa ko dati na napunta lang sa wala pero siya lang kasi talaga yung nakita ko ulit kanina. Lahat ng binanggit ko except for Breeze is palagi kong nakakausap o di kaya ay nakikita araw-araw.

Naguguluhan man ako kung sino ito pero nireply-an ko pa rin sya. Pero may part pa rin sa akin ang umaasa na sana si Breeze nga talaga iyon.

Me:
Yes this is Shaze, sorry to say this but do I know you?

Magpapatuloy na sana ako sa pagrereview ulit para sa Reading and Writing ng mga bata nang marinig ko ulit na magring ang cellphone ko.

Unknown number:
It is really nice to meet you but I think how bad of you to easily forget about me, Shaze.

Wow! Ako pa talaga ang naging masama, I really do not have any idea kung sino ba ito. Baka si Breeze ito pero ayoko talagang mag-assume. Kasi naman minsan kapag magchachat yon dati, palaging may 'eh' sa mga message niya kaya feeling ko hindi siya ang unknown number na ito.

Me:
Excuse me?! Would you mind if you will introduce yourself to me because honestly, I do not have some time to think who you are.

Syempre umatake na naman ang pagiging masungit ko. Ganyan kasi ako minsan kahit nung high school pa kami. Laging first impression sa akin ng mga kaklase ko noon is mukha daw akong masungit dahil minsan lang daw kasi akong ngumingiti. Kaya nga daw siguro kapag nagkakasalubong kami ni Breeze ay hindi ako nito nginingitian sabi naman ng kaibigan ko na si Ate Ace na isang interior designer ngayon, palagi daw kasi akong walang reaction kapag naglalakad ako sa corridor kaya baka daw nahihiya sa akin na ngumiti si Breeze.

Nagring ulit ang cellphone ko pero this time tinapos ko na muna ang pagrereview ko sa lesson and activities namin for tomorrow, malapit na kasi mag four. So kailangan kapag umuwi na si Kale, tapos na ako sa lahat ng gawain ko dahil alam ko na magpapatulong sa akin yon sa assignment niya syempre kapag hindi niya kaya mag-isa.

After 20 minutes tapos ko nang ireview and isettle lahat ng need gawin bukas. Sa Reading and Writing nila, syempre sounds of letters sa reading and spelling naman sa writing. Next, yung performance task nila sa Science which is to bring their favorite toy na may kinalaman sa body parts. And lastly, Math, short activity lang sa book nila about sa diniscuss ko ngayon.

Tinignan ko muna ulit ang schedule ko for tomorrow sa memo ko and naalala ko na namove nga pala ang oras nila bawat subject kaya binago ko ang time.

Tuesday Schedule

7:30 AM - 7:45 AM | Time in
7:45 AM - 9:40 AM | Meeting
9:45 AM - 10:45 AM | Read & Write
10:45 AM - 11:00 AM | Recess
11:00 AM - 12:00 PM | Science
12:00 PM - 1:00 PM | Math
1:20 PM | Dismissal

"Napakadami namang load nitong unknown number na ito." Paano ba naman kasi nakadalawang text na siya sa akin. And habang sinusulat ko yung schedule ko, I suddenly remember na itext na yung mga parents ng mga students ko. Hindi kasi ito nailagay sa simulcast kanina kasi late ko nang nalaman.

Pagkatapos kong isulat ang schedule ko at ayusin ang mga gamit ko ay bumalik na ako sa kama ko para humiga dahil sobrang nakakapagod ang araw na ito. Ang daming kaganapan ang nangyari ngayon na sobrang stress ang naabot ko.

Sumabay ka pa kasi Breeze!

Kinuha ko na lang ang cellphone ko para ichat na sa aming group chat ng section ko pero syempre parents lang nila ang nandito. Kapag kasi hindi online or hindi naseen ng ilan sa mga magulang, tinetext ko na lang pero kalimitan lamang ito nangyayari dahil pati mga magulang ngayon ay nahahaling na rin sa social media para pantanggal stress.

Nang mabuksan ko na ang cellphone ko ay halos mapatayo ulit ako mula sa aking pagkakahiga dahil sa text message ng unknown number na ito or should I say 'niya' since kilala ko na kung sino siya.

Unknown number:
Wala ka pa ring pinagbago Merene, napakasungit mo pa rin.

Siya nga! Siya lang naman kasi yung tumatawag ng second name ko kahit na paulit ulit kong sinasabi sa kanya na tumigil na siya sa pagtawag sa akin noon. Pero hindi ko naman siya nakita or nameet ngayon.

Bago ako magreply sa kaniya ay binasa ko pa ang isa pa niyang text message.

Unknown number:
Merene! Merene! Merene! Merene! Am I annoying? I hope that you are annoyed right now because that is the only way on how you will remember me again.

"Baliw talaga ang isang to. Hindi lang annoyed, stressed din ako *sabay turo sa cellphone* kaya sana huwag ka nang dumagdag pa! Joke lang." Feeling ko ako ang nabaliw. Ganito ba talaga ang epekto ng nagpapalipas ng gutom?

Before ko siyang reply-an ay pumunta muna ako sa messenger at umupo. Chinat ko na ang mga parents about sa changes sa schedule for tomorrow.

KINDER 1
Shaze Merene Pier:
Good day parents! We would like to inform you po na there would be some changes sa ating schedule for tomorrow. The class will be start at 9:45 po because may meeting po ang bawat department for our PISA for the next month. Then, it is advisable po na pagdalan niyo po sila ng lunch dahil their dismissal time po is at 1:20 PM. If you have any questions po, feel free to ask me here or by pm po. Thank you for your understanding!
Seen 4:20 pm

Hindi ko na nabasa pa ang mga sagot nila dahil dumating na ang Kale. Paano ko nalaman na nandyan na siya, yun ay dahil sa napakaingay niyang paa habang pumapanik ng hagdan.

"Ate, may pagkain ba tayo? Nagugutom ako eh. *himas sa tiyan*" Sabi niya habang nasa hagdan pa. Malakas na nga ang boses tapos napakaingay pa ng paa. Hay Kale!

"Mayroon diyan sa ref sa baba. Magpalit ka muna po ng damit at saka ka kumain. Bago ka bumaba, pumunta ka muna rito at magdala ka ng sanrio." Humiga na ulit ako dahil sobrang pagod na pagod na ako. As in grabe ang pagod ko ngayon. Bwisit kasi ang Breeze na iyan, tumatakbo kasi na naman sa isipan ko! Ang corny.

Pero naalala ko nga pala na reply-an si Hact. Naging kaclose ko siya when we were became classmates for Senior High School. Siya din yung sobrang close ko na lalaking kaibigan and he also know na may gusto ako kay Breeze. He is really intelligent and a fashion icon. Kasundo ko yan sa pagiging K-popper dati pero hindi ko lang alam kung hanggang ngayon. And one of the personality that I really like about him is yung pagiging funny niya. As in sa lahat ng nagpapatawa sa akin, sa kaniya lang ako tumatawa kasi palaging may bagong naiimbentong jokes.

"Nakakamiss naman si Hact. I hope you are doing well Hactiee!" Habang sinasabi ko ito ay nagcocompose na ako ng aking message para sa kaniya.

Me:
Is this Hact?

Unknown number:
Correct! This is Hact, Merene! Nakita kita kanina pero hindi mo naman ako napansin kasi medyo parang nagmamadali ka kanina papunta sa faculty niyo.

Dahil tama ako na si Hact nga ito, pinalitan ko na yung contact name niya at nilagay ko ang pangalan niya. Hindi kasi ako fan ng mga may emoji or ano pa man sa contact name.

Me:
Ay sorry! Hindi ko alam na nandoon ka pala. Sana sumigaw ka para lumingon ako. Kamusta ka naman ba?

Nasa pinto ng kwarto na ako ni Kale para puntahan at ibraid sya dahil naiinis kasi ako kapag nakalugay ang buhok niya. Napakabagal talaga kumilos!

Binuksan ko na ito at pumasok sa kaniyang kwarto. Sabi sa inyo eh, napakabagal kumilos ng Kale. Hindi pa rin sya nagbibihis dahil nanood pa sya ng bagong labas na MV ng Treasure bias niya kasi si Mashiho.

"Inday! Baka gusto mo namang magpalit muna ng damit. Makakapaghintay naman yang si Mashiho *turo sa cp niya* na panuorin mo yung music video nila. Bili na!" Umupo ako sa kama niya at siya naman ay agad na pumunta sa banyo para magbihis.

Tumayo muna ako mula sa aking pagkakahiga sa kama niya dahil hindi pa sya kumukuha ng sanrio at suklay. Ang galing talaga!

Nakakuha na ako ng sanrio at suklay at humiga ulit ako sa kama ni Kale dahil as usual, mabagal kumilos kaya hindi pa siya tapos. Iiglip sana ako saglit ng marinig ko na tumunog ang cellphone ko kaya umupo na lang ako sa study table ni Kale. Nagtext pala ang mommy ni Gavin. Baka naman may itatanong about sa schedule pero sana po hindi na related sa tito niya.

Gavin's Parent:
Good day Ma'am Shaze! I just want to ask kung gusto niyo po ba ng cookies or cake? Hindi po kasi kami sure ni Gavin kung ano po ang gusto niyo hehehe.

"Hala! Wala pa po akong sahod Mrs. Gior." Gusto ko sanang sabihin ito kay Mrs. Gior kasi baka aalukin niya ako ng mga iyon pero naalala ko naman na mayaman nga pala sila kaya malabong magtitinda ito ng mga ganoon pero malay niyo naman!

Me:
Good day din po Mrs. Gior! Sorry to ask this question po pero para saan po ba? Hehehe.

"Cake gusto ko ate. *dungaw sa cp* Sabihin mo cake gusto mo." Humiga na ulit siya sa kama niya at kinuha ang cellphone para panuorin ng paulit-paulit ang music video ng Treasure.

Papatayin talaga ako niya sa gulat. Paano ba naman kasi dikit na dikit ang mukha niya sa akin kanina at kulang na lang ay magkapalit kami ng mukha.

"Sige, akin na pera mo." Sabay harap sa kaniya dahil nandito pa rin ako nakaupo sa chair ng study table niya at nilahad ang kamay ko sa kaniya.

Siya naman ay nakahiga sa kama niya at hawak na ang cellphone para panuorin na naman ng MV nila Mashiho. Pero pinause niya saglit yung pinapanood niya at tumingin sa akin na naguguluhan.

"Huh? At bakit naman?" Yung mukha niyang naguguluhan kanina ay mabilis na napalitan ng mukhang mataray. Itinaas pa talaga ang isang kilay, paano yon?

"Malamang malay mo nagbebenta pala yu----" Naputol ang sasabihin ko nang nagtext naman ulit yung mommy ni Gavin.

Gavin's Parent:
As a gift ko po for you Ma'am kasi naistorbo pa po namin kayo kanina. Ang tagal po kasi ng tito niya umuwi kanina btw batchmates po pala kayo. Gavin told me po kanina nung umuwi siya kaya pala parang familiar kayo sa akin.

"Hindi naman kami nagkita ng ate niya noong high school pa kami pero paano ako naging familiar kay Mrs. Gior?" Parehas na kaming nakahiga ni Kale ngayon sa kama niya. Tumingin muna ako sa kanya bago ako magreply sa ate ni Breeze pero ayun lang si Kale nanonood pa rin ng music video ng Treasure na kanina pa niya paulit-ulit na pinapanood.

Me:
Ay Mrs. Gior no need na po for that. Thank you po ulit pero responsibilidad ko po ang safety nila Gavin as their adviser. Opo we are batchmates nga po. Thank you po ulit!

Tatanungin ko sana si Kale kung may assignment ba sya pero naalala ko na kapag once na hinawakan na niya ang cellphone niya pag-uwi at nanuod ng K-Pop it means wala siyang assignment.

Hindi ko rin naman ito maiistorbo kaya bumaba na ako para magluto ng hapunan namin kasi 6:00 na. I decided na 5 piraso na longganisa na lang ang ulam namin para maiba naman.

Bakit 5 eh dalawa lang naman kami ni Kale? Ang sagot diyan ay dahil malakas kasing kumain si Kale kaya dinagdagan ko na para sure ako na hindi siya magugutom mamaya pero kung magugutom man siya, problema niya na yon! Joke, syempre kukuha sya ng pagkain sa baba.

Kinuha ko muna ang longganisa sa ref at inalis sa plastic. Tinanggal ko ang tali nito dahil baka pumutok pa ito at saka ayaw din ni Kale na may tali sa longganisa. Pagkatapos kong matanggal ang tali ay sunod ko naman itong nilagay sa kawali na may konting tubig para pakuluan bago pirituhin. After 10 minutes na pagpapakulo ay saka ko pa lang ito pinirito. Habang nagpipirito ako ay ininit ko na rin ang kanin para mabilis ako. At sa wakas ay natapos na ako magprito at nilagay sa isang lalagyan. Pinatay ko na ang sinaing dahil baka masunog pa ito.

Bago ako pumanik para magpahinga saglit ay nilagyan ko muna ng tubig ang kawali na pinagprituhan ko at pinakuluan para madali itong hugasan mamaya. Habang hinihintay ko ito na kumulo ay hinugasan ko muna ang mga hugasin sa lababo.

Nang kumulo na ito ay saka ko ito pinatay at pumanik na ako para magpahinga saglit, maaga pa naman para kumain ng hapunan.

Pupunta na sana ako ng kwarto ko pero naalala ko na naiwan ko nga pala sa kwarto ni Kale yung cellphone ko. Kaya dali-dali akong pumunta sa kwarto niya.

Syempre diretso pasok na ako sa kwarto niya at no need na para kumatok sa kaniya kasi kaming dalawa lang naman ang nandito sa bahay.

"Kale, nandyan ba yung cellphone ko?" Tanong ko sa kaniya habang nakatayo ako, hindi na ako uupo kasi lalabas lang din naman ako pagkakuha ko ng cellphone ko.

"Nandyan sa study table ko ate. Ate may di ka yata sinasabi sa akin! *baling sa ate niya with mapanuksong ngiti at tingin* May manliligaw ka noh?!" Sabi niya sa akin pero habang sinasabi niya iyon ay tinuturo niya pa ako na parang pinagbibintangan na inosente sa mga palabas. Inosente naman talaga ako!

"Baliw ka ba?! Malamang wala akong manliligaw dahil sabi mo nga diba slow ako saka isa lang naman yung gusto ko na manligaw sa akin kaso ang tanong gusto ba akong ligawan?" Malungkot na sabi ko sa kaniya lalo na sa huling sinabi ko.

Kasi totoo naman eh wala na akong pag-asa sa kaniya kasi malay natin may nakilala na pala siya na gusto niya sa trabaho niya or somewhere man. O baka naman may nililigawan na siya pero hindi pa niya sinasabi sa family niya kaya nasabi sa akin ni Gavin na sana katulad ko daw yung magiging girlfriend ni Breeze. Hindi kaya yung katext niya sa Main gate kanina? Na kaya siya ngiting ngiti kasi sinagot na siya at sa sobrang tuwa niya nakalimutan niyang may mga tao na nakapaligid sa kanya.

Ewan ko na at naguguluhan ako!

Inalog alog ko ang ulo ko para naman makalimutan ko ang mga naiisip ko pero napakakulit ng puso ko dahil parang sinasabi nito sa akin na kahit anong gawin ko hindi pa rin mawawala sa sistema at sa buhay ko si Breeze. At sumabay pa ang isipan ko dahil pinaalala nito sa akin yung sinabi ko sa aking sarili nung high school pa kami na, si Breeze lang ang magiging gusto ko pero hihinto na ako kung may girlfriend na siya. Para namang din akong pinaglalaruan ng tadhana dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung may girlfriend na ba siya at kung kailan na ba ako titigil sa kahibangan ko sa kanya. Sinasabi ng iba na kalimutan ko na daw siya pero maniwala kayo o sa hindi, akala ko din nung una nakalimutan ko na siya pero nung nakita ko siya kanina, wala na bumalik na naman lahat ng alaala ko sa kanya maging ang nararamdaman ko para sa kanya.

Tinignan ko lang si Kale at binigyan ko siya ng matamis na ngiti para hindi siya mag-alala.

"Ate? Joke lang ulit yon. Ikaw naman syempre alam ko naman na gustong gusto mo pa rin hanggang ngayon si Bromine kaya wala ka pang boyfriend. Napakaloyal kasi sa high school crush niya. Hay nako ate!" Sabi niya sa akin sabay higa ulit sa kama niya.

Nagtataka kayo kung sino si Bromine?

Si Bromine ay code name na ginawa ko kay Breeze nung high school kami, typical na gawain natin nung high school. Make some code names sa mga crush natin para hindi tayo mahalata kapag pinag-uusapan natin si crush sa mga best friends natin. Syempre mas hihirapan natin yung code name na iyon para hindi agad mahulaan ng iba kung sino ba yung crush natin.

Hindi ko lang alam kung nagka-idea siya na may gusto ako sa kaniya kasi dati kaklase namin yung mga kaibigan niya and kapag nagkwekwentuhan kami ni Ate Ace sa lunch, sabay kasi kaming maglunch sa room, nasa harap lang ng upuan namin yung dalawang kaibigan niya. And take note, kapag dumadaan si Breeze at syempre kitang-kita ko siya kasi malapit lang ang upuan namin sa bintana ay tutuksuhin naman ako ni Ate Ace kaya feeling ko may idea na siya. Mabuti na rin yon kung may idea man siya!

"Ms. Andie Kale, nagugutom ka na po ba? 6:30 na pala." Sabi ko sa kanya habang kinuha ang cellphone ko sa desk niya at tinignan kung anong oras na.

"Ay buti na lang pinaalala mo ate! Dahil sa kadramahan mo ayan nakalimutan ko tuloy na gutom na ako." At nagmadali siyang tumayo pero bago pa siya pumunta sa pinto ay may sinabi pa siya na ikinatuwa ko dahil once in her life lamang niya iyon sinasabi. Char!

"Ate dahil alam kong pagod ka na, sige ako na ang maghahain. Ngayon lang to hah kaya sulitin mo na dahil alam kong stressed to the max ka ngayon." Sabi niya na animo ay parang sinabihan ko siyang gawin iyon. Matutuwa na sana ako kaso may kasamang banta pa siya.

Sabay kaming lumabas ng kwarto niya pero pumunta naman ako sa kwarto ko para magpahinga saglit. Umupo muna ako saglit sa study table ko at binuksan ang cellphone ko. Agad kong tinignan ang group chat ng Kinder 1 in case na mayroon silang tanong or baka hindi naseen ng iba yung chat ko.

"Akala ko pa naman may tanong sila at pati pala sa trabaho ko mararanasan ko malike zone *ginaya pa sa kamay ang like* Pero mabuti na lang din at nakita nilang lahat yon kasi kung hindi mapapaload ako ng wala sa oras. Life bakit ang hirap mo?! *sabay pikit*" Nang buksan ko kasi ang messenger ko, sabay sabay na nagnotify sa akin, nagmadali akong buksan yung messenger ko kasi akala ko may tanong sila at nakakahiya naman kung late ako magrereply. Nung nasa group chat na ako, nakita ko puro like lang pala ang chat nila pero mayroon din namang nagchat na:
"Noted Ma'am Shaze, thank you po!"
"Ok po Ma'am."
"Sige po Teacher! Thank you po."

Hindi ko na nabuksan pa ang text ng mommy ni Gavin at ni Hact dahil bumaba na rin ako para tumulong sa paghahain, kawawa naman kasi si Kale kapag siya lang ang gumawa.

"Our dinner is ready!" At namana nga siya ng kabaliwan sa akin dahil saktong pagbaba ko, tapos na pala siyang maghain kaya ayon, nauna na siyang umupo at sinabi sa akin iyon. Seryoso pa siya at kala mong nasa mamahalin kaming restaurant dahil napakaarte pa nitong humawak sa kaniyang kutsara at tinidor.

Lumipas ang ilang minuto at natapos na kaming kumain. As usual, si Kale na naman ang huling natapos kumain at may natira pa kaming 2 kaya iuulam na lang namin ito bukas. Paano nangyari iyon? Kasi matipid ako sa ulam pero malakas akong magkanin kaya nagkasya sa amin. Isa para sa akin at dalawa naman para kay Kale. Pero yung kanin ayun, simot na simot, kay Kale pa lang nangalahati na, 1 gatang at 1/2 lang kasi yun.

Ako ang naghugas ng pinagkainan namin at si Kale naman ang nagpunas ng lamensa kasama na dito ang pagwawalis. Ayan ang routine namin every time na kakain kami except nga lang sa part na siya ang naghain. Trabaho ko kasi yun para equal kami ng task. Ewan ko ba kung ano ang nakain niya ngayon at naisipang maghain. Hay!

Nandito pa rin ako sa baba pero si Kale pumanik na, ilo-lock ko kasi yung pintuan namin sa kusina, sa main door at syempre yung gate. Maging ang mga bintana ay isinara ko din ng mabuti dahil mahirap na dalawa lang kami dito sa bahay at babae pa.

Pagkatapos ay pinatay ko na ang ilaw sa ibaba at chineck kung may nakasaksak ba na appliances, matapos kong masigurado na okay na ang lahat ay saka pa lang ako pumanik.

Continue Reading